Chapter:14

49 3 8
                                    

[Chapter:14]



"Sino 'yan? Lumabas ka"


"S-sir sorry a-ano kasi eh ano" nilahad naman niya ang kamay niya para tumayo ako sa ilalim ng lamesa. Shocks! Patay na'ko.

"What?" Inabot ko naman ang kamay niya saka tumayo at pinagpagan ko pa ang sarili ko. Whew! Gusto ko na magbigkas ng sampung amanamin at mag rosaryo sa harap ni Sir K ngayun din. Kaso? Hindi naman siya Diyos! Magrorosaryo na lang ako mamaya.

"S-sir sorry a-ano k-kinuha ko po kasi y-yung g-gamit ko n-nahulog po sa ilalim ng l-lamesa" napayuko naman ako para hindi mahagilap ang nakakamatay niyang titig. Jusko! Madededs na'ko ngayon. Kung binaggit nila ang plano at nahuli ako mas madededs ako.

"Tara pumunta tayo sa Cafeteria" agad naman niyang binitbit ang itim niyang sling bag at itim na tumbler saka daliang lumabas.

"Sir wait lang!" Hinabol ko naman siya at binitbit na agad ang mga gamit ko. Bakit ba kasi laging parang humaharurot na motor 'to si Sir? Ang bilis bilis niyang maglakad... Nakita ko namang binabati siya ng iba't ibang estudyante sa gilid. Sino ba naman kasing hindi papansin sa messy hair look, tabinging eye glasses, white long sleeve polo at black trouser niya na malakas maka-groom ng kasal. Well- no! ERASE ERASE ERASE.

-

Nandito naman na kami ngayon sa Cafeteria. Oorder pa sana siya ng ulam sa baba kaso sabi ko du'n na lang kami sa coffee shop. Siguro naman hindi niya rin alam 'yung mga ginagawa ng eskwelahan noh? Oorder pa sana siya ng ulam do'n e.

"Sir ano, share na lang tayo sa baon ko" ngumiti naman ako para hindi halata na guilty ako sa nangyari.

"H-hindi ka ba kumain nung recess?" Naglakad naman siya papaakyat ng hagdan. Sumunod naman na din ako, hays hindi ba halata? Ano ako dalawa dalawa baon?

"Ahhh, opo e wala po kasi akong gana kanina" yuko ko pa habang sumusunod sa kaniya. Nakita ko namang pumipili na siya ng upuan at saktong walang nakaupo sa dulong bahagi ng lamesa kung saan tanaw ang malawak na quadrangle. Hays! Mukhang presko ang hangin lalo na't wala masiyadong araw ngayon.
Wala rin masiyadong tao ngayon sa labas dahil mag aalasdos na. Kanina pa nakauwi ang iba at siguro mga nag gagala na lang ang nandito. Actually papaalis na nga e.

"Tara dito" yaya niya sa'kin ng maupo siya sa upuan. Umupo naman ako at agad na binuksan ang lunchbox ko.

"Sir? Nagluto ako ng sinigang na hipon, masarap 'to Sir... Share tayo ha" nakita ko namang natulala siya sa lunchbox ko. Parang nagdadalawang isip ka pa ata ha?

"S-sige... Masarap ba yan?" Natawa naman ako sa sinabi niya. Hays Walang tiwala sa'kin?

"Oo naman Sir" ngiti ko pa hanggang sa tumayo naman siya. "Saglit, lilibre kita ng coffee" sabi niya at agad na tumakbo papunta sa baba. Omg? Coffee? Libre? Ng teacher? Hays gusto ko na lang mag flip ng hair ko.


Nilabas ko naman ang kutsara at tinidor ko. Oh no! Isang tinidor at kutsara lang pala ang dala ko. Magshashare kami ni Sir ng kubyertos!? No! Hindi. Siguro ibibigay ko na lang sa kaniya 'to. H-hindi pa naman ako gutom at wala talaga akong gana kumain ngayon.

"Oh" narinig ko naman siya sa aking likuran bitbit na ang tray na may dalawang mainit na kape. Wow? Quick ah! Ganito ba talaga? Lagi na lang may VIP ticket ang mga teacher?

"Ay Sir hehe thank you po" inabot ko naman ang mainit na kape. Nilagay niya na rin ang tray na hawak niya sa kabilang table at inilapag na rin niya yung kape niya.

"Sir sainyo na lang po pala 'to" umiling iling naman siya habang inuusod ko ang lunchbox ko.

"H-hindi... Sa'yo na yan" ngiti niya pa at agad na inilihis sa'kin ang lunchbox.

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon