All About Us

227 11 6
                                    

Diba sabi ng iba, mas lalo kang nafafall sa isang tao sa worst state mo.

Siguro nga, tama sila. 

Nafall ako sa kanya.

Haaaay, pero ano nga bang panama ko sa iba.

Wala naman akong kwenta eh. 

Walang akong kaibigan, hindi ko alam kung bakit. Weirdo daw kasi ako.

Haaaay. Iniisip ko palang na nafall ako sa kanya, parang gusto ko na kagad sumuko.

One sided love naman to eh.

Sana kasi hindi nya lang ako nakita na binubully ng mga kaklase ko, edi sana hindi ko sya nagustuhan.

Ang hopeless ko talaga.

Naaalala ko palagi yung ginawa nyang pagligtas sakin.

"Okay ka lang ba Miss?" tanong nya sakin pagkatapos nyang sindakin yung mga nambubully sakin.

"Ah... Oo... Okay lang ako... Salamat ha..." yan nalang ang nasabi ko sa kanya.

Naaalala ko pa ang expression ng mukha nya na parang nag aalala talaga. 

"Sige. Mauna na ko sayo." sinabi nya yun tapos umalis na din. 

Umalis na ang Prince Charming ko. 

Ang O.A. ko talaga, parang yun lang. Nainlove na kagad sa kanya, hindi nga kami close nun eh.

Siya si James. Campus Heartthrob. 

Oh diba, ano naman ako kumpara sa kanya. 

Walang wala ako. Loner na weirdo lang ako. 

"Haaaaay." hanggang buntung hininga nalang ako habang inaalala yung mga nangyari. Andito ako ngayon sa bleachers. 

"Pwede makiupo?" napalingon ako sa tabi ko. Katabi ko ngayon si James. Talagang si James nga. Ano namang ginagawa nya dito?

"Ang lalim ng iniisip ah, baka malunod ka nyan" sabi nya. Napasmile naman ako sa sinabi nya.

"ah.. eh.. medyo malalim nga... Teka, bat ka ba nandito? bat hindi mo kasama yung mga kaibigan mo?" sunod sunod kong tanong. Bigla kasing nacurious kung bakit sya nandito.

"ako? ah kasi nasa malapit lang dito yung taong gusto ko" sabi nya tapos nagsmile. Nako, may gusto na pala sya.

"ohh.. bat ayaw mo syang lapitan man lang?" nakatingin ako sa may tapat ng bleachers. nagpapractice sila Julia ng volleyball. alam ko naman na si Julia ang gusto nya. bagay na bagay sila ni James pag magkasama sila. nakakainggit nga eh. 

"nahihiya ako sa kanya. pano nya kaya ako mapapansin ha Mia" wait, teka? alam nya pangalan ko? ang saya ko grabe. alam ni James La Torre ang pangalan kong Mia. Actually Mia Janine ang pangalan ko. 

"ha, pano nga ba? hmmmm... lagi kang magpakita sa kanya tapos i take mo yung chance na masolo sya" yun nalang ang nasabi ko sa kanya. hindi naman ako marunong mag advice eh.

"ganun? tingin mo effective yun?" tanong nya ulit sakin.

"siguro. pasensya ka na James ah. hindi ako marunong magbigay ng advice, wala naman kasi akong alam sa mga ganyan eh."

"ah.. sige mauna ako sayo" at umalis na sya. nakakadepress naman na malamang may gusto na syang iba. Sana ako nalang yun no. Hindi naman masamang mangarap eh. Mangangarap lang naman. 

Mabilis na lumipas ang panahon, Valentine's Day na bukas. Mukhang OP na naman ako sa school. Actually, lagi naman akong OP pag Valentine's Day, wala kasing nagbibigay sakin ng bulaklak o kaya naman chocolates. Sanay na din naman ako.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon