That song...

63 2 0
                                    

Kinabukasan din,lumuwas sila at agad kumuha ng ticket pauwi ng Davao.Tinawagan muna niya si Marie bago umalis.Tuwang tuwa ito.Hindi na niya sinabi ang mga detalye.Pagdating niya ng bahay,syempre nagulat ang lahat,pero wala ding nagawa ang mga ito,kasi nga alam nila na sa bawat desisyon niya,pinag-iisipan talaga ito at bunga ng taimtimang plano.Sa pag-ibig lang naman siya nagpakagaga.Inayos niya lahat ng dapat ayusin Nagulat ang mga co-teachers niya,pero masaya ang mga ito sa kanya.Mabuti nalang at walang masyadong tao sa school.Bakasyon kasi.Ayaw niyang makipag-usap nang matagal sa mga ito.Wala siyang gana,nahihilo pa rin siya.Hindi lang niya ipinahahalata.Inilibot niya si Mike sa Davao.Pumunta sila ng Pearl Farm,kasama ng buong pamilya.The next day,sa Jack’s Ridge sila naghapunan.Maganda ang lugar,overlooking Davao City.Nag enjoy din ito sa Crocodile Park at iba pang magagandang tanawin.Nakakatawa lang kasi ni hindi nito gustong amuyin ang durian,famous fruit ng Davao.Pinilit niya ito,hanggang sa pumayag din na tumikim.Pisil pisil pa nito ang ilong,talagang sinisigurado nitong walang maaamoy.Nang makatikim,he loved the taste but cursed the smell.Madali niyang natapos ang mga kinakailangang gawin,after three weeks,they’re ready to fly.They stayed two weeks lang sa Davao kasi ayaw niyang mahahalata ng mga ito ang kalagayan niya.Ni wala siyang agam agam sa desisyon niya.Siguro nga,kailangan niyang lumayo.Para makalimot na rin sa sobrang sakit.Ang daming nangyari,pero hindi niya pinagsisisihan ang pagiging buntis niya.Excited din siya.Ito ang kapalit ng mga sakit na naranasan niya.Sana lang,kung pwede lang,she will shield her child from pain.

“I will take care of you and my baby, Kryztel.”Mangiyak ngiyak siya habang pisil ang kamay nito.Naging madrama na yata siya lately,nasaan na nga ba ang bruhang siya?Well,naghibernate siguro.Pagdating sa Australia,inayos agad ni Mike ang mga dapat ayusin.Naikasal agad sila.Kinakabahan pa siya pagkatapos,kasi nga hindi niya maaatim na may mangyari sa kanila though alam niyang talagang dapat mangyari,kasi sa mata ng tao at Diyos,mag asawa sila.Pero hindi nangyari ang inaasahan niya.They sleep separately though connecting ang rooms nila,ang sabi nito,she is not his type and that she is not appealing enough.Nagkatinginan sila at humagalpak ng tawa.Dagdag pa nito,it would be incest.He loves her as a sister and nothing more.Niyakap niya ito nang mahigpit and said,”You are gonna regret soon,I swear I am so yummy.”Mas lalo itong tumawa and answered,”In your dreams!”

Time passed so quickly,seven months na ang tiyan na.They went to the OB and Mike was so happy.A boy,according to the ultrasound.A good looking one,napaluha siya.A boy,her prince.Mas lalo siyang kumain ng healthy foods with folate.She wants her prince to grow strong and smart.Si Mike naman,ni minsan,hindi niya nakitaan ng sintomas na maysakit ito and dying.From the office,dretso ito kamusta sa kanya and the baby.He’s gonna be a perfect dad.Kung sana lang natuturuan ang puso,pero ni minsan,hindi nito hiniling na mahalin niya.Ni wala nga itong ipinakikitang pagnanasa sa kanya.Ni minsan,ni hindi siya nito hinalikan sa labi,maski noong kasal nila,niyakap siya nito at sa noo hinalikan.Sa cheek lang palagi kapag umaalis at pagdating ng bahay.Siya naman,ginagawa ang lahat para maging isang mabuting maybahay dito.He would always utter “thank you”.Theirs is like two friends living in one house.He is more like a big brother to her.

Si Mike pa ang sobrang kabado  sa delivery room,parang ito ang manganganak.Tatawa tawa pa siya,habang ito ay hindi na maipinta ang mukha.

“Please,don’t forget to breathe.You have a mountain of debts to pay to me,remember?And do not prolong my agony.If you’re gonna stay longer than usual,then,am sure am gonna have a cardiac arrest,and I would die before my due, understand?”

Tumawa lang siya at pinasasalamatan ito.Nakaraos agad siya.Nang ibigay na sa kanya ang sanggol,at inilagay sa kanyang dibdib,lumuha siya.Tahimik na nagpapasalamat sa taong hanggang ngayon ay minamahal niya.Mas lalo pa ngang nadagdagan,kasi kamukhang kamukha nito ang baby niya.

Lalong naging mas masaya sa bahay.Years passed, Mike showered them with so much,material things,care,love and much more.Hindi siya nagkakamali ng pakasalan ito.Ang taong iyon na yata ang may pinaka sa lahat.A very selfless person,with so much to give.Habang lumalaki si Rem,yes,gusto ni Mike na kapangalan ng ama nito ang bata,ay nagiging mas prominente ang pagkakahawig nito sa kanyang ama.Habang lumalaki si Rem,napapansin niyang nahuhulog ang katawan ni Mike.She kept on asking him about the weight loss.He will just smile and hug her.

Unfinished BusinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon