"DAHIL NAKITA KO KUNG PANO PINATAY ANG AKING TATAY!"
Nagulat si Rogelio sa binunyag ni Father John.
Buti walang silang kotseng kasabay sa kalsada nung panahon na iyon kundi tiyak na mababangga nila ito.
"Bat mo sinabi dati na wala ka naalala noong gabi na yon" di mapigilan ni Rogelio na humarap kay John habang nag mamaneho.
Kasama siya ng kaibigan pari nung panahon na nagrerecover ito sa pagkamatay ng kanyang tatay Jose.
Di niya hinahayaan at ang noong kasintahan na si Erika na maging mag isa si John sa mga madilim na yugto na iyon sa buhay ni Father John.
Kaya madaling natanggap ni Rogelio at ni Erika na luluwas ito ng Maynila upang pumasok sa seminaryo dahil alam nila na makakabuti kay John ito.
"Di ako sigurado sa nakita ko." pinigilan ni Father John ang kanyang luha.
Di na sinundan Father John ang sinabi at tumahimik na lang ito. Tinignan naman ni Rogelio ang reaksyon ni Mang Jun sa sinabi ng kaibigan.
Naramdaman niya na tumibay ang pagtitiwala sa kanila ng matandang magsasaka.
Hinala niya na may impluwensya ang mga kriminal sa mga awtoridad sa San Pascual.
Kinalabit ni Mang Jun ang balikad ni Rogelio.
"Malapit na tayo?! pumarada ka sa tapat susunod na bahay".
pinark ni Rogelio ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang sementadong bahay.
Ibig sabihin neto ay nasa mas mataong lugar na sila at medyo angat na sa buhay ang mga nakatira dito kumpara kung nakatira ka sa lugar tulad ng kung saan naka pwesto sa kagubatan ang bahay ni Mang Wilfredo.
May sumalubong sa kanilang isang matandang babae galing sa loob bahay kasunod naman ito ay dalawang binatang lalaki.
"Ako na munang baba" sabi ni Mang Jun sa dalawang kasama.
"Kakausapin ko muna si Ka Rizalinda" bumaba na si Mang Jun sa sasakyan ay lumapit sa matandang babae.
Habang kinakausap ito ay napapatingin ang babae kala Rogelio at Father John.
Walang emosyon na makikita mo sa matanda nung sandaling iyon at bigla na lang pumasok sa loob ng kanyang bahay.
Pagharap ni Mang Jun sa sasakyan nila Rogelio at John.
Nag muwestra ito ng OK SIGN.
Nag tawanan bahagya ang magkaibigan dahil sa nakikita nilang reaksyon nila Mang Jun at Aling Rizalinda habang nag uusap ay akala nila na di sila papapasukin ng babae sa loob ng kanyang bahay.
Dun lang bumaba ang dalawa sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Habang hinuhubad nila ang kanilang maputik na sapatos dahil sa nilakaran nilang kagubatan.
Ay siya naman papalapit sa kanila si Aling Rizalinda na may dadalang pitchel ng juice at isang plato ng pandesal na may palaman keso at hotdog.
"Umupo muna kayo mga sir at mag meryenda".
inalok ni Aling Rizalinda ang dalang pagkain at umupo sa tabi ni Father John.Tatanggihan sana ng dalawa ang alok na pagkain pero ngayon nila namalayan na di pala sila nag aalmusal at gutom na gutom na sila.
Pero si Mang Jun ay kumuha na ng pandesal at kinagat ito.
"Maganda umaga sa inyo Aling Rizalinda salamat sa meryenda" sabay kumuha ng isang pandesal ang dalawa.
Hinayaan munang tapusin ni Aling Rizalinda na kumain ng inalok na meryenda ang tatlong bisita at nang matapos na.
"Ikaw daw un anak ni Ka Jose" inilala ni Father John kung nakita na niya si Aling Mercy ngunit di niya ito matandaan.
"Opo ako yon nag iisang anak ni Jose."
habang naka tingin ito mabuti sa mukha ni Aling Mercy."Ako si Mercy ako ang nanay ng biktima ng namassacre na si Lucy (Aling Lucing)." pagpapakilala ng matandang babae kay Father John.
"Ako po ay nakikiramay sa nangyari sa inyong anak".
malugod na ganti kay ni John kay Aling Rizalinda."Bat ka nawala dito sa San Allegre? kilala ko ang iyong tatay na si Mang Jose".
di maiwasan hawakan ni Aling Rizalinda si Father John dahil nararamdaman niya na meron silang pag hahalintulad sa isa't isa.Dahil iisa lang ang kanilang kaaway.
"Pumasok po ako ng seminaryo sa Maynila pagkatapos namatay ina"
nakuha agad ni Father John ang tiwala ni Aling Rizalinda alam niya na ilalahad nito ang lahat ng kinakailangan upang idiin ang halimaw na si Jamie Racman."Pano ninyo nakilala ang aking tatay kasi ngayon lang kita nakita". gusto malaman ni John kung ano nga ang relasyon ng dalawa.
"Nagsasagawa ako ng outreach dito sa San Pascual at bilang opisyal ng simbahan si Ka Jose ay siya ang aming kinakausap sa Simbahan ng San Agustin."
sabi ng matandang babae sa binata."Andun ako sa piyesta na dinaluhan ni Ka Jose nung araw na pinaslang siya....." panandalian huminto sa pagsasalita si Aling Rizalinda pero kailangan niyang sabihin ito dahil matagal na din ito dinadala ng matandang babae.
"Ako ang nag imbita sa iyong tatay na dumalo sa piyesta". inihanda na ni Aling Rizalinda sa magiging reaksyon ng John.
Hinawakan ni Father John ang mga kamay ni Aling Rizalinda dahil di namalayan ng matandang babae na lumuluha na pala ito.
"Wala po kayong ginawang masama, di po kayo ang may kasalanan kung bat namatay ang aking itay."
Nahalata ni Father John na sinisi ni Aling Rizalinda ang sarili kung bat niya inimbitahan si Mang Jose kung hindi sana niya niyaya si Mang Jose ay di ito namatay.
"Kung hindi ko sana niyaya si Ka Jose sa Fiesta ay buo pa sana kayo ng pamilya mo".
Tuluyan umagos ang luha sa mga mata ni Aling Rizalinda habang humigpit ang pagkakahawak sa niya sa kamay ng pari.
Maging ang kasamang pulis na si Rogelio ay di na din mapilan ang mapaluha sa nasaksihan.
"Di po dala ng maling oras at maling lugar ang dahilan ng pagkakamatay ng aking itay".
Binitawan na ni Father Jose ang kamay ng matanda na noon ay basang basa ng luha at ini angat ang mukha at hinawaan ang balikat.
"PLANADO ANG PAGPATAY SA AKING TATAY".
biglang tumahimik ang paligid sa sinawalat ni Father John.
"BAT NGAYON MO LANG SINABI ITO JOHN WALA KA BANG TIWALA SAKIT!!!"
galit na kinuwelyuhan ni Rogelio ang kaibigan.
"KALA MO BA DI KITA PANINIWALAAN"
akmang gusto saktan ni Rogelio si John nasaktan ang damdamin niya ng di ito sinabi sa kanya noon dahil tinuturing din niya ikalawang tatay si Mang Jose.
Kasama kasama kasi si Rogelio sa mga lakad ng pamilya ni John dahil busy sa pagiging hepe ng presinto ang tatay nito.
Kaya ganito na lang ang inis ni Rogelio sa matalik na kaibigan.
"MGA ASWANG!!!"
biglang binigkas ni John ang mahiwagang salita.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
TerrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...