Chapter 10
Marionne meets Brayden
•••••••••••••••••••••••••••••••
Basang basa na ko sa ulan habang sinusuyod ko ang kahabaan ng Andromeda St. Hinahanap ko ang gagong si Kevin.
At talagang nakikisabay sa problema ko ang ulan ah. Ang bilis at lakas ng patak nito. With matching kulog at kidlat pa.
Sinunod ko si Karen nang sabihin nyang isa rito sa mga bar sa kahabaan ng kalyeng ito naroon si Kevin at yong babae nyang kinakasama raw nya.
"Walang hiya ka Kevin! Nasan kana!" bulalas ko ng makalabas sa huling bar na pinasukan ko. Walang Kevin Abalos na nagpakita sa kin.
Nagsisisi akong hindi ko tinanong kung saang bar naroon si Kevin! F*ck!
Basang basa na ang puting tshirt ko. Halata na ang bra kong kulay red.
Tumutulo na rin ang buhok ko.
Sinipulan ako ng dalawang lasing na lalaki sa labas ng bar. Please, wag ngayon. Nilampasan ko lang sila.
Nang makalampas na ako ay hinawakan ng isang lalaki ang braso ko at hinila ako paupo sa binti nya. Disgusting!
"Hi Miss. Mukhang nilalamig ka na. Magpainit ka muna dito sa kandungan ko" ani ng manyak na lalaki.
Tumayo at sinampal ko sya ng pagkalakas. Wag ngayong malaki ang problema ko. Napaatras sya sa sampal ko.
"Bastos!" sigaw ko.
Yung isang lalaki naman ang lumapit sa kin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako makawala sa kanya. Hinahawakan na nya ngayon ang dibdib ko! Walang hiya tong manyak na to!!
Sigaw na ko ng sigaw at pilit kumakawala sa paghawak nitong gagong to! Nagsimula na kong lumuha. Luhang hatid ng panggagago sakin ng boyfriend ko at nang manyak na bastos na lalaki.
Natigilan ang manyak na to nang may humawak sa braso nya at pinaulanan sya ng suntok. Humandusay sa sahig yong lalaking manyak. Hindi pa rin ako matigil sa kakaiyak. Napahawak ako sa katawan ko.
Gago! Manyak! Puta! Damn! Go to hel!
Lahat na ng mura ay naibulalas ko na. Pero hindi pa rin ako matigil sa kakaiyak.
Aamba pa sana ng suntok yung lalaking nagligtas sakin pero tumakbo na yung dalawang manyak.
Lumapit sa kin ang lalaking may mapungay na mata, may perpektong panga , heart shaped ang kanyang mukha, may mga matang kulay brown at arg! Napakagwapo parang yong mga international model. Sinabit nya sa balikat ko ang kanyang coat.
"Okay ka lang ba Miss?" ani nong lalaki.
Matangkad sya. Kapantay lang ako ng balikat nya though hindi naman ako katangkaran pero alam kong sobrang tangkad nya kumpara don sa dalawang manyak kanina. Nakatitig sa kin ang kulay brown nyang mga mata.
Hindi ko sya masagot. Iyak pa rin ako ng iyak! Hayop na Kevin yon! Ililibing ko talaga sya ng buhay kasama yong babae nya!
"Miss, okay ka lang ba?" tanong nya ulit ng hindi ako magsalita.
"Mukha ba kong okay? Nabastos na nga ko, tinatanong mo pa kung okay?" pasinghap kong sabi. I can't see him through his eyes. Napakagwapo eh. Baka hindi ako makapagtaray ng maayos
Itinaas nya ang dalawang kamay nya.
"Easy, easy Miss. Nag aalala lang ako. " sabi nya.
Inirapan ko sya at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala akong balak makipagchikan habang hinahanap ko ang walang hiya kong boyfriend. Pero mabibigo ako dahil huling bar na yon dito sa Andromeda St. pero walang Kevin akong nakita.
"Hey Miss wait." hinabol nya ko.
"Ano!!" pagtataray ko.
Easy Marionne! Alalahanin mo, sya ang nagligtas sayo!
"Saan ka ba umuuwi? Ihahatid na kita. Baka mapano ka pa sa daan" aniya at hinawakan ang braso ko.
Hinawi ko yon.
"Sus! Ihahatid mo ko? Ang sabihin mo, may balak ka ring masama sa kin! Malay ko ba kung saan mo ko dadalhin! Ni-hindi pa nga kita kilala eh!" sigaw ko sa kanya.
Narinig ko ang mumunti nyang tawa.
"Wala kong balak na masama sayo Miss." aniya
"Ako nga pala si Brayden Matthew Monteverde" ngiti nya sa kin at naglahad ng kamay.
Laglag ang panga ko mga Ate!!! Nanlaki ang mga mata ko!! Totoo ba to?? Nasa harap ko si Brayden Matthew Monteverde?? Ang leader ng Nexus Zone? Shocks!!
Hindi ako nakapagsalita. Unti-unti kong kinamayan si Brayden.
Natatawa sya sa hitsura ko ngayon.
"What's your name?" tanong nya sa kin na nakangisi.
"Marionne..... Marionne Aliyah Esguerra." nahihiya kong sabi.
"Marionne Aliyah Esguerra. Btw, Ihahatid na kita, san kaba nakatira?" tanong nya.
"Wag ka nang mag abala. Kaya ko namang umuwi eh" sabi ko.
"No! After what happen kanina?" Hindi ko hahayaan na mabastos ka ulit." aniya.
Napalunok ako. May point rin sya lalo na't marami talagang manyak sa st. ng apartment namin. Ganto pa ang hitsura ko. Basa ang damit at halata ang panloob. I wonder kung nakatingin ba sya sa dibdib ko habang kausap ako? Hindi sya matignan.
"S-sige..." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤