"guys sinong gusto uminom? ", tanong ni brent.
"ok, game", pag-sang ayon namin.
Kumuha si brent ng beer sa ref na nasa kitchen, kakatapos lang naming kumain at kasalukuyang nanunuod ng moviev sa sala.
Bumalik si brent na may dalang bucket ng ice-cold beers.
Nagkanya kanya silang kumuha, pero i insist na wag kumuha, hindi kase ako mahilig sa beer.
Hindi naman nila ako pinilit kase pag-aawayan lang namin yun kung nagkataon.
Kung nandito si khiel, matakaw yun sa beer.
Kaya naalala ko na naman siya.
"oy, tingnan nio si sojie, nangiti", pagbasag ni cindy sa katahimikan.
"naku, ako na naman nakita nito", natatawa kong sabi.
"hayaan nio na siya, adik lang talaga yan minsan", si mara.
"haha, punta muna ako sa tabing dagat ah, maglalakad-lakad lang", pagpapaalam ko.
"sige,sige pero hindi ka ba natatakot madilim na oh?", tanong ni brent.
"haha, sus ano ako bata? ", sagot ko sabay labas.
Masarap talagang mapag-isa sa sea-side, wala kang ibang maririnig kundi yung tunog ng paghampas ng alon sa mga bato at ang malamig na simoy ng hangin sa dumadampi sa mga balat ko.
Umupo ako sa buhanginan at pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga alon sa liwanag ng buwan.
I missed him, i really missed how he hugged me kapag ganito kalamig ang hangin.
Pumikit ako at iniimagine na nasa likod ko siya at kayakap ako.
Naramdaman ko ang init ng katawan niya habang yakap ako.
He kissed my neck at ramdam ko ang init ng hininga niya.
"whattttt? ", bumalik sa realidad ang isip ko.
I'm just imagining pero bakit may nakayakap talaga sakin.
Nagulat ako nang makita kung sino ang nasa likod ko.
"sam? ", gulat kong tanong.
"shhhhh! ", sabay takip ng daliri niya sa labi ko.
Inalis ko ang daliri niya at nagsalita.
"how'd you get here? ", maang kong tanong.
"basta", maikli niyang sagot.
"teka, pano nga? ",
"okey okey, i asked brent, nung una hindi siya pumayag, pero i keep on insisting him", paliwanag niya.
"eh bakit ka sumunod dito?", tanong ko pa.
"para makasama ka", nakangiti niyang sagot.
"diba maliwanag na ang lahat na hindi kita gusto", hirit ko pa.
"i know", malungkot niyang tugon.
"oh bakit.... "
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, he gently kissed me to stop any words to come out of my mouth.
Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko.
Hindi ko siya magawang itulak o kumawala sa halik na yun.
Nagpadala na lang ako sa emotion ko, i closed my eyes and my the moment khiel kissed me flashed back into my mind.
I admit, si khiel ang nasa isip ko at that moment.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Promise
Non-FictionNormal lang na magkagusto ang isang lalaki sa isang babae, at ang babae sa isang lalaki. Pero paano kung ang isang lalaki ay magkagusto sa kapwa niya lalaki? At ang babae sa kapwa niya babae? Normal lang ba yun? Kung ako ang tatanungin, OO. Maybe sa...