Simula

714 48 0
                                    

THANK YOU FOR CHOOSING TO READ STAY WITH ME

WELCOME TO THE WORLD OF MY GIRLXGIRL STORIES

Hailey P.O.V

"HAILEY! Nasan ka bang Lintik ka?! Sigaw ng tita ko na bawat ikot ata ng kamay ng orasan ay laging May utos.

"Nandiyan na po Tita" mabilis akong tumayo at iniwan ang mga nilalabhan.

"Kahit kelan ang bagal mong kumilos!Kanina pa kita tinatawag ah! Singhal nito sa akin.

Nasa" labas po kasi ako at naglalaba" sagot ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Sa halip ay inutusan niya muli ako.

Linisin mo yung kwarto ni Lala kasi ang kalat kalat na".

Pero Tita"..

"May angal ka? Bilisan mo na!"

"Naglalaba pa po ako. Si Lala na lang po ang paglinisin n'yo. Naka higa lang naman po siya sa May sala".

Hobby na ng Magina na utos utusan ako, palibhasa kasi nakikitira lang ako sa kanila.

Tatlong taon pagkatapos ko ng high school ay lumuwas ako sa Maynila. Kailangan daw kasi ni tita ng kasama sa bahay. 19 nako noon kapalit ng pagtira ko dito ay ang pag aaral ko. Kaylanga kong manilbihan sa bahay nila. Kung tutuusin ay mababa lang naman ang matrikula ko dahil sa public lang ako nag aaral.pero hindi parin iyon kinaya ng mga magulang ko. Kaya napilitan akong manirahan sa tiyahin kong demonyita.

Una pa lang ay hindi kona nagustuhan ang ugali ng tita ko pero desperado akong mag aral.
Pinilit kong makisama pero sobrang abusado na talaga siya. Parang hindi niya ko kamag anak kung ituring. Masahol pa sa katulong ang trato niya sa akin.

"Aba at gusto mo pa talaga utusan ang anak ko? Hoy ! Umayos ka nakikitira ka lang dito".malakas na sigaw n'ya.

Sumakit ang tenga ko sa pagsigaw n'ya." Alam ko pong nakikitira lang ako dito at pinapa aral n'yo. Pero kinakatulong n'yo rin naman po ako. Kung tutuusin nga tita dapat sinusuwelduhan n'yo nako dahil ultimo kuku at buhok n'yo mag ina inaayos ko."

"Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob !" Nanlalaki ang mga matang sigaw nito.

"Wala talaga akong utang sa inyo. Dahil tatlong taon nakong nagtitiis dito".

" Pwes, kung 'hindi Kana makapagtiis , Lumayas ka!"

"Aalis na talaga ako. Titira na lang ako sa kalye kaysa makasama ko pa kayo. kayo na ang maglaba ng damit n'yong Mag ina na kasya dalawang tao kayo na din mag linis ng bahay n'yo.

Mabilis akong naglakad papunta sa silid kong tambakan ata ng basura. Kinuha ko lahat ng gamit ko.

"Huwag Ka nang babalik dito" Palamunin. Sigaw ng tiya ko ng makalabas ako ng bahay.

Habang nag aabang ng masasakyan ay naisip kong mali ang ginawa kong pag sagot sa tiyahin ko. Kaya pinagsisihan ko ang aking ginawa. Kaya lang May panahong May masahol pa roon ang ginagawa nila sa akin pero lahat ng yun ay tiniis ko.

Wag kang magsisi Hailey ! Tama lang yung ginawa mo! Pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Kaya lang hindi ako makaka pag enrol ngayong semester gusto ko man humingi ng tulong sa aking ina ay hindi ko magawa dahil May malubha itong sakit. Si tita na lang ang pag asa ko kaya lang nasagad na ang pasensya ko at hindi na naka pagtimpi tulad dati.

Matagal ko ng gustong magtrabaho pero ayaw akong payagan ng tiya ko dahil mas gusto niyang alilain ako. Kaya wala man akong mapupuntahan ay pinili ko na lang umalis sa poder niya. Bahala na si Batman.

🆂🆃🅰🆈 🆆🅸🆃🅷 🅼🅴 🅶🆇🅶Where stories live. Discover now