One Shot: Stoplight

95 6 3
                                    

Maligayang Pasko, readers! *kaway kaway*

Eto Christmas gift ko sa inyo. Hoho. ~(^__^)~

**

"Dalian mo nga! Ambagal mo."

"Oo na eto na nga bibilisan na oh!"

Badtrip.

Sa lahat ng panahon, bakit kailangang magkabagyo pa ngayong araw na 'to? Kung magpasuspend kasi ng klase yung university eh napaka-late na! Iintayin pa atang umabot yung baha hanggang second floor bago magpasuspend! >__<

Eto namang linchak na payong na 'to, wala ring silbi. Sa sobrang lakas kasi ng hangin tinatangay din tapos nagsasabuyan lang yung ulan sa mukha ko. How nice.

At last, nakarating na rin ako sa may pedestrian. Tatawid na sana ako nang..

May humila sa akin pabalik.

"Green light na po, naabutan na naman tayo. Ang bagal mo kasi."

Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumabi kay Hiro sa sidewalk.

Aish. Naabutan na naman kami ng green light. Aba kasalanan na nung bagyo yun! Hindi na kasi ako makatakbo ng maayos para makahabol pa, malapit na sa tuhod ko yung baha.

At eto namang napakabait kong bestfriend, inunahan na ako, di rin naman pala makakahabol. -_-

Napatingin ako sa stoplight.

Haaay. Sa dinami-dami ba namang araw sa kalendaryo eh ngayon pang nagkataong nagkabagyo para badtripin ako...

Kung kailan latak na latak na yung araw ko.

Pati grades ko, latak. Linchak na terror prof 'to, binigyan lang naman akong pagkatamis-tamis na kwatro.

Hindi ko nga alam kung pang-ilang beses ko na 'tong bagsak. Yari ako sa nanay ko neto, may paparating na failure notice sa bahay.

Pushanggala. -________-

Akala ko magiging masaklap na ang araw ko, pero hindi pa pala! May mas isasaklap pa, kasi first anniversary na ng bestfriend ko at ng...

...lalaking palihim ko nang minamahal ng anim na taon.

Wala naman kasing iba pang nakakaalam na mahal ko yung lalaking yun (na itago na lamang natin sa pangalang, Huseff Kiel Domingo -__-) kung hindi yung isa ko pang bestfriend na si Hiro, highschool classmate namin.

Oo, tanga ako kasi minahal ko pa rin yang gunggong na yan kahit alam kong matagal na siyang may gusto dun kay Cyrene, kapitbahay nila.

Naaalala ko nga nung 4th year highschool, pumayag ako na makipagkaibigan kay Cyrene para lang malaman kung saang university siya mag-aaral, para masabi ko kay Huseff at masundan niya ito dito. At ako naman si tanga, dinamay pa yung bestfriend ko para sa university na 'to mag-aral para lamang makita ko pa rin siya kahit college na kami.

Kahit na yung gusto ko talagang course eh BrodComm, napilitan kami ng bestfriend kong mag-Architecture.

Para mapalapit lang kay Huseff, kinuha ko ang pinaka-ayaw kong course kasi hindi naman ako magaling magdrawing at lagi lang akong pasang-awa sa Math nung highschool. >.<

Eh si Hiro kayang-kaya niya naman yung Architecture, ang tali-talino niya eh, saka talented pa. Siya na. -_-

Kaya ayun, since then, naging bestfriends na kami ni Cyrene. Kaya kaming tatlo nila Hiro ang magkakasama palagi.

No wonder nagustuhan siya ni Huseff. Napakabait niya, matalino at palakaibigan. Kaya naman naging malapit agad yung loob ko sa kanya.

At kaya rin naman lalong mas masakit sa akin nang sagutin na niya si Huseff nung 2nd year college na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot: StoplightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon