Third Person's POV:
Hindi alam ni Ynna kung ano ang gagawin haharap ba ito, o, tatakbo na lang palayo sa lalaking nasa likuran niya.
Paano kung ipa-pulis siya nito at ipakulong ano na lang ang gagawin niya, kaya nga siya nandito kasi maghahanap ng trabaho tapos makukulong dahil naka sira dito sa garden.
Ano na lang ang sasabihin ng Tiyahen niya baka palayasin na lang iyon ng amo niya tapos 'yung magulang at kapatid niya ano na ang magiging kinabukasan.
'Bahala na si Darna!"
Anya sa sarili at mariin niyang ipinikit ang mata saka dahan-dahang humarap, ang magkabila niyang kamay ay nasa likuran nito at pinipisil-pisil upang mabawasan ang kaba.
Ngunit mas lalo lang iyon nadagdagan dahil sa sinabi nito na pakiramdam niya gumuho na ang mundo niya. Napakalamig ng boses nito na tila nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan.
"Alam mo ba kung magkano 'yang hinulog mo?"
Sa narinig niyang iyon ay bigla niyang naimulat ang matang mariing nakapikit, sumalubong sa kaniya ang asul nitong mata na seryosong nakatitig sa kaniya.
Sa di malamang dahilan ay mas lalong kumalabog ang puso niya na para bang kahit anong oras ay lalabas na, para siyang nilulunod ng asul nitong mata at parang tumatagos hanggang kaibuturan.
Napatitig na lang si Ynna sa lalaking nasa harapan niya isang araw lang niya itong nakasama ngunit kabisado ang bawat anggulo ng kaniyang guwapong mukha.
Ito ang hindi niya makalimutan sa sinasabi nitong adonis, ang kaniyang asul na mata na napaka gandang pag masdan, tipong para kang dinadala sa himpapawid ngunit sa mga oras na ito ay iba ang nakikita niya sa mga mata nito kundi galit at inis.
"Who are you? Anong karapatan mong pumunta dito at manira ng gamit?"
Nakanganga lang si Ynna at parang hindi makapaniwala na nandito sa harapanan niya ang lalaking ilang araw niyang pinapantasyahan, dream come true eka nga nila.
Hindi na pinagtuonan ni Ynna ng pansin ang masama nitong tingin sa kaniya ang mahalaga nandito sa harapan niya at kinakausap siya, galit nga lang.
Hindi napigilan ni Ynna ang sarili na huwag tumingin sa namumutok nitong muscles.
Grabe ang laki ng braso niya litaw na litaw ito dahil sa suot nitong puting sando na bakat na bakat ang mala-pandesal nitong tiyan... ang hot!
Dagdag mo pa ang tattoo nito sa magkabilang balikat, kailan kaya ito nagpa-tattoo?
Nung unang kita kasi nila sa Amaya Resort ay wala itong tattoo pero ayos lang naman iyon bagay na bagay naman mas lalo lang siyang naging makisig.
Daig pa ni Ynna ang nasa himpapawid dahil sa magandang tanawin, ang laki ng katawan niya, parang batak na batak ito sa pag wo-work out, sarap sigurong haplosin ng maskulado nitong katawan.
Dahil sinapian na naman ng kalandian ang kaniyang utak ay awtomatikong dumapo ang kaniyang paningin sa pagkalalaki nito at bahagyang naka umbok 'yon, wala atang oras na hindi naka umbok 'yan ang laki siguro.
"Eyes up naughty woman."
Kagat labi siyang nag-angat ng tingin, grabe ang tangkad pakiramdam niya nag-mumukha siyang pandak sa harapan ng lalaking ito dinaig pa ata ang kapre.
Kailangan pa niyang tingalain ito dahil hanggang dibdib lang ang abot niya.
"Ano bang ginagawa mo dito? Ikaw lang ang mapangahas na pumunta sa lugar na ito." Sa bawat binibitawan nitong salita ay tila ba naging musika iyon sa pandinig niya.
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...