Text Mo Ako Please? (One Shot)

2.4K 79 50
                                    

Malapit na ang 12 :00 Pero Heto ako ngayon nakakatitig lang sa Hawak kong Cellphone

" Hoy! Bakit ka nakatitig sa Cellphone mo? " tanong sa akin ni Mae Best Friend ko

" Hinihintay ko siyang mag text eh "

" Ha? Sino? wait , Hulaan ko Hinihintay mo Ung Crush mo noh! Hinihintay mo Si Nef noh?"

" Psssh. OO na. Hinihintay ko nga siya "

" Asus ! Para Paraan  ang Lola ! , Teka nga alam ba niya ang number mo?"

" Hindi nga eh " sagot ko

PAAAAKKK!    " Aray naman Mae! " sabay himas sa ulo ko.  Paano ba naman kasi Hinampas niya sa akin ung regalo niyang dala

" Nagiisip ka ba Ashley? Kahit Kelan Talaga oh. Isipin mo nga nakatitig ka jan sa Cellphone mo na parang T*anga naghihintay ng text Ni Nef Pero ang Totoo Wala ka naman talagang mahihintay "

" Malay mo, Itanung niya ung number ko sa mga Classmate natin tapos magtetext na siya sa akin ng MERRY CHRISTMAS ASHLEY! " nakangiti kong sabi

" Hay Naku. Tsk.  Bakit naman niya kukunin ang Number mo? Sige nga Aber. Sabihin mo nga sa akin. Close ba kayo? Hindi naman diba?"

Kinuha ko ung Bear na nasa tabi ko at Ibinato sa kanya  " I Hate U Na Bestie >.< Imbes na Pagaanin mo ung Loob ko mas lalo mo lang pinabigat. Parang pinagmukha mo na rin, na Impossible talagang mag text sya sa akin "

Naglakad papunta sa akin si Bestie. Tapos umupo siya sa Tabi ko " Uy " poke " Sorry na, wag ka kasing mag expect masyado Lalo na kung alam mo namang Impossible "

Tumingin ako sa kanya tapos nag Smile ng Pilit  " Alam mo Tama ka naman eh. Less Expectation Less Pain. Tara na nga sa Baba . Magsisimula na ang Christmas countdown "

Habang nagkakasiyahan kami . Naramdaman kung nag Vibrate ung Cellphone ko. Nung binuksan ko . UNREGISTER NUMBER . 

" Merry Christmas "  text niya. Napangiti na lang Ako. Siguro si Nef Ito. Kyyaaaahh!

" Uhmm Sino Ito? " reply ko

*bzzzzt* *bzzzztt * 

" Si Leanne Ito sorry di ako nagpakilala. "   nakramdam ako ng dissapointment

" Merry Christmas din :) " reply ko

Pumunta ako sa pinaglulutuan nina Mama ng BarBecue at Kumuha ng Isa.

*bzzzzt* bzzzzzt *  Sino na naman kaya ito? Pagbukas ko

" Unregister Number Ulit?"

" Merry Christmas Ashley! " napakunot ung Noo ko

" Ah eh . Merry Christmas din . Sino po sila?"

makalipas ang 1 minute *bzzzt* Bzzzt* 

" Secret! ;PPP "   Secret??!!  Secret ur Face!

"Alam mo huwag ka ngang mag Joke, Wala ako sa mood makipagbiruan " reply ko

" Sungit mo naman ayaw mo nun. Tinetext na nga kita "

" Sino ka ba kasi? Christmas na Christmas pinapainit mo Ulo ko "

" Hindi ko pinapainit ang Ulo mo actually pinapasaya nga kita eh "  pinagsasabi nito? pinapasaya? tsk. Taong walang magawa sa buhay! >.<  Nilagay ko nalang ulit ung CP ko sa Bulsa at pinagpatuloy ang pagkain ng BBQ

Text Mo Ako Please? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon