Meriedeth Salazar
"Good morning, Salazar!" bati ni Shelanie sa akin.
"Morning," bati ko rin sakanya at umupo na sa upuan ko.
"Shells!" napalingon kami kay Rovic na kararating lang, agad siyang umupo sa upuan niya. "Kamusta date niyo ni Dashiel?"
"Anong date? Nagpasama lang siya na may bilhin sa mall. Ano ba 'yan, baka may kakalat na issue!"
Binuksan ko bag ko, nandoon yung inorder ko para sakanila. Christmas gifts to be exact, also nandoon abg chocolates. Kinuha ko yung kitkats at inabot sa kanila dahilan para mapalingon sila sa akin.
"Ano 'yan?" tanong ni Rovic.
"Kitkat. I bought it during valentine's day. Para sa inyo 'yan."
"Wow! Thank you, Salazar!" nakangiting sabi ni Shelanie.
Tiningnan ko si Rovic, nakatitig siya sa kitkat. Wala ata siyang plano na tanggapin iyon kaya inilagay ko na sa desk niya. Kinuha ko ang regalo ko para kay Shelanie. Nasa loob 'yon ng paperbag na kulay violet.
"Matagal dumating kaya ngayon lang," sabi ko sakanya habang inaabot ko ang regalo.
"Hala, para saan 'to, Salazar?"
"Christmas gift ko para sa'yo."
I looked at her habang binuksan iyon. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong ngumiti siya. Bracelet at earring 'yon, set 'yon kaya iyon na binili ko. Butterfly yung pendant ng necklace na may pink na gem. Hindi ko alam kung anong gem iyon. The earrings are butterfly shaped too.
"Rovic," tawag ko at inabot ang isang kahon na binalot ko ng wrapper.
Nakita ko nanlaki mata niya. Nagdadalawang-isip siya na tanggapin 'yon. Tss.
"Tanggapin mo na."
"Tinawag mo kasi akong Rovic, isang himala!" sabay taas ng dalawang kamay na parang may inaabangan na mahulog mula sa itaas.
"Would you prefer being called Estevan?" tanong ko.
"Wag mo nga akong tawagin sa pangalan na 'yon. Panget pakinggan," sabay nguso.
"Maganda kaya yung Estevan, Rovic," sabi naman ni Shelanie.
"Ay naku, Shells. Wag kang mambola dahil ayoko talaga sa pangalan ko na 'yon."
Tinitigan ni Rovic yung kahon at tiningnan ako, he shake the box pero wala tunog na nagmula sa loob. Psh.
"Anong laman nito? Bomba?"
"Do I look like someone who will give a bomb for a gift?"
"Seryoso, anong laman nito?"
"Kung buksan mo nalang kaya?"
( =_=) 🎁(^^' )
"Buksan mo na, Rovic. Curious ako kung ano ang laman," sabi naman ni Shelanie.
Dahan-dahan na binuksan ni Rovic 'yon. Napakunot noo ko dahil sobrang ingat niyang buksan iyon. Like, natatakot siyang mapunit yung wrapper.
"Fajardo, kung punitin mo nalang kaya 'yan kaagad?" suggestion ko.
"Ayoko nga, magagamit ko pa ang wrapper next Christmas kung hindi mapunit," sabi niya habang tinatanggal yung scotch tape.
Napahawak ako sa sintido ko at napailing dahil sa sinabi niya.
"Makakabili ka naman ng wrapper, Rovic. Dami mong arte, akala mo mabubutas pitaka mo dahil doon."
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...