"Hoy bruha tulala ka!" napabalik naman ako sa wisyo ng tawagin ako ni Vin. Nakataas ang kilay nito saakin. Si Clea naman seryoso akong tinignan. Nandito kami sa coffee shop. Ngayun palang kasi kami nag kasama sama. Hindi parin gigising si Query.
"Ahh bakit?" napaiwas naman ako ng tingin ng titigan nila ako.
"Ano raw ang order mo?" tanong ni Clea saakin. Habang nag babasa ng menu.
"Kahit ano nalang." sagot ko.
"Ok," kibit balikat na sabi nya.
"Yun pala yung fiance ni Query super gwapo ano! gosh grabeh di man lang nag kwento saatin." napalunok naman ako sa sa sinabi ni Vin. Isang linggo narin ang dumaan simula ng maaksedente si Query.
"Oo nga iwan koba doon." balak din naming bumisita kay Query ngayun. Medyo naging busy rin kasi sila. Ako naman hindi na muna ako pumonta sa bar para sumayaw. Ayaw ko kasing makita pa si Lennox. Nag tataka nga si tita Jolly bakit ayaw ko muna na pumasok. Siguro mag hahanap nalang ako ng ibang pag tatrabahuan.
Nang dumating ang order nilantakan ko gutom na gutom ako. Naging coffee lover ata ako this past days iwan koba. Hindi naman ako yung tipong sobrang adik ng kape.
"Ok kalang gurl? Dahan dahan lang oy, di kanaman maubusan ng kape." napanguso nalang ako sa sinabi ni Vin.
Nang matapos kami si Clea na ang nag bayad sya ang nag libre saamin. Hinayaan ko nalang marami naman kasi silang pera.
Sa kotse kami ni Vin ngayun sasakay may dala naman kasi siyang kotse. Kaya di na kami mag kaka problema na mag commute.
Nang makarating kami sa hospital agad na bumigat ang loob ko. Maiisip ko palang si Query, na gu-guilty naako.
Sumalubong saamin si Tita at isang lalaking may kaedaran na pero mahahalata mo parin ang kagandahang lalaki nya. Asawa nya ata.
"Tita," nag beso beso naman sila. Nila Vin at Clea. Kaya ako nakisabay narin.
"Buti at nakabalik kayo dito." mahinhin paring sabi ni titia Ann.
"Bye the way this is my husband just call him tito Clev." ngumiti naman ito.
"Hi po tito." ani ko. Mukhang ako lang ata ang hindi nakakilala sakanya.
Sabay sabay naman kaming pumasok sa room ni Query.
"How is she tita? anong sabi ng doctor?" tanong ni Clea.
Narinig ko naman na napabuntong hininga si Tita Ann.
"Ganon parin hija. Wala paring pag babago. Shes still in coma." malungkot na sabi ni tita.
"I know everything gonna be alright tita." pag papagaan loob ni Vin. Pero sa totoo lang nakakalungkot rin dahil wala paring pagbabago.
****
"So anong balak mo, saan ka kukuha ng bago mong work?" si tita Jolly.
"Hala bakit ate? nasesante kana naman? Bakit ayaw ba ng manager mo, dahil para kang bulate kung sumayaw?" pinandilatan ko naman si Cony. Napaka nito! anong akala nya saakin?
"Tumigil ka nga Cony! hindi naman ganon si ate sumayaw ahh." si Keisha.
"Aww, buti pa si Keisha pinag tanggol ako." na touch nasabi ko.
"Para nga yang butiki na naputulan ni buntot ehh." sinamaan ko naman si Keisha akala kopa naman. Ano nga banamang aasahan ko dito sa mga kapatid ko. Mabait lang naman sila. Kapag may pera ako o hihingi sila. Inirapan ko nalang sila.
"Hindi ko alam tita."
Napabuntong hininga naman si nanay.
"May problema ba doon Sassy? May iniiwasan kaba doon?" biglaang tanong ni nanay.
Napalunok naman ako.
"W-wala po nay!" halos kurutin kona ang sarili ko dahil sa pag kautal ko. Napaubo naman si tita Jolly. Alam na nya ang iniisip ko.
"Ay nako pakikuha ng yang Manok Cony." napahinga naman ako ng mag salita si Tita Jolly
"Anong manok? tita baka itlog." si Cony.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nag ligpit at nag hugas. Pagkatapos kung nag hugas pumonta nako sa kwarto at nag bihis ng pangtulog bago natulog.
****
Nag lalakad ako dito sa kanto nag hahanap ng mapag tatrabahuan kahit ano basta may trabaho ako!
Nakailang pasok nako sa mga restaurant pero ang sinsabi lang nila 'we will call you maam' eh bisto ko ang line nayan ehh.. Luma nayan.
Kaya ako ito kahit tanghaling tapat nag lalakad. Last na talaga to kapag di parin ako makapasok dito uuwi na ako. Kahit hindi kalakihan ang sweldo di gaya doon sa bar ayos na.
Pumasok naman ako sa coffee shop. Hindi naman to yung mamahaling coffee shop kaya siguro matatanggap ako dito.
Papasok na sana ako pero nakita ko ang isang pamilyar na pigura. Si Lennox? Anong ginagawa nya dito? Malapit lang to sa bahay namin. Ahh. Syaka ang layo naman ata ng hospital sa dito. Tskk.. Pakialam koba. Kahit na medyo kinakabahan ako pumasok parin ako sa bakery. Umiwas ako ng tingin nang mabaling saakin ang tingin nya.
Napahinga ako ng malalim nang hindi kona sya nakita.
Nang matapos ako interview-hin sabi nila mag sisimula naraw ako ako bukas. Dala ko naman lahat ng papeles na kakailanganin. Buti nalang talaga at nakuha nako.
Tama nga ako hindi naman kalakihan ang sweldo pero hindi rin naman kaliitan. Sakto lang kungbaga.
"Ayy palakang abno!" sigaw ko ng pag bukas ko si Lennox ang bumungad. Napataas naman ang kilay nya saakin. Kaya napalunok ako tinignan ko ang kabuunan nya. Naka formal suit sya? Ako naman ang napataas ang kilay? anong ginangawa nya dito?
"Get out of my way." Walang emosyong sabi nya. Kaya napaalis ako sa daraanan.
Nang medyo dumikit sya saakin hindi ko alam pero bakit ang bango nya? Anong pabango ba ang gamit nya. Nakakaakit! Ashh mag sitigil ka nga Sassy!
"What are you fucking doing?" napaigtad naman ako ng sumigaw sya. Nakakatakot ang mukha nya. Para nya akong papatayin.
"So-sorry..." Hindi ko namalayan kasi na sinusunod kona pala sya at inamoy amoy. Sigurado ako na namula na ang mukha ko ngayun dahil sakahihiyan. Pinag titinginan rin kami ng kumakain dito.
"Ang bango mo kasi."
"Fuck!" igting panggang sabi nya. Namumula narin ang mukha nya at leeg.
"Sorry sorry." agad na sabi ko at tumalikod. Nakakahiya yung ginawa ko. Hahakbang na sana ako pero hinawakan nya ang siko ko. Medyo napangiwi ako dahil sa higpit ng hawak nya.
"Sa—sandali!" sigaw ko ng kaladkarin nya ako.
Nang makalabas kami ay sinamaan nya ako ng tingin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong nito saakin at sobrang husky ng boses nya.
"Hindi ko naman sinasadya." nakayukong sabi ko.
"I don't want to see your face ever, nor i don't want you to be with my fiance. Don't ever tell her what happened to us. It just accident." naplunok naman ako naiintindahan ko naman ehh!
Kahit papaano kahit na mababa yung IQ ko nag babasa parin naman ako.
"Kung mahal mo yung kabigan ko bakit mo ginawa yun saakin." medyo inis na sabi ko. Napahawak naman ito sa sentedo na parang ang laki ng problema nya.
"Shut up! i don't love her nor like her. were just arrange marriage for the sake of business," doon na nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Iniwan nya akong nakatulala.
What the hell!
YOU ARE READING
MR. Billionaire got me pregnant
Casuale"Panagutan mo ako!" yan agad ang unang lumabas sa bibig nya. she's Sassy Morene Wenson pangalan lang ang mayaman sakanya. pero hindi talaga siya mayaman wala rin siyang pernimenting trabaho. kaya naman napilitan siyang pumasok sa club para maging d...