Prologue

11 1 0
                                    

 Prologue



Maraming nagtatanong kung ano nga ba yung pakiramdam ng may kakambal...

Syempre, masaya. Kasi nga, may kapatid ka na, may best friend ka pa!

Tsaka, hindi mo na kelangan pa'ng humanap ng ka-date sa Valentine's Day dahil meron ka nang inborn soulmate mo kumbaga. O diba, bongga!

Siya yung taong pagsasabihan mo ng mga sekreto at hindi ka ilalaglag sa mga magulang niyo.

Siya yung taong kasangga at ang lakas mo.

Siya ang kalahati mo...

at hindi ka kumpleto pag wala siya sa tabi mo.

Halos magkaparehas lang kayo sa lahat ng bagay.

Yung mga bagay na meron ka, meron din siya.

Pero hanggang sa buhay pag-ibig, ganun din ba?

Paano kung sa iisang tao lang kayo mahulog?

Isusuko mo ba ang pagmamahal mo para sa kaligayahan ng kapatid mo?

Lalo na't kakambal mo pa ito?

O babalewalain mo ang nararamdaman niya at ipaglalaban ang taong parehong sinisigaw ng puso niyo?







**
[A/N: Credits to Pauline Bactad sa cover photo ng story. Follow her Instagram account @ art_pauwers for more of her paintings.]

Twin HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon