"Would you be mine?"
Isang tanong na gustong-gusting marinig ng mga kababaihan sa taong gusto o mahal nila. Isang tanong na gustong marinig ng mga kababaihan sa mga manliligaw nila.
Ang romantic. Nakakakilig. Talagang mararamdaman mong ikaw lang ang babae sa buhay niya. Talagang mararamdaman mong mahal na mahal ka niya. Talagang mararamdaman mong ikaw lang ang mahal niya at wala nang iba.
Eh pano pa kaya pag dinugtungan yan ng 'Forever'? Oh di todo kilig ka na! Kasi hindi mo lang ramdam na mahal ka niya kung di mararamdaman mo pang gusto ka niyang makasama habang buhay. Sigurado na siyang ikaw ang papakasalan niya at ikaw ang gusto niyang makasama sa pagtanda niya.
Mas romantic pa to kaysa sa nauna eh! Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako. Iniisip ko pa lang, gusto ko nang tumalon sa tuwa.
Pero makakareact ka pa kaya kung talagang nangyari na to sayo? Makakareact ka pa kaya pag ang taong gustong-gusto mo eh tinanong to sayo? Makakareact ka pa kaya kung todo effort na ang lalaking ito at kinuntsaba pa ang mga kaibigan niyo na pati ang pinakatahimik at pinakasuplado niying classmate eh nahila dito? Oh diba?!
Makakareact ka pa kaya? O matutulala ka na lang at tatango sa kanya?
Siya si Kim. At ito ang kwento nila.
***** A/N:
Ginagawa ko to habang may klase kami sa Math. Buti na lang at onting discussion lang yun at seatwork na madali lang naman.
Pero wait, hindi pala! yung umpisa kasi nito ginagawa ko habang nagsesermon yung Math teacher namin about kung gano na kabastos ang mga bata nowadays. Tapos kung panong hindi nagtapos ang mga teachers para lang bastus batusin ng mga estudyante nila.
Tama nga naman kasi siya nun. Pero sa totoo lang sobrang bastos na nga ng mga kabataan ngayon. Lalong lalo na ang Grade 7 ng school namin! Sobrang bastos nila!
Muntik muntikan nang mag-resign ang isa naming teach ng dahil sa kanila. Haaaay! Pati ako naaasar sa kanila.
Pero patay ako sa Math teacher namin pag nabasa niya to! Malalaman kasi niya hati ang oras ko sa mga panahon na yun! Tsk! Tsk! Tsk!
Buti na lang at hindi nagbabasa ng wattpad ang teacher naming yun! Hahahahahahahaha!!!
One shot lang to kaya pasensya na. Hindi ko na tuloy nagawa yung suggestion ng mga kaibigan ko. Eh pano ba naman kasi, hindi ko kinaya ng powers ko. Andami ko pang mga stories na dapat tapusin tapos may schooling pa ako. Kaya yan one shot na lang.
Nag-enjoy ako sa pagsusulat nito! Sana kayo din mag-enjoy sa pagbabasa. Panong hindi ako mag-eenjoy eh kwento to ng kapatid ko!
Bwahahahaha!
Totoo to. Ginawa ng boyfriend niya sa library namin! Hahahahaha!!! Kinikilig ako.
Kim! My beloved sister, para sayo to!
Comments po! Please... lemme know what you guys think!
I'm not asking for votes. Pero kung maibibigay niyo po yun sino ba naman ako para tumanggi hindi ba?
Pero isa lang po ang hinihingi ko sa inyo ang COMMENTS niyo po.
MARAMING SALAMAT WATTPAD READERS AT WATTPAD COMMUNITY!!!!
BINABASA MO ANG
Would You Be Mine?
Short StoryAng babae mahilig sa mga kakaibang bagay. Sa mga unique na bagay. Some girls like it different. Some girls like it unique. Siya si Camilla Kim De Castro. May ugaling parang sa lalake. Takot magmahal. Pero tinuruan siya ulit ni Ranz Marco De Leon.Nil...