8. Hindi kaya...???

487 14 0
                                    

Hi readers! Namiss niyo ba yung P.O.V ni Skye? Well. Heto na siya! :)

thefelineeyes

=======================================================

Skye


Mga ilang minuto muna ang nakalipas bago nagsink-in sa akin kung anong nangyari. 

Kung papaano niya ako titigan kanina, para bang... para bang may halong lust... 

Siguro namalik-mata lang ako nung time na yun. Napaka imposible na titigan niya ako ng ganun. Sobrang imposible kasi hindi siya pumapatol sa mga lesbian. Saka ang ganda kaya ni Santander. Ako, mukha akong basura. 

"Huy! Bakit para kang semento na nanigas dyan? Teka nasaan na si Santander?" 

Kalalabas lang pala ni Tine. Nagpasama lang siya sa akin mag cr kasi sobrang sakit na daw ng tiyan niya. Buti nalang late ata si Sir De Guzman.

"Lumabas na." Matipid kong sagot. Hindi ko sasabihin sa kanya kung anong nangyari sa amin. Hindi din naman siya maniniwala. Sa totoo lang kahit kanino ko sabihin wala namang maniniwala na tinitigan ako ng ganun ni Santander. Gaya ng sabi ko kanina, pwedeng namalik-mata lang ako.

"Nakita mo yung kanina? Hindi ako makapaniwala na susugurin ni Lacsamana si Santander. Mukhang napuno na siya eh. Paano ba naman kasi, balita ko laging nakakatikim ng mga masasakit na salita yang si Lacsamana kay Santander.

"Ganun ba talaga yung ugal niya?"

"Well... naging schoolmate siya ni Jane nung high school. Sabi niya tahimik lang daw si Santander dati, parang siya. Tapos bigla na lang daw siyang nagbago."

Hindi na ako kumibo kahit na gusto kong may malaman pa tungkol sa kanya. Ayoko kasi na isipin ni Tine na interesado ako kay Santander. Malisyosa pa naman itong babae na 'to. Baka isipin niya na may gusto pa ako dun.

Maghapon na hindi nawala sa isip ko yung nangyari kanina sa cr. Hindi ko alam kung ano yun. Kung namalik-mata lang ba ako noong mga oras na yun o kung totoo talaga na tinitigan niya ako ng ganun..

Hindi talaga siya mawala sa isip ko. Para akong naguguluhan pero hindi ko maipunto kung saang banda. Kung tutuusin hindi pa nga kami nagkakausap kahit isang beses lang. Baka nga hindi niya ako kilala eh. Di na ako magtataka.

Hindi tuloy ako nakapagfocus ng maayos sa mga lesson namin ngayon.

"Uy! Tropa! Punta tayo ng mall! Kain tayo sa Mcdo." Sabi ni Tine.

Kaya heto kaming apat sa loob ng mcdo nila Teen, Reese at Jane. Kahit na gusto ko ng umuwi kanina pa kasi pagod na pagod na yung isipan ko, wala naman akong nagawa. Saka gusto ko din ng fries. Favorite ko yun eh.

"Anong order niyo girls???! Ako na ang oorder para sa ating lahat!!! Pero syempre pera niyo!" Minsan talaga nakakahiya ding kasama si Tine. Agaw atensyon kasi siya minsan eh. Lagi pa na nakasigaw.

Sinabi na namin sa kanya yung mga order namin at pahkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya na may dalang tray na puno ng order namin.

Dalawang large fries ang inorder ko saka isang coke float. Pinaka maraming inorder sa amin si Tine -_-

Habang kumakain kami. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko kung sino yung nakatayo sa may counter. 

Si Jean Gabrielle Santander.

Kasama niya yung kaibigan niya. Charity ata ang pangalan niya.

Pagkatapos nilang umorder. Naghanap na sila ng mauupuan. Luminga linga ako...

Oh God... wala na palang bakanteng table kundi dito nalang sa tabi ng table namin. 

Mabilis na nakita ng kaibigan ni Santander yung pwesto sa tabi namin pagkatapos ay kinalabit niya ito, Paglingon na paglingon ni Santander ay saktong-sakto na nagtama ang mga mata namin. Dali dali akong yumuko at bumalik sa pagkain. 

Naramdaman ko na nakaupo na sila sa ma tabi namin. Tumigil sa pagkain ang mga kaibigan ko ng napansin nila kung sino yun.

"Si Santander oh." Bulong ni Reese.

"Hi girls! Ako nga pala si Charity and this is my bitch friend Gabrielle!" Nagroll-eyes lang si Santander sa ginawa ng kaibigan niya at sinumulan ng kumain. Totoo nga pala na may attitude talaga siya. Ni hindi man lang nag "Hi" o tumango man lang sa amin.

Mukhang mas approachable naman itong si Charity. Mukha siyang mabait at maganda din siya. Meron siyang brown na buhok na hanggang balikat lang ang haba. Tapos lagi siyang naka smile. Para siyang opposite ni Santander na laging nakakunot ang noo o di kaya ay blangko ang facial expression.

"Hi Charity!" Bati nila Tine at Reese. Kami naman ni Jane ay tumango lang. 

Bumaba ang tingin ko sa mesa nila. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang mga inorder nila. Sobrang dami. Pang pamilya na ata ang inorder nila. Nagsimula na din kumain si Charity at grabe, parang hindi siya babae kung kumain. Kung titignan mo parang ngayon lang ulit siya nakakain sa buong buhay niya. Wala sa itsura niya na ganun pala siya kalakas kumain. Ang payat niya kasi, kung titignan nga mas malaman pa si Santander sa kanya. 

Palihin ko siyang tinitigan, hindi na siya nakauniform. Nakasuot na siya ng black and white long sleeve shirt at maong shorts. Umuwi na siguro siya kanina kasi hindi na siya pumasok sa klase ni Sir de Guzman. Bakit kaya? Dahil sa nangyari sa kanila ni Millicent kanina sa cr?

Umiinom siya ng coffee ng biglang tumingin din siya sa mata ko. Parang alam niya na nakatingin ako sa kanya. Dali-dali akong yumuko at sumubo ng fries. Mga ilang segundo ulit ay ibinalik ko ang tingin sa kanya, kausap niya si Charity na tawa ng tawa sa sinasabi niya, pagkatapos ay tumingin ulit siya sa akin na para bang alam niya talaga na pinagmamasdan ko siiya. Dali-dali ulit akong yumuko. Bakit ganun? Napapaso ako sa tingin niya. Oo hindi ako sanay na may nakakatitigan ako lalo na sa mata. Pero iba siya. Iba ang pakiramdam ko pag nagtatama ang paningin namin. Simula kanina sa cr... Hindi na ako nakatiis at dali-dali akong tumayo.

"Cr lang ako." Paalam ko sa kanila. Dali-dali akong pumunta sa cr at pumasok sa cubicle.

Bakit ganun? Ang weird ng pakiramdam ko. First time lang mangyari sa akin yung ganito... Bakit parang may something sa aming dalawa pero hindi ko matukoy kung ano.

O baka ako lang ang nag-iisip nito.

Hindi kaya...

Hindi kaya may pagtingin na ako para kay Santander?

Our Playful Secret (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon