TMB 6

20.1K 183 11
                                    

Kahit naiirita ako sa inaasta ng alaga ko, nanatili akong walang kibo. Pigil ang inis. Tago ang iritasyon. Kailan pa siya natutong uminom? It is given for him to have his own peers. Kilala ko ang ilan doon at masasabi kong may konting katinuan pa naman sa kanila.

Pero ang umuwi ng lango sa alak? Hindi na tama 'yon. He's still underage!

I pursed my lips. My thought flew as I took a glance at his sleeping figure. That girl he's been with— she's the only reason why Jericho came home late and worst, drunk.

Good thing, hindi siya naharang para pagkadiskitahan o manakawan habang pauwi siya. He's unguarded. Hindi nga ata niya alam kung paano siya nakauwi!

"O-Ouch..." he groaned when the lights seeped through the blinds. Hinawi ko ang makapal na kurtina kasabay pa ng pagsindi ko ng ilaw sa kanyang silid.

"Ang sakit ng ulo ko!" sapo ang mata sa kaliwa habang nakatukod ang isa sa kanyang sintido.

"Bakit mo naman binuksan ang ilaw, ate?! Nasisilaw ako!" daing niya at muling ibinaon ang ulo sa unan.

"You're late, Jericho."

"Edi hindi na muna ako papasok." his voice was muffled and gruff. Tanging boxer lang ang suot niya. Pinahubad na kasi niya sa akin lahat kagabi. That, too... Baka hindi na rin niya naaalala ang pinaggagawa at sinabi kagabi.

"Hindi. Bumangon ka d'yan. Kailangan mong pumasok sa klase."

"No..." maktol niya pa.

"Bahala ka," bumuntong hininga ako at umiling. Wala akong tyansang papasukin siya. Malamang umaarangkada na ang hang over sa kanya.

Ayan, inom pa.

"Oh, ba't busangot 'yang mukha mo? Magkaka-wrinkles ka n'yan, sige ka."

Pagbaba ko ay si Linda na agad ang sumalubong sa akin. Napuna agad ang bungad ko sa kanya.

Sinundan niya ako hanggang sa makapasok kami ng kusina kung saan narito sina Shiela, Nanay Tasing at Diamond. "Hindi raw papasok ang alaga ko. Baka malagot ako nito sa mama niya."

"Sus! Kaloka naman day!" tinapik ako ni Linda sa balikat at matinis na humalakhak. "Alam mo namang matigas ang ulo niyang batang 'yan saka isa pa, 'ni wala ngang paramdam ang nanay n'on matagal na!"

She shrugged, "Baka kung saang lupalop na napadpad o... sumakabilang bahay na..." agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya at sinita.

She shouldn't spout any nonsense to this family. Pinagsisilbihan namin sila. It is not proper to speak ill to them. Nakakahiya naman sa kanila. Utang na loob na nga namin ang trabahong ito. Malaki ang pasweldo at maraming benepisyo.

"Shh!" sumabat si Shiela, halos pukpukin na ng sandok ang noo ni Linda. "Tumigil ka nga! Baka marinig ka ni Echo!"

"Tama siya, Linda." sang-ayon ko at umupo sa stool. Tahimik naman si Nanay Tasing at ang anak niyang si Diamond.

Umirap ito at pilantik ang daliring tinuro ako, "Tse! Kinukunsinti mo kasi kaya, hala, ayan! Hindi ka sinusunod. Alam mo, kung ako sa'yo, didisiplinahin ko 'yan tutal ikaw na rin naman ang tumatayong nanay n'yan!"

"Nanay ka d'yan?" reklamo ko. Napataas bigla ang boses. Nanay?! I am not that old!

"Ay? Ayaw pa ng nanay?"

"Edi tita!" dagdag niya pa. Rinig ang buong halakhak sa loob ng kusina. "Choosy mo naman," maarte niyang sambit.

Ngumiwi ako at nagpasyang sa sala nalang tumambay. Tutal hindi papasok ang alaga ko, manunuod muna ako. I am done with my job. Yaya ako rito, hindi katulong.

Nilingon ko siya. Nakasunod pa rin pala siya sa akin. Tila asong bubuntot buntot. Panigurado wala lang magawa 'to sa buhay kaya ako ang pinepeste. Ang aga aga, Linda!

"Acceptable pa kung bilang ate niya 'no, hindi nanay o tita. Pinapatanda mo naman ako ng sobra."

"Duh! Halos isang dekada kaya ang tanda mo sa kanya. Ano pa bang itatawag sa'yo? Eh, hindi naman magkalapit ang edad niyo?"

"Ewan ko sa'yo, Linda. Ang dami mong kalokohan."

Pinanlakihan ko siya ng mata, "Samahan mo sila Nay Tasing d'on. Ako ang dinadaldal mo rito imbes na sila. Nawawala ang momentum ko."

"Wag mo kasing dinidibdib 'te! Trabaho lang 'yan!"

"Kung laging nakatutok ang atensyon mo sa alaga mo, aba'y talagang tatanda kang dalaga n'yan! Lalagpas na sa kalendaryo edad mo, hija! Baka gusto mo namang magpadilig at matikman ang sarap ng—" tinakpan ko ang bibig niya at kinurot sa tagiliran. Umani ito ng malakas na hagikgik mula sa kanya.

"Ang bastos mo kahit kailan!"

"Magjowa ka na kasi. Mabubulok na matres mo, baka may agiw na 'yan, eh."

Imbes na magsalita pa ako ay pinili ko nalang hindi na umimik. Puro kalokahan si Linda. Wala ako sa mood na pantayan siya ngayon. Namomroblema pa ako sa alaga ko.

"Uyy..."

Tanghali na nang magising siya. Kahit anong kalabit at pagtawag niya ay hindi ko pinapansin. Mas mabuti 'yon kaysa masinghalan ko siya sa inis. Magrereklamo na naman ito at ipapamukha sa akin na wala akong karapatan. Dahil hindi iyon kasali sa linya ng trabaho ko.

"Ate Cel..."

"Huy!"

"Galit ka ba?" sinapo niya ang pisngi ko at hinarap ang mukha sa akin. Sa lapit ay ramdam ko ang init ng hininga niyang bumubuga sa ilong at noo ko. Hinawi ko ang kamay niya at sumandal. Humalukipkip ako, diretso ang tingin sa telebisyon.

"Ate!"

"Ba't di mo ako pinapansin?"

"Ate Shiela, okay lang ba siya?" bumaling siya kay Shi na tahimik na kumakain ng pakwan sa gilid habang nanunuod.

Nag-alangan pa siyang tumango nang tignan ko siya. "Uhh, oo... Mukha namang okay lang siya. Ganyan naman lagi itsura niya, ah?"

"Hindi kasi ako pinapansin."

Nanliit ang mata ni Shi, "May kasalanan ka na namang ginawa 'no?"

"Hay nako, Shi! Etong baby natin, binata na! Aba'y nakita ba naman namin kahapon ni Cel na may nakaangklang chikababes sa kanya!" sabat ni Linda. Bagong ligo lang ito at may nakasalpak pang face mask sa mukha.

"Huh?" rinig ko ang pagtataka ni Jericho.

"Tapos ta'mo, hindi ka pa pumasok ngayon. Malamang, sino bang matutuwa di ba?"

I felt his eyes pierced at me. Ramdam ko ang mainit at malalim nitong tingin sa akin. Bawat himaymay ng kalamnan ko ay nangilabot sa uri ng tingin niya. "Nakita mo ako?"

Kinagat ko ang loob ng aking pisngi. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagsuklob ng distansya naming dalawa.

"Ayan, lagot ka! Sabi mo kasi uuwi ka ng maaga, fake news lang pala. Umasa tuloy ate mo. Bumili pa naman siya ng lutuin para sa merienda mo habang mag-aaral ka sana."

Mariin akong lumunok. Nanunuot pa rin ang intensidad ng tingin niya sa akin. Sinusuyod ang ekspresyong bumabalatay sa mukha ko.

"Eh, kaso huling huling nakikipag-lambutsingan ka lang sa mall. Lagot kang bata ka, susumbong ka n'yan sa tatay mo!"

Hindi na ako nakatiis pa. I cleared the lump on my throat and stood up, "Linda?"

"Oh?"

"Manahimik ka." ani ko, malalaki ang hakbang na pumanhik at kinandado ang sarili sa loob ng silid.

Hindi ako lalabas hangga't hindi humuhupa ang paghuhuramentado sa aking dibdib. It's beating like crazy!

-
will update @ 10 new comments

Touch My BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon