Kate's POV
"Kate, manliligaw mo na ko ah. Kahit Ilang taon mo pa ako sasagutin. Ok lang sakin. Maghihintay ako." sabi ni Rayver. Kahit matagal ko nang kilala ang ugali nya, gusto ko pa din namaranasan kung pano manligaw ang isang lalake sa taong mahal nila.
Tumango naman ako.
"Thank you." sabi nya sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"Rayver hindi ako makahinga." kumalas kami sa yakap naming dalawa.
Ang sarap pala sa feeling na mainlove.
"Kate dyan ka lang ah. Ipagluluto kita."
"O sige. Siguraduhin mong masarap yan ah."
"Kailan ba ko nagluto na hindi masarap?" Oo nga naman. Kailan ba?
"Oo na."
"Pero bago ako magluto, kiss muna." sabi ny sabay turo sa lips niya.
"Ang dami mong satsat, magluto ka na! Nagugutom na ko."
"Ito naman hindi mabiro. Sige na magluluto na ko." sabi nya sabay punta sa kusina.
Habang naghihintay ako, nagbasa muna ako sa wattpad. Malapit ko na nga palang matapos ang binabasa kong story. Mga ilang chapter na lang ang babasahin ko.
"Bising busy ang mahal ko ah."
"Ay kabayo!"
"Ano ba yan! Nakakagulat ka naman!"
"Nagulat ba kita. Sorry." sabi niya at niyakap nya ako. "Nakahanda na ang pagkain sa lamesa." sabi nya at dali dali akong pumunta sa lamesa.
***
"Kate, goodnight." sabi niya sabay halik sa noo ko.
"Goodnight Rayver. May pasok pa tayo bukas." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
-Kinabukasan-
Nasan na kaya si Rayver? Wala sya dito sa bahay. Inikot ko na ang buong bahay ko pero wala talaga siya.
Baka naman iniwanan nya na ko?
Hindi, Imposible naman yun.
Pumunta ako sa sala nang may nakita akong bouquet na pink roses at malaking teddy bear na kulay blue may heart sa gitna at may cap.
Ang ganda naman? Para kanino kaya ito?
Habang tinitingnan ko ito, nagulat ako nang may nagtakip ng dalawa kong mata.
Hinawakan ko yung kamay nya. Alam ko na kung sino sya.
"Alam ko na kung sino ka. Rayver"
Nang masabi ko ang name nya, binitawan nya na ang kamay nya at nakita ko na siya nga.
"Para kanino ito? Siguro may nililigawan ka din no aside for me. Grabe ka Rayver tinatimer mo a kami?!" pabalang na sabi ko.
"Hinding hindi ko gagawin yan kung ayan ang iniisip mo." sabi nya. "Para sayo yan Kate. Gumising pa ko ng maaga para bumili nyan." sabi niya. Mukhang nagtampo siya sa sinabi ko sa kanya.
Totoo nga na sa akin ito. Akala ko kasi sa iba niya ito ibibigay.
"Rayver sorry." hindi niya ako pinansin.
"Rayver sorry na." hindi pa din niya ako pinapansin.
Alam ko na.
Kiniss ko siya sa pisngi. At yun nga, tumingin siya sa akin tapos hinalikan nya ako sa lips. Ang duya ng lalakeng ito ah. Ako sa pisngi lang sya sa lips.
BINABASA MO ANG
I Love you, Bestfriend [Ongoing series]
HumorSimula bata magkaibigan na sila. Ngayon, ano kaya ang mangyayari? Magiging sila kaya?