Chapter 19

698 33 1
                                    

019

Baby

Hours later, hindi pa rin tinatanggal ang piring ko at kahit gustuhin ko mang tanggalin ay hindi ko magawa. Paano ba naman kase, kanina pa nakabantay si Elle sa tabi ko at hindi tumitigil ang bunganga sa kakasermon sa 'kin.

"Ano ba, Carina! Ang tigas ng ulo mo nyeta ka! Isa pang tanggal mo diyan at mata mo na talaga ang dudukutin ko."

I breathed in heavily as I lean my chin on my hand. My makeup is already done and I just need to wait for my clothe to arrive. Ewan ko ba kung anong trip nila at may pa ganito pang nalalaman eh gusto ko lang naman makita si Cross!

"Elleeee," nababagot kong tawag dito habang hinahawakan niya ang mukha ko at tinitignan ata kung maayos ba ang pag-aayos sa 'kin. "Huwag kang magulo diyan. Malapit mo ng makita ang asawa mo."

"Asawa ka diyan. Kailan ko ba pwedeng tanggalin 'to ha? Baka mamaya bulag na pala ako," naiinis kong sabi pero naramdaman ko nalang ang malakas na batok nito sa 'kin. Ang brutal talaga.

Hindi ko nalang siya pinansin habang nagsasalita siya sa tabi ko mag-isa dahil masasapak ko lang ito. May mga ilan din ang lumalapit at kinakausap ako ngunit hindi ko naman sila kilala at halos magkakaparehas na boses dahil sa kaingayan ng mga ito. "Carina! Do you have lingerie na for the honeymoon?" My brows knitted to that stupid question. Masyado na akong mawe-weirduhan sa mga ito dahil kung ano-ano ang mga pinagsasabi.

"Wala." I heard them gasped.

"What?! OMG You'll need that!"

"Itigil mo nga ang katatanong niyan, Berry. Surprise nga 'di ba?"

"K fine. I'll zip my mouth na."

Gusto kong mapairap nang marinig ang kanilang pagtatalo. Makita ko lang talaga sila ay hindi ako magdadalawang-isip na batukan ang mga ito.

I just sat there doing nothing. And if boredom could be a cause of death, I'm now sleeping peacefully under my graveyard. No matter I want to entartain myself by talking to them, I just can't. Mas lalo lang sasakit ang ulo ko.

"Your gown is now ready." Boses 'yon ng nag-makeup sa 'kin kaya napahinga ako nang malalim dahil may pagkakaabalahan na rin ako.

Ano ba kaseng plinaplano ng mga 'to at kailangan pang ayusan para lang makita si Cross? Masyadong pa VIP ang peg.

"Kami nalang magsusuot niyan sa kanya, sis."

"Ocakes!"

Naramdaman kong hinawakan nila ako at pilit na tinayo kaya wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Gosh! I just can't believe that they're treating me like a toy right now. Humanda talaga sila sa 'kin kapag natapos na itong pinaggagawa nila. Sisiguraduhin kong hindi sila makakatakas sa bagsik ng isang Carina Garcia.

WAHAHAHAHAHA!

Nahawa na ata ako kay Nanno. I shook my head lightly before I turn into a crazy woman just like my so called bff, Arielle.

Iginaya nila ako sa isang kwarto na naman na sa wari ko ay isa pang dressing room nang maramdaman kong may sumusubok na iangat ang t-shirt na suot ko. "Hoooy teka! Anong ginagawa niyo?" I felt a pang in my head when someone knock it like it's some kind of door. "OA mo ghurl. As if namang we're going to rape you 'no!" I composed myself to not punch her face. Kanina pa kase ako naririndi sa pagiging conyo nito at idagdag pang hindi ko talaga ito makilala kahit boses man lang. Nagka-amnesia na rin ba ang pandinig ko?

Met By Accident Where stories live. Discover now