Fire's POV
Ilang beses na ba akong nayakap ni Thea? Hindi ko na mabilang. Thea is a sweet girl. Lagi niya kaming niyayakap ni Kai at wala kaming problema do'n since we are treating her as our sister.
But why do I have a different feeling with this girl? Aria, what the heck are you doing to me?!
"Sorry na talaga. Titiisin ko na ang mga kasungitan mo. Hindi na kita papatulan. Hindi na kita aawayin. Basta 'wag mo lang ako iiwan dito. Natatakot ako, Fire," she said at nararamdaman ko na takot talaga siya. We didn't tell you na may tinatawag kaming soul innate power. Kaya namin gamitin 'yon kahit saan at hindi 'yon naaalis sa amin. Ang soul innate power ko ay ang maramdaman kung ano'ng nararamdaman ng ibang tao. Si Kai naman, nakakabasa nang isip. Thea can determine whether you are lying or not. Ewan ko lang dito kay Aria kung ano'ng soul innate power nito. Baka pagiging lampa.
"Tama na nga 'yang pag-iyak mo. Tara na." Tumayo ako at nag-umpisa nang maglakad. Akala ko hindi siya susunod sa akin pero tumakbo siya palapit sa akin at humawak pa sa braso ko.
"Bakit ka ba kumakapit sa akin? Bitaw nga!" I said at inialis ko ang kamay niya sa braso ko.
"Baka kasi may bigla na lang manghila sa akin dito e!" Manghila? Hibang na ba 'to?
"Walang manghihila sa'yo dito. Walang bad elements dito kaya 'wag ka ngang maarte." Akala ko magagalit na naman siya pero hindi na siya sumagot pa sa akin. Aba! May himala!
"Fire, pahingi ng tubig. Nauuhaw ako." Iniabot ko sa kaniya 'yong bag niya.
"O ayan. Hanapin mo diyan." Umupo na muna kami sa ugat ng puno. Hindi naman kasi ito ordinaryong maze na puro daan lang. May mga puno din dito. Parang gubat nga ang maze na 'to e.
"Grabe. Hanggang kailan kaya tayo dito?" she asked at nagugulat talaga ako na hindi siya sumisigaw ngayon like what she usually do.
"Depende kung kailan natin makikita ang labasan," I answered.
"Paano ba malalaman na labasan na 'yong daan? Sa dami ba naman kasi ng daan dito ay baka abutin na tayo ng dekada ay nandito pa rin tayo," she retorded and drink her water.
"Saka paano ang pagkain natin, Fire?" Haynako! Ang daldal!
"Malalaman natin na tama ang dinadaanan natin kasi bawat tamang daan ay magbibigay sa atin ng kakailanganin natin para sa susunod na tamang daan na hahanapin natin. 10 right ways ang dapat nating mahanap bago magpapakita ang labasan and to tell you, sa bawat hindi natin pagkakasundo, lalong dadami ang daanan dito," I explained. Kaya nga ang dala naming pagkain at tubig ay sapat lang at dapat mahanap na namin ang isang tamang daanan bago maubos ni Aria ang mga baon niya.
"Ay may gano'n? Ang taray! May tamang daan chorvaness pang nalalaman," she said before she laughed so hard. Tinignan ko lang siya nang masama. May nakakatawa ba sa sinabi niya?
"Kay fine. Waley ang joke ko. 'Di ka nga pala makakarelate sa sinasabi ko kasi hindi ka naman galing sa mundo ng mga tao," she said.
"Wala naman akong balak na makarelate sayo," I replied at sumama na naman ang tingin niya sa akin.
"Ayan! Nang-iinis ka na naman! Tapos kapag pinatulan kita, ako na naman ang sisisihin mo. Bwisit ka talaga." At doon ko na hindi napigilan ang matawa. Paano kasi, nakakatawa ang reaksyon ng mukha niya.
"Ano'ng nakakatawa? Alam mo, Fire, may saltik ka na. Kanina na nagjojoke ako, hindi ka tumatawa tapos ngayon na naiinis ako sa'yo, saka ka tatawa? Para kang sira," she hissed. I stopped myself from laughing. First time ko yatang tumawa ng gano'n.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)
FantasyIn order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom. If you do, you'll die. This is a story that will make you think if in what Elemental Kingdom do yo...