Chapter Two
I WAS about to go outside when a pair of eyes caught mine. Katulad ito ng mga matang nakita ko kanina sa rearview mirror ng sasakyan ni Avil.
"Why does it took you so long to wake up?" Nanlaki ang mga mata ko nang magsimula s'yang maglakad papunta sa akin. Bakit nasa loob s'ya ng bahay ko? Paano s'ya nakapasok? At bakit wala s'yang suot pang-itaas?! That's illegal!
"What the hell?! Who are you?!"
"Please, no mentioning of Satan's den. And no cursing." Mahigit-kumulang isang metro na lamang ang layo n'ya sa akin. Nakalagay ang dalawa n'yang kamay sa kanyang likod at matalim pa rin s'yang nakatingin sa akin.
"Excuse me? How did you get in here?" kalmado kong tanong. "Are you Avil's friend?" paninigurado ko. Nasa sasakyan s'ya ni Avil kanina. Pero imposible-agad s'yang nakababa? Ngunit hindi ko s'ya mamukhaan. Wala namang masyadong kaibigan si Avil at kung magkaibigan nga sila, bakit naman papapasukin ni Avil ang lalaking ito sa bahay ko at iwan ako kasama s'ya?
"Oh, that flirty guy." Gumuhit ang gulat sa aking mukha sa itinawag n'ya kay Avil. "He should have sent you straight home. He even had the guts to flirt with you knowing that you're not feeling well." Napabuntong-hinga s'ya. "I'm not his friend."
"Then who are you? Magnanakaw? O baka pinadala ka ng huling businessman na naipasok ko sa selda? Kung sino ka man, at kung ano man ang dahilan mo for breaking inside my house, you won't get away with this!" matapang kong saad. Hindi ko alam ang gagawin dahil wala man lang dito ang baril ko. After handling serious and risky cases, kumuha na ako ng lisensya for possessing firearms. Kaso nasa drawer ko yun sa kabilang bahagi ng kama. I know some basic martial arts kaya kung sugurin man n'ya ako, alam ko ang gagawin. Pero mukhang malakas s'ya. Are they plotting my death?
Nakatitig lang ako sa kanya habang iniisip ang lahat ng iyon-hindi nagpapahalata. "Hindi ako magnanakaw. That is against the law of the almighty. I am not representing any known man but the holy spirit. I didn't break anything inside your house," he explained. "I'm Trightan, your appointed sentinel."
"Sorry but I didn't hire any body or security guard. You're clearly trespassing!"
"The almighty hired me for you," he said. Baliw na s'ya! He stepped forward and leaned closer to me. "I'm here to protect and defend you."
"Excuse me? I'm a lawyer!" I hissed. The corners of his lips angled and formed a perfect smirk. "I'm your guardian angel," he said.
"You're crazy. I'm calling the cops." Mabilis kong hinablot ang aking cellphone sa itaas ng aking night table. Agad kong dinial ang number ni Hex. "C'mon-" I said when he didn't answer the first two rings. Nasagot n'ya naman agad ito sa pangatlong dial.
"Ey, Moe! Wassup?" casual na bati nito.
"Hex, pumasok ka ba sa bahay ko nang ihatid mo ang kotse?" pang-uusisa ko habang sumisilip sa blinds ng aking bintana para tingnan ang garahe. Naroon na ang kotse ko. Nakasirado rin ang gate. "Nope. When I arrived, paalis na si Avil kaya sabay na kaming lumabas. Sinabi rin n'ya na natutulog ka kaya hindi na kita inistorbo." Napatango-tango na lamang ako. Tinitigan ko ang lalaking walang suot pantaas-Trightan...iyon ang pakilala n'ya. Hawak n'ya ang sticky note na iniwan kanina ni Avil. Nakakunot ang noo n'ya at nang matapos nang basahin ay napataas ang dalawang kilay at napabuntong-hinga. Naglibot-libot s'ya sa kwarto ko at tinungo ang aking shelf kung saan nakalagay ang iba sa mga paborito kong libro. Kinukuha n'ya lang ang mga libro, binubuklan, pagkatapos ay sinusukat kung gaano ito kakapal. He does not look suspicious. He looks like he's overly innocent. Well, that made him suspicious. "Napatawag ka?" Hex asked.
YOU ARE READING
SENTINEL: Truth and Justice
FantasyMoe, a lawyer working at Santiago Y Justicia, a law firm owned by her late father's close friend, has been used to experiencing extreme occurrence in her life. Death threats never made her falter nor made her knees tremble. Upon meeting Trightan, a...