"'Di mo kasama si Sol ngayon?"
Umiling ako. Nakasalubong ko kasi si Kanao habang papunta ako sa canteen. Sa tingin ko, hindi pumasok si Sol dahil may sakit pa siya. Sasama muna ako kila Kanao para bawiin 'yong mga araw na si Sol ang kasama ko.
"May sakit pa 'yon. Baka nasa bahay siya ngayon," sagot ko.
"Huh? Nando'n kaya sa building! Kanina nga kausap niya si Charles sa may bench, e. Hindi pa kayo nagkikita?" sabi ni Kanao na nagpakunot ng noo ko. Pumasok pala si Sol? "Mukhang hindi mo pa siya nakikita. Hindi mo ba siya pupuntahan?"
"Hindi na. Hahayaan ko muna siyang mag-pahinga," sabi ko na lang.
Baka kasi maka-istorbo ako sa pagpapahinga niya kung pupuntahan ko pa siya. Bakit pa kasi siya pumasok?! Kapag ito hinimatay na naman, naku!
Dumiretso na lang kami ni Kanao sa canteen. Nando'n na pala iyong iba. Hindi sila kumpleto pero hindi na namin hinanap ang iba. Baka busy na sila dahil fourth year na. Sa pagkakaalam ko, nag-uumpisa na ng clerkship si Ado. Si JM, focused na rin ata sa pag-aaral. Next year J.D. degree naman daw siya.
"Kakain ka?" tanong ni Avery.
"Pupunta ba rito kung hindi kakain?" tanong naman pabalik ni Leighnash.
"Abnormal!" Binatukan ko si Leighnash. "Malay mo ba kung dumaan lang?"
"Ay, dumaan ka lang? Sige, alis ka na. Bye!" Kumaway pa ito.
Napairap na lang ako. "Tara Kanao, bili na lang tayo. May epal dito." Hinila ko sa braso si Kanao.
Syempre handa na ang wallet ko! Baka burautin ako nito bigla, e. Mas mabuti nang handa.
"Oy, bumibili ka pa lang pala?" tanong ko kay Heather.
Nakita lang namin siya sa pila. Tinatanggal niya ang case ng cellphone niya at parang may kinukuha sa loob no'n.
Nakangiti siyang tumango. "Magbabayad na ako."
Ah, 'yon. May pera pala na nakaipit sa case ng cellphone niya. 'Kala ko naman kung anong kinukuha niya roon.
"Wala kang wallet?" tanong ko ulit.
"Hassle," maikling sagot nito.
Tumango kami ni Kanao. "Sabagay, si Magi nga sa ID lang nag-iipit ng pera minsan, e," aksidenteng sabi ni Kanao.
Natigilan si Heather sa narinig. Sinamaan ko ng tingin si Kanao. Sa dami ng babanggitin, si Magi pa. At sa harap pa talaga ni Heather?!
"Oops, hehe." Tinakpan niya ang bibig niya. "Caless, bili na tayo." Bigla na lang ako nitong hinatak papunta roon sa masungit na tindera. Muntik pa tuloy naming maitulak ang mesa malapit doon dahil bumangga kami. Napagalitan tuloy kami.
Bumili na kami at isang malaking himala na hindi namburaot ngayon si Kanao.
Bumalik kami agad pagkatapos bumili ng pagkain.
Speaking of pagkain, kumain na kaya si Sol? Pinakain kaya 'yon ni Charles? Okay na kaya siya? Ang alam ko, may sakit pa siya kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya pumasok.
Napailing na lang ako at sumubo ng siomai. May dumampot pa ng isang siomai kaya naubos iyon agad.
"Tignan mo si Kanao, oh! Kinuha na naman 'yong pagkain mo!" Hirit ni Sam na katabi ni Kanao. Tinapik pa nito ang kamay ni Kanao.
"Bayaan mo siya," sabi ko. Hindi naman siya nagpa-libre kanina kaya ayos lang kung kumuha siya ng isa. Kaunti lang din kasi ang pagkain na binili niya.
Nagbukas ako ng sitsirya at nagsihingi rin sila. Binigyan ko na lang. Buti pala, malaki 'tong binili ko.
Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong pumunta sa building nila Kanao para hanapin siya. Nahanap ko siya sa bench sa tapat ng building nila. Kausap niya si Charles. Lumapit na lang ako sa kanila.

YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...