"How will you do that?"
Tanong iyon ni Yoshi. Naikuwento ko na rin sa kaniya ang bilin sa 'kin ng nanay ni Sol. Ayo'ko rin sanang gawin kaso may point din naman si Mommy Lana.
"Hindi ko alam," sagot ko. Hanggang ngayon ay magulo pa rin ang utak ko. Hindi ko pa alam ang gagawin ko. Ayo'kong mahalata ni Sol na nilalayuan ko siya dahil sinabi ng Mommy niya.
"Tara, sama ka na lang sa 'min," sabi ni Yosh bago ako hinila papunta sa canteen. Hindi pa kasi kami kumakain.
Naroon na ang iba at kumakain. Hindi nga lang sila kumpleto ulit. Bumili na si Yosh ng pagkain niya pero hindi ako sumama. Ayo'ko munang kumain. Wala akong gana, baka hindi ko rin maubos.
"Wait, sagutin ko lang 'to." Nag-paalam muna ako dahil biglang tumawag si Mama sa akin. "Ma?"
[Anak, ang Papa mo nandito sa bahay. Umuwi ka agad mamaya, huh?]
"Huh? Akala ko next month pa siya uuwi?" takang tanong ko. Ang sabi niya kasi next month pa siya papauwiin ng amo niya.
[Surprise daw, e. Pero babalik din daw siya doon next month. Sabi ko nga sa kaniya kanina- CARLO!! Anak, teka lang! Tatawag ako ulit mamaya!]
Bigla akong kinabahan. Base sa boses ni Mama, mukhang nag-panic siya. Hindi ko alam ang nangyari sa kabilang linya pero nag-aalala ako. Sana okay si Papa.
"Ba't tumawag?" kuryosong tanong ni Sam.
Nagkibit-balikat ako.
"Ba't 'di mo alam? Ikaw ang tinawagan, ah."
Umiling na lang ako saka naupo sa tabi nila. Nagdadaldalan sila pero hindi na ako nakisali dahil hindi ko ma-gets ang usapan nila.
Wala ako sa tamang pag-iisip nang makabalik ako sa klase. Ang ibang tinuturo ay pumapasok sa kabilang tenga at lumalabas sa kabila. Hindi na pumapasok sa utak ko.
Uwian na at hindi pa rin tumatawag si Mama sa 'kin. Kanina ko pa pinakikiramdaman ang cellphone ko dahil baka mag-vibrate. Naka-silent kasi. Pero hindi ko nararamdaman.
"Sa wakas," sabi ko nang makitang tumawag na si Mama.
[Nandito kami sa Manila Medical Hospital. Sumunod ka na lang.] Halata ko ang lungkot sa boses ni Mama.
"Anong nangyari, Ma?" tanong ko. Ilang segundo rin akong naghintay ng sagot pero wala. Tinignan ko ang cellphone ko. Pinatay na pala ang tawag.
Nagmadali akong naglakad palabas.
"Sorry!" Nakabunggo pa ako ng babae dahil medyo maraming tao sa gate.
"Caless?" Si Soleil. "Nagmamadali ka ba? Where are you-"
"Sorry, kailangan ko nang umalis." Halos lakad-takbo na ang ginawa ko.
Mabuti at mabilis lang ang byahe papunta sa hospital. Hinanap ko agad ang room ni Papa.
"Ma! Anong nangyari?!" tarantang tanong ko nang makita ko si Mama na nakaupo sa labas ng room ni Papa.
"Nabunggo ng kotse kanina. Ang sabi ng doktor, nabalian daw ng buto sa binti," mangiyak-ngiyak na sabi ni Mama. Napayakap na lang ito sa 'kin nang tuluyang tumulo ang luha niya. "Paano tayo niyan? Mukhang hindi makakabalik ng trabaho ang Papa mo. Paubos na ang pera natin."
Kahit ako ay hindi rin alam ang gagawin. May pera pa ako pero may pinaglalaanan iyon. Pambayad ko sana ng expenses 'yon, e. Mukhang ganoon din si Mama.
Maya-maya ay dumating din si Tita Jing. Palagay ko, tutulungan niya na naman kami sa bills.
"Kawawa naman si Kuya," sabi ni Tita Jing habang nakasilip mula sa labas.

YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...