14.

344 22 0
                                    

"Eat up. You need it."

Tumango na lang ako. Paano kasi 'tong mga 'to, binilhan na ako ng pagkain dahil hindi raw ako kumakain ng maayos. Mukhang naikuwento pa ni Lily na nasa hospital ako kahapon dahil kay Papa.

"Pahingi-" Hindi pa natatapos ni Kanao ang sasabihin niya ay para na siyang papatayin nila Heather sa tingin. Umatras tuloy ang dila niya.

"Oh," sabi ko sabay abot ng nuggets sa kaniya. 'Yon naman ang gusto niya, e.

"Hoy, binili kaya namin 'yan para kay Caless! Last mo na 'yan, ah!" Saway ni Heather.

"Sa susunod, lalagyan ko ng lason ang pagkain ni Caless para hindi mamburaot si Kanao." Inis na umirap si Sam.

"Tanga, e 'di nalason naman si Caless kung siya ang naka-kain no'n!" Singit ni Leighnash.

"Biro lang! Parang bobo, e!"

Nag-kantyawan na. Baratatat phweng phewng. Parang mga baril ang bunganga nila. Ang iingay.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-kain. Nag-iipon pa ako ng lakas para makabawi.

Ang sabi ni Tita Jing, inaayos niya na raw ang mga papeles ko. Wala nang magbabago ng isip dito.

Habang kumakain ay kusang lumibot ang mga mata ko sa canteen. Dito ko unang nakilala si Sol. Nahagip pa siya ng paningin ko ngayon. Nakita niya rin ako at ngumiti pa pero umiwas lang ako ng tingin.

Nag-aalala ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang isipin na kailangan ko siyang iwan. Kung kailan ko tinanggap sa sarili ko na gusto ko siya at na-fall ako sa bestfriend ko. Napailing na lang ako.

Pagkatapos kumain ay sumabay na sa 'kin si Yosh pabalik sa building. Hindi siya nagsasalita pero feeling ko may gusto siyang itanong. Hindi ko na lang pinansin dahil tinatamad rin akong magsalita.

Bumalik na ang utak ko sa dati pagdating sa klase. Naiintindihan ko na ulit. Kaso kailangan kong pumunta sa library para habulin 'yong mga lesson na hindi pumasok sa utak ko. Oo, tumatakbo sila kaya kailangan habulin.

Naghanap ako agad ng libro nang makarating ako sa library. Umupo ako sa table malapit sa shelves. Bored kong nililipat ang mga page ng librong binabasa ko. Masakit na ang mata ko sa kakabasa dahil maliliit ang texts. Nakakainis. Gusto ko na agad sumuko kahit kakaumpisa ko pa lang magbasa.

Iuuwi ko na nga lang 'to! Saka ko na babasahin kapag sinipag na ako.

May iniabot akong card sa librarian kaya hinayaan niya na akong dalhin ang libro. Nilagay ko na lang iyon sa bag ko at lumabas na. Malawak pa ang oras ko dahil wala naman akong gagawin sa room. Basta na lang akong naglakad kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.

Mabuti nakita ko ang mga tropa ko na nakatambay sa malawak na field. May iba ring mga estudyante roon pero kaunti lang. Lumapit ako agad sa kanila.

"Ba't kayo nandito?" takang tanong ko. Hindi sila kumpleto pero nakakapagtaka kung bakit sila nandito. Wala ba silang klase?

"Ikaw nga nandito, e." Singit agad ni Leighnash.

Inirapan ko na lang siya at nakiupo sa kanila. Nakapabilog kasi sila sa damuhan. Pumagitna ako kay Hapon at Heather.

Ngayon lang kami ulit tumambay dito. Madalas kasi kaming pinagbabawalan dito, e. Madalas kasi mga athletes ang nakatambay dito. Dito kasi ang training nila minsan.

"Mukhang maraming magg-goodbye Mondallo University, ah." Malungkot ang tono ni Heather.

"Para namang hindi na tayo magkikita-kita sa sinabi mo," natatawang sabi ni Sam. "Sa Pinas pa rin naman tayo nakatira kahit gano'n."

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now