15.

381 22 5
                                    

Soleil's POV:

"Where are you going?!"

Hindi ko na pinansin si Mom. I'm going somewhere important. Months passed since Caless said that she'll leave. Hindi ko siya pinakinggan sa mga sinabi niya at pinagpatuloy pa rin ang pangugulit sa kaniya. I don't want her to just leave me like that. Aalis na siya ngayong araw at kailangan ko siyang habulin. I know that she'll never consider my presence there. Ilang araw niya ba akong natiis na iwasan? Hindi pala araw. Kung hindi buwan.

"Soleil, we'll talk later!"

Hindi ko na siya nilingon. Alam ko naman na may sasabihin siyang importante pero wala muna akong paki roon ngayon. Ilang linggo na siyang nag-aattemp na sabihin 'yon pero hindi niya lang magawa.

Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis na nag-drive paalis. Kailangan ko siyang abutan. At least just to say good bye. Ayo'ko sana siyang makitang aalis pero hindi ko rin naman mapigilan ang sarili ko na hayaan na lang siyang umalis na wala akong nagagawa.

Para sa isang kaibigan lang, parang ang O.A. nitong ginagawa ko. Who can blame me? I can't afford to lose her! Sino na lang palang sasama sa 'kin kapag may problema ako? Si Kris? Mas marami siyang problema kaysa sa 'kin at ayo'ko nang gatungan 'yon. Si Diany? Sa totoo lang, problema ko rin siya. I know she likes Caless. Hindi ko siya masisi kahit ganoon. Ako nga... Nevermind.

Natigil ako sa kakaisip nang tumawag si Kanao. Sinagot ko iyon habang nasa steering wheel ang isa kong kamay.

"Updates?"

[Matagal ka pa ba? Papunta na raw siya, e.]

Napabuntong-hininga ako. Medyo malayo pa ako pero aabot naman siguro ako. May plano kasi kami ni Kanao. Alam kong napilitan lang din siya pero ginawa niya pa rin. Nauna siya roon sa airport para salubungin si Caless at i-update ako. Pupunta kasi roon ang mga tropa niya para ihatid siya. Like me, they want to see her personally... For the last time. Baka kasi hindi na siya bumalik gaya ng sabi niya.

"Aabot ako," pursigidong sabi ko.

Pinatay ko na ang tawag at nag-focus na lang sa pagmamaneho.

Maya-maya ay tumawag ulit si Kanao.

[Nandito na siya, sa'n ka na?]

"Crap! Wait, malapit na ako!" Nag-panic tuloy ako bigla.

Alam kong anytime soon, makakasakay na siya ng eroplano. Kailangan kong magmadali.

Binilisan ko na lang ang takbo ng kotse at sinubukang humabol. Patakbo akong pumasok. Nakita ko agad ang kumpulan nila Kanao at patakbong lumapit.

"Oy, hala, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Ave. That's how Caless calls her.

Hindi na ako nagsalita at inilibot na ang mga mata ko. Nakita kong nakangiti siya at palapit siya rito. Pero nawala ang ngiti niya nang makita ako. Babalik na sana siya kaso bigla siyang hinatak ni Kanao papunta rito.

"So! You're leaving soon... Ingat ka," sabi ni Yoshi bago yumakap kay Caless. Sana all niyayakap.

Yumakap din ang iba at halos maiyak pa.

"Iwan muna namin kayo," sabi ni Kanao. It's my turn now.

Aalis na rin sana si Caless nang umalis ang mga kaibigan niya. Hinila ko ang kamay niya. Kinuha niya agad ang kamay niya pabalik. Nanatili siya pero hindi niya ako tinignan. Kahit isang segundo, hindi niya ako tinapunan ng tingin. Nakatagilid tuloy siya sa 'kin.

"No one can stop you now, right?" tanong ko na obvious naman ang sagot. "Take care, huh? I'm proud that you're starting to be independent."

"May iba ka pa bang sasabihin? You're wasting my time," sabi nito nang hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

"Sorry... I know I'm being-"

"Yeah, ang kulit mo." I know you'll say that.

"Sorry about that..." natatawang sabi ko. "And uh, sana maging maayos na lahat kapag nagkita tayo."

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa kung saan.

"I will miss you," sabi ko bago napaiwas ng tingin.

Narinig kong mahina siyang umubo. Nilingon ko ulit siya. Hindi pa rin siya lumilingon. Kulang na lang, balian ko ng leeg 'to para lumingon sa 'kin, e.

Lumapit ako sa kaniya at nagulat ako dahil hindi siya nag-react. Parang nanigas pa nga siya sa puwesto niya.

Bumulong ako sa kaniya, dahilan para lingunin niya ako. Namula ako. 'Yon pala ang magic word!

Tinignan ko siya para tignan ang reaksyon niya. Nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa 'kin. Umiwas siya agad ng tingin at nag-kunwaring umubo.

"A-aalis na ako..." sabi niya bago tuluyang tumalikod.

Hindi niya sinagot ang binulong ko sa kaniya. But I know that she's somehow affected.

Hindi ko na lang siya pinakialaman sa ginawa niya. What's more important is... I already said what I needed to say.

For now, setting her free is the best way to make her think about things. She needs space.

Caless' POV:

"Anong nangyari kanina? Are you okay?" tanong ni Tita Jing nang mapansing tulala ako.

Umiling ako. "Wala."

Kanina pa ako tulala rito sa eroplano. Hindi ako makatulog kahit gusto ko munang magpahinga. Si Soleil kasi! She's making it hard for me to leave.

Napailing ako ulit bago bumuntong-hininga. Kailangan ko pa rin siyang iwan kahit sinabi niya 'yon.

"You have a problem. Feel free to tell me when you're ready to share it," sabi niya. Nakapansin na rin siguro siya na ayaw ko pa 'yong pag-usapan.

"Jing, puwede bang bumalik na lang ako?"

Natawa siya. "Seryoso ka? What makes you think about that?"

"Wala... Joke lang," sabi ko na lang. Nakakatawa. Isang sabi niya lang ng ganoon, parang gusto ko na lang bumalik.

Tangina kasi, e! Char. Take 2. Kasi, e! Ayo'ko pala magmura. Baka sampalin ako ni Sol- ay. Wala na pala.

Gulong-gulo ako dahil sa kaniya. Sa tagal kong hinintay na sabihin niya 'yon, kanina niya pa talaga sinabi! E 'di sana napigilan niya ako una pa lang!

Anong sinabi niya?

"I love you. And not just because you are my friend. Because you are more than that. Late ko nang na-realize. And I know this won't stop you but... I just want to tell you. Take care of yourself, huh?"

ISSEE_DARLING :)

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now