16.

386 20 11
                                    

"Ma'am, what's going on here?"

Nagtinginan kami sa isang saleslady na mukhang naalarma sa nangyari. Medyo hirap pa siya sa pagbigkas ng mga salita dahil nga Hapones siya. Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang kamao niya kahit nakangisi ito. Umiling na lang ako.

"I'm sorry, miss."

"Uh, miss, I wanna know how much is this?" Agaw ni Sol sa atensyon ng saleslady.

Nagkatinginan pa kami ni Yoshi. Nagkibit-balikat na lang ako at sinenyasan siyang bayaran na ang pinili niyang perfume kanina.

"Ano nga kasing mas mabango? Ano bang bibilhin ko?" tanong niya ulit.

"Bilhin mo pareho, kaya mo naman," walang paking sabi ko.

"Abnormal, isa lang bibilhin ko, 'no. Wala akong planong mag-stock ng pabango sa bahay. Ano namang gagawin ko sa dalawa?" Nakipag-talo pa.

"Sayangin mo," sabi ko saka tumingin sa paligid. Nakita kong hawak ni Soleil ang kaparehong perfume na hawak ni Yosh sa kaliwang kamay niya. "'Yong nasa kanan na lang ang bilhin mo. Feeling ko, mas mabango 'yan."

"You think so? Hindi mo pa nga naaamoy, e."

"Basta bilhin mo na lang. Naiinip na ako, ang tagal mong mamili." Umirap ako.

Tumango na lang siya at nagbayad na. Hinintay ko lang siya bago nag-aya naman sa iba.

Bibili lang naman kasi ako ng mga gamit dito, e. Bakit ko ba kasi nasalubong 'yon? Tss. Kasama pa boyfriend niya. Nag-break pa sila kunwari pero bumalik din naman. Muntik na akong maniwala sa sinabi niya noon.

"Bad mood?" tanong ni Yoshi habang nagtitingin ng mga damit dahil inaya ko siya sa Oxygen.

Umiling ako. Hindi dapat ako naiinis. Ganda na ng mood ko kanina, e.

Nagtingin na lang ako ng mga damit at bumili. Kung ano-ano pa ang binili namin. Binilhan ko rin sila Mama ng pasalubong. Pauwi na rin ako sa Pinas next month. Pinag-bakasyon na kasi ako ni Yoshi.

"Kain tayo. Nagutom ako maglakad," sabi ko habang hinihimas pa ang tiyan ko.

"Libre mo?" tanong niya. "Nanglilibre ka pala kapag bad mood? Parang ang sarap mo tuloy inisin lagi." Nang-asar pa nga.

Hindi na lang ako umimik. Ililibre ko na lang din siya dahil sinamahan niya ako rito.

Kumain na lang kami. Halos bawiin niya 'yong sinabi niya kanina. Siya na lang daw ang magbabayad. Syempre hindi ako pumayag! Bayad ko na kaya 'yon sa kaniya. Pumayag na lang din siya dahil baka mainis pa ako sa kaniya kung ipipilit niya 'yong gusto niya.

"Milktea tayo!" Aya niya na naman.

Tumango na lang ako at sumama.

"Libre mo ulit?" Nang-aasar na tanong niya.

Nabatukan ko tuloy siya. "Aba naman, boss! Sumusobra ka na!"

"Baka kasi balak mo ulit akong ilibre, e." Natawa siya.

Umiling na lang ako. Bumili na kami bago niya ako inayang umuwi na. Napagod din ako kaya um-oo na lang ako. Syempre, hinatid niya ulit ako. Pak ka riyan, hinahatid pa ako ng boss ko sa tinutuluyan ko.

Hindi ko alam kung paano nangyaring boss ko si Yoshi. Basta noong pumunta ako rito, hindi ako agad nag-umpisa. Mga isang linggo pagkatapos noon, pinapasok na ako. Hinanda rin ako syempre, kailangan ko pang mag-adjust sa bansa nila. Nagulat ako dahil isang buwan pa lang akong namamalagi sa Japan, pinalitan na ang CEO. At 'yon, nalaman ko na lang na si Yoshi na pala ang boss ko.

"Cal! Narito ka na pala. Kumain ka na? I cooked dinner," nakangiting sabi ni Jing.

Yeah, magkasama kami sa iisang bahay. For almost 6 years na rin ata. Pabalik-balik lang kami sa Japan at Pilipinas. Mala-mansyon pa rin 'tong bahay niya rito sa Japan. Ang daming kuwarto pero walang tao. Sabi ko nga sa kaniya, paupahan na lang niya 'yong ibang room, e. Sayang kaya.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now