17.

364 20 10
                                    

"Huh? Bakit mag-isa ka lang? Akala ko dalawa kayo?"

Takang tinignan ni Jing si Nadine. Chineck niya pa kung may tao sa labas pero wala naman. Kahit ako nagtaka, e. Ang sabi nitong itlog na 'to- este ni Nadine, dalawa daw silang tutuloy dito, e.

"Sa'n 'yong isa?" tanong ulit ni Jing.

"Papunta na rin po. Mukhang naligaw, e. Hehe," sabi ni Nads.

"Tss. Sana sinabay mo kasi. Kawawa naman 'yong kaibigan mo." Sermon ko. Paano kung baguhan pala dito 'yong kaibigan niya? Baka kung anong mangyari do'n. Kawawa naman.

Napakamot na lang sa batok si Nadine. "Nakalimutan kong sunduin, e." Talaga 'tong babaita na 'to, burara. Pati kaibigan nakakaligtaan. "Wait, tawagan ko."

Nagsimula na siyang mag-dial sa phone niya ibinaba niya rin naman 'yon agad.

"Nand'yan na raw po siya."

Naiiling akong tumayo. Ako na ang pumunta sa gate nang makarinig ako ng doorbell.

Bored ko itong binuksan. And guess what?! Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakatayo siya sa harap ko. May dalang maleta. Siya na ba 'yong tutuloy dito? Parang gusto kong palayasin.

"Quit starring. You look creepy," sabi niya dahilan para bumalik ako sa tamang pag-iisip.

"Sol! Nandito ka na pala?!" Napatingin ako kay Nads na sumunod pala sa 'kin. Nilapitan niya agad si Soleil at pasimpleng kinurot sa tagiliran. "'Wag kang ma-attitude, baka palayasin tayo niyan."

Nagtininginan pa silang dalawa. Nakatingin lang din ako sa kanila. Tinignan ako ni Sol kaya tinaasan ko lang siya ng kilay at sinenyasang pumasok. Wala na, finish na.

"Your name is?" tanong agad ni Jing sa dalawang kakapasok lang at nakasunod sa likod ko.

"Nadine Santos po. But call me Nads," nakangiting sabi ni Nadine.

"I am Soleil Aydalla-Brown." Nakipag-kamay pa ito kay Jing.

"Oh, what's your nationality? You don't look like a pure Filipina," sabi ni Jing kay Soleil. "You're so pretty." Napairap ako roon.

"Uh, half American kasi si Dad so uhm, nalahian lang."

"Akyat na 'ko, Jing. Mamaya na lang ako kakain. May tatapusin pa pala ako," sabi ko saka akmang aalis na pero pinandilatan ako ni Jing.

She smiled sarcastically. Naniningkit pa ang mga mata. "Gusto mong ikaw ang tapusin ko?" Nakangiti pa rin siyang nakakaloko.

Napailing na lang ako. Akala ko, makakalusot na ako. 'Di pala.

Matamlay akong naglakad pabalik sa dining area. Nag-sandok na lang ako ng makakain ko. Nag-umpisa rin ako agad na kumain para mabilis matapos. Hindi ako kumportable rito.

Paminsan ay nararamdaman kong tumitingin si Soleil na nakaupo ngayon sa tapat ko. Tinitignan ko rin siya pabalik pero umiiwas siya ng tingin. Parang tanga. Titingin-tingin tapos iiwas. Kanina pa 'yan. Gandang-ganda lang?

"What's wrong with the two of you?" iritang tanong ni Jing pero kalmado pa rin.

Umiling na lang ako. "Ayo'ko na. Busog na 'ko." Charotera.

Umakyat ako agad pero hindi pa ako pumapasok sa kuwarto ko. Sumandal muna ako sa pader na katapat ng pintuan ko.

Kasi naman 'tong kuko ko. May maliit na nakausli tapos hindi ko matanggal. Kinagat-kagat ko tapos 'yon na, dumugo.

"Ouch, tangina." Pinagpag ko pa ang kamay ko.

"Profanity," sabi ng kung sino.

Si Soleil pala. Kakaakyat lang.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now