"Naniniwala ka?"
Naku! Sayang ang panliligaw namin kay Ayakang maarte kung nagkataon. Sinenyasan ako ni Yoshi na pumasok sa kotse ay 'yon naman ang ginawa ko. Pumasok na rin siya.
"Hindi ko alam kung saan maniniwala. Hindi rin kasi nag-deny sila Ayaka." Ibinaba na niya ang phone niya para paandarin ang kotse. "Another one, scammer daw sila. I don't know where all of those are coming from."
"I see. Nag-aalala ka na baka totoo pala 'yon tapos naka-pirma na sila sa kotrata at tinanggap na ang proposal natin." Diretso akong nagsasalita habang nakatingin sa labas. Hindi pa ako nagkakape pero parang gising na gising tuloy ang diwa ko ngayon.
Tumango siya. Malaking gulo nga 'yon. Kailangan naming ma-kumpirma agad ang totoo. Baka bigla na lang nilang pirmahan ang kontrata, 'no! Ako pa naman ang nag-present sa kanila! Sure akong satisfied ang mga itlog na 'yon!
Kaya siguro ang yaman ng kumpanya nila kasi nangs-scam sila. Pero mali pa ring mambintang.
Basta sure akong gusto na ring umatras ni Yoshi dahil alam kong ayaw niyang makipag-partner sa mga kumpanyang may mga pangit na reviews.
Nando'n na si Nads nang makarating kami. Inagaw ko ang kape na hawak niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang gawin ko 'yon. Mabilis ko iyong ininuman at... Bwisit, walang laman.
"Ubos na 'yan, tungaks. Agaw kasi ng agaw," natatawang sabi niya.
Umirap naman ako at tinapon na ang cup sa basurahan. Walang silbi.
Umupo na lang ako sa trono ko at ginawa ang trabaho ko. Mga ilang oras na rin ang lumipas. Pinatawag na lang ako dahil may meeting daw kami nila Yoshi.
Puro stress lang ang pinag-usapan namin. Malapit na ngang dumugo ang ilong ko kaka-English dito, e. Buti na lang nasanay ako sa kaka-English ni Sol dati- luh. Minsan nagsasalita sila ng Japanese at nakikinig lang ako sa kanila. Hindi ako masyadong marunong mag-Japanese pero naiintindihan ko naman sila. Kailangan ko silang maintindihan.
Sila na raw ang bahala sa Kuroko and Co. Bumaba rin ang sales namin kaya tanungan portion na naman kung anong gagawin sa demand. Humirit na naman 'tong Math na 'to.
Nauna kaming lumabas dahil may tinawagan pa si Yoshi. Nakahawak pa ito sa sintido nang lumabas. Ginawa ko na lang ulit ang trabaho ko.
"Ma'am," tawag ko kay Yosh na nakatayo sa tapat ng glass wall at mukhang nag-iisip.
Maganda rin 'tong naisip niyang spot, ah. Kitang-kita ang labas. Nakakalula nga, e. Pero at the same time, lakas maka-chill. Ang ganda kaya ng Japan.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
"Stressed? Tara kain, treat ko." Pag-aaya ko. Tutal gutom na rin ako.
Tumango na lang ito at hindi nagsalita. Mukhang wala rin siya sa mood ngayon.
Bumili lang kami ng sushi dahil 'yon ang una naming nakita noong lumabas kami. Bumalik din kasi kami agad sa loob. May tumawag kasi sa kaniya kanina kaya nagmadali na siya. Alam kong gutom na siya pero ang kaunti lang ng kinain niya dahil nga nagmamadali na.
"Marquez,"
Lumingon agad ako dahil may tumawag sa last name ko. Nginitian ko si Yoshi nang makita ko siya. Ngumiti rin siyang pilit.
"Yes, Ma'am?"
Sinenyasan niya akong lumapit. Kahit na sobrang lapit ko na sa kaniya ay pinapalapit niya pa rin ako. May pagitan pa rin sa 'min kaya mas lumapit siya. Bubulong pala.
"Pumirma na sila," sabi nito at hindi ko mawari kung natutuwa ba siya o ano.
Napaawang ang mga labi ko. Baka naman pumirma lang sila para hindi na namin iurong ang proposal? Kung kailan sila nagka-problema, bigla silang lalapit sa 'min. Sana lang hindi kami madamay diyan.
Napailing na lang ako. Ini-announce niya na rin iyon sa iba. She's more likely to look disappointed. Salungat ng dapat na reaksyon namin ngayon.
Nauna ulit akong lumabas ng building para maghanap ng pagkain. Mukhang walang balak si Hapon na bumili ng pagkain niya kaya binilhan ko na rin. Bumili ako ulit ng sushi dahil nabitin siya sa kinain niya kanina. Bumili rin ako ng ilang snacks at chocolate para sa kaniya. Feeling ko kailangan niya ng sweets ngayon, e.
Tinawagan ko siya at sinabing magkita kami sa mga table sa labas ng building. May tables dito sa labas, sa gilid ng building namin. May parang garden dito at dito rin kumakain 'yong ibang nagt-trabaho rito. May cafeteria naman sa loob pero mas feel ko kumain dito para fresh ang hangin. Kaya lang, malamig pala kasi gabi na.
"Kaya mo 'yan ubusin?" inosenteng tanong ni Yoshi nang makarating siya sa harap ko. Umupo rin siya sa upuan na katapat ng akin.
"Bopols, syempre hati tayo. Binili ko nga 'yan para sa 'yo," sabi ko habang nilalabas 'yong mga pinamili ko mula sa plastic. Iniabot ko na rin sa kaniya 'yong paper bag na may laman na sushi.
Siya na ang nagbukas ng lalagyan ng sushi pero bahagya niya 'yong tinulak papunta sa direksyon ko. Kinunutan ko siya ng noo. Ayaw niya ba? Binili ko kaya 'yon para sa kaniya!
"Sa 'yo 'yan, e." Paliwanag nito kahit hindi pa ako nagtatanong.
"Para sa 'yo nga 'yan. Ang kulit," iritang sabi ko.
Kinuha ko ang chopsticks na kasama noon at kumuha ng isang sushi. Sinubuan ko pa siya para kainin niya 'yon. Pakipot pa siya no'ng una pero kinain din naman. Sinubuan ko pa siya ng isa ulit kaya napuno ang bibig niya. Susubuan ko pa sana ulit siya pero hinampas niya na ang kamay ko kaya hindi ko na tinuloy. Baka mabulunan na siya.
"Kumain ka mag-isa kung ayaw mong isalaksak ko 'yan lahat sa bibig mo," maotoridad kong sabi. Yabang ko naman.
"Bwisit ka, muntik na akong mabulunan!" Reklamo niya nang maubos ang laman ng bibig niya. "Sige po, boss!"
Natawa na lang ako at pinagpatuloy na ang pag-kain ko.
Pagkatapos namin kumain, nag-aya na siyang umuwi kaya pumunta na kami sa parking lot at hinanap ang kotse niya. Hinatid niya 'ko ulit sa bahay. Gusto ko pa sana siyang ayaing mag-dinner pero mukhang wala talaga siya sa mood kaya 'wag na lang.
"Hinahatid ka rin ni Ma'am?" Bungad ni Nads nang makapasok ako sa gate.
Ito na naman siya. "Inggit ka?" tanong ko. Tumango naman si tanga. Tss.
Pumasok na lang ako sa bahay. Nagluluto pa lang 'yong maids. Mukhang late uuwi ngayon si Jing. Umakyat na lang muna ako para magbihis. Mamaya pa naman ata kakain.
Kumunot ang noo ko nang makita si Soleil na nakatayo sa tapat ng hagdan.
"Girlfriend mo?" tanong niya.
"Huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"'Yong naghatid sa 'yo." Paglilinaw niya.
Si Yoshi pala. Abno. Isa pa 'to, e. Girlfriend daw? Luh, asa. Baka may pag-asa ako sa babaita na 'yon. Walang wala ako roon! Saka hindi ako papatol do'n! Kaibigan ko 'yon, e.
Kaibigan ko rin naman si Sol dati pero-
Hindi na ako umimik. Naglakad na lang ako papunta sa pintuan ko. Pipihitin ko na sana ang doorknob kaso bigla siyang nagsalita.
"Ganda niya. Bagay kayo."
ISSEE_DARLING :)
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...