19.

362 18 0
                                    

"Ma'am! Kakain na po!"

Sinara ko agad ang laptop ko nang tawagin ako para kumain. Bumaba ako agad at dumiretso na sa dining area. Naghahain pa lang pala ang mga maids. Pumunta ako sa kusina para tulungan silang maglagay ng mga pagkain sa mesa.

"Hinahanap ka ng girlfriend mo," mahinang sabi ni Sol nang makita ako sa kusina.

Kumunot ang noo ko. Girlfriend? Baka girl na friend? Huh? Sino namang maghahanap sa 'kin? Wala naman akong ibang kaibigan dito na babae kung hindi si Yoshi at Nadine. May isa akong kaibigan na hapon pero hindi naman pupunta 'yon dito dahil lumipat na sila sa ibang lugar.

"Sino do'n?" takang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya. May binulong siya pero hindi ko naintindihan. "Ewan. 'Yong mukhang hapon."

Tumango na lang ako. Baka si Yoshi lang.

Pumunta ako sa living room para hanapin kung sino mang naghahanap sa 'kin. Pinapasok naman siguro niya. Kumunot ang noo ko. Wala namang tao rito. Si Nadine lang ang nakita ko.

"Hoy, Cal! Si Boss nasa labas!" sabi nito na nagpakunot sa noo ko lalo.

Hindi niya talaga pinapasok? Abnormal din, ah.

Lumabas ako at hinanap si Yoshi. Nakatayo sa tapat ng gate at nakasandal sa kotse niya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko agad.

"Ang boring sa bahay. Kumain ka na ba? Gusto ko mag-road trip, e."

"Kakain pa lang ako. Tara, sabay ka na." Inaya ko na rin siya kaya tumango siya.

Pinaupo ko siya sa tabi ko. Sabay-sabay kaming kumain. Wala si Tita Jing kaya may bakanteng upuan sa tabi ko at doon siya nakaupo. Hindi ko maintindihan kung bakit lingon ng lingon sa 'min si Sol. O baka kay Yoshi lang? Maganda naman si Yoshi pero hindi niya kailangang tignan ng tignan.

"May kukunin lang ako. Hintayin mo 'ko, ah?" Nagpaalam muna ako kay Yoshi bago ako umakyat. Tumango naman siya.

Kinuha ko ang hoodie ko at sinuot iyon. Malamang windows down ang trip nitong boss ko. Baka lamigin ako kaya mabuti nang prepared.

Bumaba ako ulit at hinihintay na ako ni Yoshi.

"Taray, couple hoodies." Puna naman ni Sol.

Napatingin ako sa suot namin ni Yoshi. Hindi naman couple 'yon pero parehong yellow. Gusto kong matawa. Bakit ba binibigyan niya ng malisya pati ang mga suot namin. Buang.

Naalala ko na naman kung bakit ako may hoodie na kulay yellow. Dalawa 'yong ganito ko dahil bumili talaga ako ng couple na hoodies at ibibigay ko sana sa kaniya 'yong isa para couple hoodies kami. Favorite niya ang yellow kaya iyon ang kulay. Hindi ko lang maibigay dahil hindi naman na kami close.

"Yosh, tara." Hinila ko na lang si Yoshi sa palapulsuhan. Mukhang nagulat din siya sa sinabi ni Soleil kaya hindi siya makagalaw.

Sumakay na kami sa kotse niya nang makalabas kami. As usual, binaba niya na naman 'yong mga bintana. Pinaandar niya na agad ang kotse. Medyo mabilis din ang takbo pero okay lang, sanay na ako sa kaniya. Gusto niya 'yong mga gantong eksena kapag stressed siya. Intindihin na lang natin.

Huminto kami sa tapat ng isang Mcdonald's. Siya na ang nag-order ng pagkain. Bumalik siya na may dalang paper bag. Pinaandar niya ulit ang kotse at pumunta sa isang road na wala masyadong tao. Umakyat ulit kami sa ibabaw ng kotse niya bitbit ang mga pagkain namin. Kumuha kami ng tig-isang fries at kinain 'yon habang nakatitig kami sa mga bituin.

Sumandal siya sa balikat ko. Mag-uumpisa na siya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong gusto niyang 'wag akong gumalaw. Noong unang beses na ginawa niya 'to sa 'kin, sinabi niya na 'wag akong gagalaw. Pero noong pangalawa hanggang sa nasundan ng nasundan, kahit hindi niya sinasabi, ginagawa ko pa rin. Baka kasi umiyak ulit siya. Ayaw niyang nakikita siyang umiiyak.

"Totoo 'yong nabasa kong news," sabi niya habang nakatingin sa kung saan.

Tumango na lang ako. "Anong nangyari?"

"Kinasuhan sila at nadamay tayo," sagot nito sa tanong ko.

Expected na namin na madadamay kami sa gulo nila kahit hindi naman namin 'yon kasalanan. Naglabas kasi kami ng jewelries, at dahil may partnership nga kami sa kanila, inako na nila na sila ang gagawa noong mga supplies. Hindi kami pumayag syempre. Hinati namin ang supplies.

"Bakit nakasuhan sila?" tanong ko ulit.

"'Yong jewelries na nilabas nila, fake. Tapos may pa-reserve stocks pa silang nalalaman. Obviously, nauuna ang bayad noon kaysa sa pagbibigay ng mga kailangan ng costumer. Tapos noong nalaman na no'ng mga nag-pre-order na fake pala 'yong binebenta nila, gusto na lang mag-refund noong mga costumer. Kaso hindi nila binalik 'yong pera at tinakasan nila. 'Yon, kinasuhan sila." Paliwanag niya. Pero hindi pa pala tapos. "Nadawit tayo dahil sa jewelries," natatawang sabi nito.

Gusto ko ring matawa. Kasi 'yong necklace ay may pangalan na Fuji Corp. and Kuroko and Co. na nakalagay sa likod ng pendant. Pati ang mga box at packaging, may gano'n ding nakalagay. Kaya dawit talaga kami.

"May nakuha nang lawyer?" tanong ko ulit.

"I can't find one. Marami silang nire-recommend pero hindi ko naman gusto ang reviews."

"Tatlo lang naman ang kilala ko, e. Busy pa 'yong dalawa. Mukhang 'di kita matutulungan diyan," sabi ko.

Tinignan niya ako. "May isa pa, ah? Sino-sino ba 'yang sinasabi mo?"

"Sila JM. E kaso may inaasikaso si JM dahil nga lawyer siya noong model. Si Levi, busy rin ang isang 'yon. Kakatapos lang ng kaso niya kay Mayor. Binalikan siya, e. At 'yong isa... Si Rei-" Pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang fake cough.

"Hindi pa ako sigurado," sabi niya kaya tumango na lang ako.

Hindi na tuloy siya naka-imik sa mga sumunod na oras. Mukhang iniisip niya pa rin.

Nag-road trip na lang kami kahit walang kibuan. Hinatid niya ulit ako sa bahay pagkatapos.

Kumunot ang noo ko nang makapasok ako sa living room. Nandoon si Charles, kayakap si Soleil sa sofa. Hinalikan pa nga sa noo. Mukhang hindi nila ako nakita.

Umiling na lang ako at umakyat sa kuwarto. Do'n talaga naglandian? Wow, ah. Parang nakakahiya na lang mag-talk.

Nag-half bath na lang ako. Bumaba ulit ako dahil nauuhaw ako. Ang tagal naman kasi ng ref ko! Akyat baba ko rito, e.

Hindi pa ako nakakarating sa kusina, natanaw ko na agad sila. Nag-uusap pa rin sila. Hindi ko sinasadyang makiusyoso pero narinig ko sila.

"Una na 'ko, late na rin, e." Pagpapaalam ni Charles.

Tumango naman si Sol. "Ingat ka. Salamat, ah." Ngumiti ito.

Hinalikan ulit ni Charles sa noo si Soleil. Alam kong hindi nila ako nakikita pero alam kong ramdam na nila ang presensya ko rito. Nang-aasar ba 'to?

Hinawakan ni Charles sa pisngi si Soleil at hinawi ang buhok niya. Ano 'to? Kissing scene? Aba, itong isa, hinahayaan lang! Pag-untugin ko kayo, e.

"Baka gusto mo nang pauwiin 'yang bisita mo? Late na, ipapa-lock ko na 'tong bahay." Umirap ako. "Sakit niyo sa mata."

"Bitter."

ISSEE_DARLING :)

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now