20.

419 22 5
                                    

"Cal, sabay na tayo?"

Umiling agad ako nang ayain ako ni Nads. Ayo'kong sumama sa kaniya. Ang daldal niya kaya! Wala ako sa mood magsalita ngayon dahil nakaka-badtrip 'yong sinabi ni Charles kagabi. Bitter daw ako?!

"I'll go with Yoshi," sagot ko na lang.

"Sol? Gising ka na pala? Aga mo, ah?" Napalingon ako sa likod ko. Nandon na pala si Sol.

"Naalimpungatan lang," sabi nito saka umiling. "Matutulog na ako ulit."

Tumango na lang si Nads. Ako naman, nakatingin lang sa kaniya habang paakyat na ulit siya ng hagdan.

Hanggang kailan ba kami ganito? Magkasama kami sa iisang bahay pero hindi ko siya makausap ng maayos.

"Una na 'ko." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

As usual, dadaan sa mini mart para bumili ng canned coffee bago puntahan si Yoshi. Hinihintay na rin pala ako ni Hapon nang makarating ako. Mukhang kulang siya sa tulog. Or should I say, mukhang hindi siya natulog.

Hindi na lang ako umimik habang nasa byahe. Tulad ng sabi ko, tinatamad akong magsalita. Isa pa, mukhang hindi ko rin naman makakausap ng maayos si Yoshi sa lagay niyang 'yan.

Nang makarating kami, diretso ako agad sa cubicle ko para gawin ang trabaho ko. Nagulat na lang ako nang bigla na lang lumapit si Yoshi.

"I need a lawyer. Now," maotoridad na sabi nito ngayon.

"Huh? E wala akong kilala na lawyer. Nasa Pilipinas sila-" Pinutol niya na ang sasabihin ko.

Pinakita niya ang Instagram post ni Rei. Nasa Japan pala 'tong baklang 'to? "Contact her, please."

"Sure ka?"

Napaiwas muna ito ng tingin bago napilitang tumango.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-text kay Reiko. Mabuti talaga't naka-save ang number niya rito.

To: Rei

Need u now. May problema sa Fuji Corp.

Hinintay ko ang reply niya at wala pang isang minuto, nag-text na ito agad.

From: Rei

prepared ako.

Kumunot ang noo ko. Prepared raw? Luh, spy ba 'to? Kakaiba talaga mga stalker ni boss Yoshi. Pang-malakasan.

To: Rei

Bigay ko number mo kay Yosh. Kayo na mag-usap.

At 'yon nga ang ginawa ko. Tinatamad na ako mag-type, e. Saka busy rin ako ngayon kaya sila na lang ang mag-usap.

Pinag-half day lang ako ni Yoshi. Ewan ko kung may iba ring nag-half day. Basta pinaalis na niya ako.

Wala akong maisip na ibang pupuntahan ngayon dahil ayo'ko pa namang umuwi. Naisipan ko na lang kumain mag-isa. Nagugutom na ako, e.

Binigyan ako ng menu no'ng waitress nang makaupo ako. Habang nagtitingin ako ng menu ay may biglang pumasok.

"Table for two, Sir? Wow, is it a date?" tanong noong waitress.

Na-intriga ako kaya sumilip ako kung sino ba 'yon. Tinakpan ko rin agad ang mukha ko gamit ang menu dahil sila Sol pala 'yon. Napairap ako. Sa dami ng restaurant dito, dito pa talaga sila kung nasaan ako?! Hindi kaya sila nakakatuwang makita!

Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya tinawag ko na lang ang waiter at um-order ng pagkain na mabilis ubusin. Gusto ko nang umalis. Nakaka-walang gana pala.

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now