CHRISTMAS LOVE BIRDS

20 0 0
                                    

Alam mo yung feeling na masaya ka pero hindi? Yung Kinikilig ka pero hindi? Yung tipong lahat ng bagay hindi dapat pero dun ka lang sumasaya? Hindi ko alam kung bakit ganun yung naaramdaman ko pero basta masaya ako, gagawin ko. Pero mali yun e, may tao ata akong nasasaktan. Meron ata akong napapaiyak. Pero pano kapag ako pala yung nasasaktan at hindi yung taong yun? Ang hirap naman. Masaya ako pag kasama ko sya pero hindi ko lang alam kung masaya sya kapag kasama ako. Hindi ko alam kung Masaya lang sya kapag magkasama kami tapos kapag hindi na kami magkasama, iba na ulit ang pinanggagalingan ng saya nya. BAKIT ANG HIRAP? Nakaraan na nga diba, so dapat na kalimutan. Pero hindi e, kahit anong paraan ang gawin ko para makalimutan sya, hindi ko magawa, kasi mahal ko pa sya. kasi hindi ko sya makalimutan, Kasi hindi ako makamove-on sakanya. Alam ko naman na oras na para maghanap ng panibagong adventure kasama ang oanibagong tao sa buhay ko. Pero ang hirap e. ANG HIRAP TALAGA. 

ANg tangi ko lang nararamdam ay hindi ko PA sya kayang kalimutan. Akala ko noon, okay na ang lahat, pero every time na magpaparamdam sya, bumabalik lahat e. To be honest, ayoko na, kasi alam kong may nasasaktan pero anong gagawin ko? hahayaan ko naalng kahit masaktan ako o ipagpapatuloy ko ito kahit alam kong may nasasaktan na iba? Ang hirap magdesisyon. Ang hirap kasi may mga motibo pa syang pinapakita na mahal pa nya ako, may mga bagay pa na pinapadama sya saakin na maari kong sabihin na pahiwatig ito na mahal parin nya ako. Pero pano kung hindi na pala? Pano kung naga-assume lang pala ako. 

Kung maari lang, ayoko na magparamdam sakanya kasi ako lang yung nagmumukhang naghahabol e. Gusto ko sya naman yung unan magtext, unang magparamdam. Kasi ako, pagod na pagod na ako sa kahahabol ng taong may hinahabol ring iba. Maaabutan ko alng sya kung titigil na sya sa paghahabol sa iba. Pero parang imposible yun e, siguro, hahayaan ko nalang ang tadhana na magpasya, hahayaaan ko nalang sya na magtakda para sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHRISTMAS LOVE BIRDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon