Help!

7 1 1
                                    

"H E L P !"

---
    Nagising nalang ako sa isang masukal na kagubatan. Puno ng pasa ang aking katawan. Ramdam ko rin ang bawat kirot ng sugat na dahilan ng walang awang pang-aabuso sa aking katawan.

Napatingin ako sa lalaking himbing na natutulog sa aking tabi.

Isang Demoniyo!

Agad na nanumbalik sa aking isipan ang pangyayari bago ako napadpad sa dakong ito.

----

3 Hours Ago..

"Alyssa! Please.. Makinig ka sa akin. Hindi ko sinasadiya ang lahat. Natukso lang din ako." Mariing paliwanag sa akin ni Kurt habang kinakatok ang bintana ng sasakyan.
Pero tila nabingi na ang aking pang-dinig.

"Ricks, umalis na tayo." naluluhang saad ko.

Hindi ko matanggap na kaya akong lokohin ni Kurt.

Bakit sa dinami-dami ng pwede niyang makasipingan ay ang bestfriend ko pa. Ang sakit-sakit.

Agad namang pinaandar ni Ricks ang sasakyan mula sa Motel.

Tss. Yun ba sa tingin niya ang natukso lang? May pa-motel pang kailangang pangyarihan.

Napalakas ang aking pag-hikbi ng tuluyan na kaming makalayo.

"Tahan na Alyssa, hindi ako sanay na naiyak ka ng ganiyan." saad ni Ricks habang patuloy parin sa pagmamaneho.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang akong napasakay kay Ricks ng makita ko itong nag-aabang sa harap ng motel.

Basta't ang alam ko lamang ay kailangan kong umalis sa lugar na iyon.

"Pasensya ka na Ricks, hindi ko na kasi napigilan ei." Saad ko at mabilisang pinunasan ang aking mga luha.

Hindi ako sanay na may nag-aalo sa akin kapag umiiyak.

Lalo pa at, sa isang lalaki.

"Hmm. Hindi naman sa nangenge-alam ako. Pwede ko bang malaman ang nangyari?"

Hindi ko alam na may pagka-chismoso din ang lalaking ito. Pero nanatili akong tahimik, wala akong balak na sabihin sa kaniya ang nangyari.

"Ricks diyan nalang ako sa tabing kanto." wala sa sa sariling saad ko.
Hindi ko alam pero hindi niya ginawa ang sinabi ko. Napatingin ako sa kaniya.

"Rick, Diyan nalang kako ako sa kanto." Pag-uulit ko.

Ngunit tila hindi niya ako narinig. Bigla na lamang nag-iba ang reaksyon ni Ricks ng hindi ko malaman. Dahilan upang bigla akong kabahan.

Si Ricks ay kilalang badboy sa aming lugar, tunay na badboy at hindi tulad ng mga nababasa ko sa wattpad. Maraming tattoo sa katawan, at nababalitaang nag-aadik din ng shabu.

"Ricks! Sabi ko ibaba mona ako!" medyo may diin na sa tinig ko.

Pinanatili ko ang pagiging kalmado. Ngunit deretso parin itong nakatingin sa daan.

Unti-unti namang lumuwag ang aking paghinga ng huminto na ito.

"Pasensya ka na Alyssa pero hindi kita pwedeng ibaba basta basta sa isang gilid. Delikado, at madilim na. Nandito na tayo."

Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Hindi ko napansin na nasa kanto na ako ng daan kung saan patungo sa bahay namin.

"Ihatid na kita sa inyo Alyssa, malayo pa ang bahay niyo." alok nito.

Nagtataka ako kung papaano niya nalaman ang bahay namin ngunit hindi na ako nag-abalang nagtanong. Agad na akong bumaba ng sasakyan.

"Hindi na kailangan. Salamat nalang sa pag-hatid Ricks."

Help!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon