Hakbang 5

18.6K 545 748
                                    

Wala ako sa sarili noong pumasok sa kwarto para mag-ayos. Still in shocked when my Mom pushed me inside my room and reminded me to hurry the fuck up. Ilang segundo pa akong natulala pagkapasok dahil hindi talaga makapaniwala!

Hindi ko kailanman naisip na makakapunta si Zathrian dito sa amin! I mean... I gave him the address because I really thought that the date won't happen! At ngayon... ito... mangyayari nga!

Isang beses pa lang akong nagdala ng lalaki rito sa bahay. At ilang taon na ang nakalipas noong una at huli. I don't just bring boys here especially if I'm not sure if they'll stay in my life. Ayokong basta magpakilala kay Mama dahil kapag ganoon, hindi na niya nakakalimutan.

She will keep on asking me about the guy until I'm so fed up! At ngayon, sigurado akong pagkatapos nito, lagi na niyang tatanungin si Zathrian sa akin!

Hindi alam ni Mama, pumayag lang 'yon makipagdate para tigilan ko na.

"Cahira! Ang sabi ko magmadali ka na, hija! Nakakahiya sa bisita!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko.

I rolled my eyes and started moving. Si Mama, mas excited pa sa akin! I mean... I'm excited, too, but whenever I think about why he agreed with this... nawawalan ako ng gana.

"Ito na, Ma! Chill ka lang!" Sigaw ko pabalik.

I bit my lips and went into my walk-in closet. Naghanap ako ng maisusuot. Hmm... first date so I should wear something nice.

Since we'll be doing a coffee date, I've decided to wear something casual. I just wore a blue one shoulder crop top and black highwaist skirt. At dahil matangkad si Zathrian, naisipan kong suotin iyong bulky white shoes para makadagdag sa height ko kahit paano. I also tied my hair in a low and clean ponytail and wore some accessories to complete my look. When I got satisfied, I went outside my walk-in closet.

Pagkalabas, inayos ko iyong kama ko at niligpit iyong libro na balak ko sanang basahin kanina. Nagspray na rin ako ng pabango sa buong katawan at kinuha 'yong maliit na bag para lalagyan ng wallet at phone ko. I also bought some mints to freshen up my breath. Malay mo halikan ako mamaya? Para lang ready.

Just kidding! I bought it so I can freshen up my breath. Pero kung hahalikan nga... pwede naman. Hindi tayo tatanggi.

"Cahira, honey, you're taking so long there! It's been fifteen minutes!" Si Mama pa rin.

I rolled my eyes again. Hindi ko alam kung pang-ilang irap ko na ito sa kawalan. Binilisan ko na lang dahil alam kong hindi titigil si Mama.

Before going outside my room, nagtext ako kay Kiara.

Ako:

I'm going on a date with Zathrian Orozco. Wish me luck! Machecheck ko na rin kung malinis ang paa!

She replied immediately. Binasa ko muna tuloy bago lumabas kahit sumisigaw na naman si Mama.

Kiara:

Hahahahahahaha ulul! Tanghali na, gumising ka na. Sabi ko sa'yo huwag kang nagpupuyat, eh.

Aba! Ang gagang 'to! Akala pa ata nagsisinungaling ako!

Ako:

Baliw. Talagang may date kami!

Sinend ko iyon at binuksan na ang pinto. I saw my Mom waiting for me outside my room. Hawak niya rin ang phone niya at inoorasan pala ako! Kaya pala alam niyang fifteen minutes na ang nakakalipas. Mabilis na nga iyon, eh!

"Finally, hija! Go and hurry up! Kanina pa naghihintay ang date mo!" Aniya, ngiting ngiti.

I pouted. "Ma, kumalma ka nga!" Ani ko.

Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon