CHAPTER 44

6.8K 147 7
                                    

CHAPTER 44

LORAINE

Napabuntong-hininga ako bago ko tanawin ang mga bata na naglalaro sa mat. I called Pia and Janine kahit sinabi kong magpahinga muna sila.

"Bakit po, Ma'am?"

"Paki-akyat na muna ang mga bata sa kwarto ng kambal. Let them play in there." Kinuha ni Pia si Keinna at Klaus habang kinuha naman ni Janine si Eirene. Nakasunod naman si Spiro sa kanila.

"What's your plan now?" It was Dereck.

"None. Umuwi lang naman kami dito para sa inyo. Nothing else." Nagkibit-balikat ako.

"What do you mean? Wala ka bang balak ipakilala sina Keinna at Klaus kay Jackson? Two years, Loraine. Tinago mo ang anak niyo." Napakunot ang noo ko sa tono ni Brie.

"What are you trying to say? Na ipakilala ko ang mga anak ko sa kanya? Why would I do that? Isa pa, mas kampi ka ba sa kanya?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"No! Sinasabi ko lang na may karapatan siyang makilala ang mga anak ninyo."

I gritted my teeth. "Alam mo kung gaano ako nasaktan noon, Brie. Nandoon ka ng mga panahong 'yon." Tumigas rin ang ekspresyon niya.

"Hindi na kayo bumabata, Loraine. Your children need a father! They need Jackson, Loraine. Isang araw ay maghahanap na sila ng ama."

Umiling ako. "Brie's right. Magulang ka rin, Loraine. Hindi mo gugustuhing itago sa'yo ang mga anak mo. I'm a father. I can't imagine my wife hiding my son and daughter from me." Dereck said. "I kept my mouth shut for almost three years because the truth must come from you. I lied to my cousin,"

Mas lalo akong umiling.

"And? In the first place, hindi ko utang na loob na hindi niyo sinabi 'yon kay Jackson. It's not your story to tell," I could feel the tension between us. "At tinago? Hindi ko tinago ang mga anak ko sa kanya!" That's the truth.

"Anong hindi? Loraine, dalawang taon niyang hindi nakilala ang mga anak niya dahil tinago mo." Brie fired back. Mariin akong napapikit. She's pregnant.

"He knows about my babies."

Hindi sila nakapagsalita.

"Alam niyang buntis ako noon. Sinabi ko sa kanya."

"Impossible. Kung alam niyang may anak kayo, dapat noon pa kayo magkakasama. He will chase you." Mariing tugon ni Dereck.

"I'm not lying, Dereck. Madaling araw nang bagong taon. Umalis ako noon to eat with Amber. Then dumating si Jackson with his fiancé. I sang a freaking song for him. Begging song. Then I told him that I was pregnant. Pero anong ginawa niya? Ha?! He left me! He left me and my babies." Hindi ko nabanggit sa kanila ito noon.

"Loraine..." Lumambot bigla ang kapatid ko.

"Now tell me, tinago ko ba? Aware siya doon! Aware siyang may anak kami! But he chose his brainless fiancé."

Kunot pa rin ang noo ni Dereck. "Baka hindi niya narinig..."

"That's not my problem anymore." Kinalma ko ang sarili. "Hindi na sa kanya umiikot ang mundo ko ngayon. I have my twins, sa kanila na umiikot ang mundo ko ngayon." Biglang nabasag ang tinig ko nang maalala ang kambal.

"Jackson keeps asking us about you... especially kapag Pasko." Umiwas ako ng tingin.

"He's not faithful, huh? Isa pa, hindi na niya kakailanganin ang mga anak ko. I know his wife is pregnant or baka may anak na sila. I want the best for my babies. Ayokong may kahati sila."

Chase Once Again [ Billionaire Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon