ALA-ALA

5 0 0
                                    

"JOSE HALIKANA DITO AT KAKAIN NA TAYO"tawag saakin ng aking ina na nasa kusina "teka lang inay papunta na po" aking tugon habang nakatingin sa aking iginuhit at napangiti.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kusina na may masiglang ngiti sa labi
"Ina tignan mo ang aking iginuhit" masiglang sabi ko agad naman itong kinuha ni inay
"Wow Anak!Napakaganda naman ng iyong iginuhit" masayang sabi nito saakin agad naman akong ngumit sakanya at humalik sakanyang pisnge
"Osiya jose tara na kumain dahil ikay papasok pa sa paaralan"

Agad agad naman akong humarap sa hapag kainan ata kumain at pumasok sa eskwelahan
"Jose halika ditong bata ka at pawis na pawis ka"
Agad naman akong pumunta kay inay at lumapit
"Naku ikaw talagang bata ka"
"Pasensiya napo inay nasayahan po ako sa laro namin ni ben" hinalikan ako sa labi ni inay at sinabing "Mahal na mahal ka ni inay jose mag aral ka ng mabuti" agad naman akong ngumiti at tumango.
"Anak!andito ako jose" kita ko si inay na kumakaway sa labas ng aming eskwelahan "INAY!!"sigaw ko dito habang papunta sa kanyang pwesto "Kamusta ang pag aaral"
"Okay lang naman po,Inay tignan mo may star ako tatlo" pinakita ko sakanya ang aking star "Naku!ang galing galing talaga ng anak ko dahil jan kakain tayo ng ice cream" "Yehey,ice cream mahal na mahal kita inay"
"Mahal na mahal den kita anak lagi mong tatandaan na andito lang si inay mamahalin ka at aalagaan sa abot ng aking makakaya"

Napadilat na lamang ako at dahan dahan na tumulo ang luha sa aking mga mata dahil hanggang ngayon diko paden tanggap na wala na ang aking ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAGLI-ANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon