CHAPTER 6: 2 YEARS MAPAG-ISA

57 7 5
                                    

Ang kanina'y galit na galit na si Arman dahil sa akala nya'y hindi siya ginagalang ng kanyang anak dahil sa pagsasabat nya, ay napatahimik at naging mahinahon sa pakikinig sa hindi magandang karanasan nito sa eskwelahan. At nagpatuloy na ikwento ng umiiyak nang si Archie ang pangbubully sa kanya ng kanyang mga kaklase.

Archie: "Tsaka ko nakita yung arcade at doon ako nagtago!! Hinihintay ko na umalis yung mga nangbubully sa akin, kaya yung baon kong pera ginamit ko muna sa paglalaro para palipasin yung oras! Pero yung mga nangbubully sa akin nakita pa rin ako sa loob ng arcade. Kaya pumasok sila!!"

"Doon inaway na naman nila ako!! Gusto ko sana sila iwasan pero napaligiran nila ako sa kinauupuan kong arcade machine.

"Binully na naman nila ako, sa pagkakataon na yun, binabatukan nila ako tsaka nila ako sinsabihan na ilabas ko lahat ng pera ko sa bulsa ko, sabay lait sa akin. Yung mga tao sa paligid nagsisitinginan sila sa amin. Pinapahiya nila ako sa mga tao sa paligid ko."

"Hanggang sa yung manong na nagbabantay sa arcade nakita kami at sinita nya yung mga nangbubully sa akin. Ininsulto pa sya nung nangbubully sa akin kaya pinagalitan nya yung mga yun tsaka nya tinawag yung guard ng mall para palabasin sila."

"Umiiyak ako noon dahil sa ginawa nila sa akin na pinahiya nila ako doon. Ayoko din lumabas, baka tambangan na naman nila ako."

"Naawa yung manong na nagbabantay sa arcade kaya inilibre nya sa akin yung oras ko sa arcade machine na kinauupuan ko."

"Nung sumunod na araw, ganun ulit, tinambangan ako sa pag uwi dahil gusto nila akong gantihan kaya dun ako napatakbo at nakita nya ako ulit nung manong."

"Sa kanya ko sinabi na binubully ako sa eskwela. Kaya nasabi nya na dun ako tumakbo kapag tatambangan ako ng bully pagkagaling ko sa school at hinahayaan ako ni manong na maglaro ng video games nang libre hanggang sa ligtas na akong makauwi."

Nainis sa sarili si Arman nang marinig niya ang buong dahilan kung bakit lumalagi si Archie sa mall na inaakala niyang masamang impluwensya sa pag uugali nito, ay siya palang nagligtas mula sa pangbubully sa eskwelahan.

Hiyang-hiya din sya sa kanyang sarili dahil ibang tao pa ang nagtanggol sa kanyang anak noong kailangan sya nito.

Naisip din nya na eto rin ang paraan ni Archie na tumanaw ng utang na loob sa pamamagitan ng pamamalagi nito sa arcade kahit na wala syang pasok sa eskwela, at nang makalimutan din ang pangbubully sa kanya.

Ngunit nainis din si Arman kung bakit hindi nagsabi sa kanya si Archie, kaya tinanong nya ito.

Arman: "Bakit hindi mo sinabi yung totoo sa akin na binubully ka sa eskwelahan?

Archie: "Sinubukan ko na sabihin sa inyo, Tay, na binubully ako pero busy kayo sa trabaho noon! Gabi na din kayo umuuwi!! Kung minsan hindi na rin kayo umuuwi ng bahay. Wala ako masabihan ng pambubully sa akin! Wala akong masabihan dito sa bahay na kahit na sino!! Kung nandito pa sana si nanay matagal ko na sanang sinabi ang totoong nangyayari sa akin sa eskwelahan!!"

Lalong nainis at nanglambot sa sarili si Arman sa mga narinig nya. Dahil na rin sa naisip nyang nagkulang sya sa  attensyon bilang magulang kay Archie na dapat sana'y gnagawa niya.
Ngunit dumagdag pa si Archie.....

Archie: "Kayo din naman di ba Tay?! Sasabihin nyo lahat ng totoong nangyayari sa inyo sa trabaho nyo kung nandito pa rin si nanay?!!"

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon