Chapter 2

122 5 0
                                    

"Kilala mo pala 'yung captain at setter ng Nekoma?"

Tanong ni Shimizu habang naglalakad kami pabalik sa table namin. Napahinga naman ako ng malalim sa pagsingit ni Shimizu duon. Grabe ang intense.

"Oo, mga...Mga nakasama ko noong junior." Sagot ko rito. Hindi naman na siya nagtanong ulit kaya umupo na ako sa upuan nang makarating kami sa table. Hindi na ako makaramdam ng gutom at kahit nakikipagkwentuhan ako sa mga players kinakabahan parin ako.

Naalala ko ang features nila kanina. Tumangkad na sila at mas naging maskulado. Mukhang nagwowork out palagi. Nandun parin ang mata singkit ni Tetsurou at ang bangs niyang malupit.

Captain na pala siya ng Nekoma. Siguro mula 1st year duon siya nagenroll. Buti nahatak niyana naman si Kenma sa volleyball. Mukhang ka buddy ni Hinata si Kenma. Bihira kay Kenma ang kumausap ng iba. Amusing kid naman kasi talaga si Hinata no wonder why he got Kenma's attention.

While Tetsurou... Tsk, nevermind. I should act normal.

Nagpahinga na muna kami matapos naming mag-almusal. Maya-maya ay liligpitin na namin 'to. Si Enoshita at Narita ang nakatokang tutulong sa akin maghugas ng mga pinagkainan namin. Habang ang mga 1st year ang magliligpit ng lamesa at magwawalis ng kalat.

Dinala na namin ang mga plato sa washing area, kamalas malasang kasabayan pa namin ang Nekoma sa area na ito mabuti na lang at hindi ang captain nila ang kasama nilang maghuhugas ng plato.

Sinimulan na namin ang paglilinis, inako na nila chikara at narita ang pagsasabon at paglulog ng mga plato kaya ako nalang ang nagtapon ng basura sa likod na bahagi ng Shinzen High. May waste area sila kung saan iniipon ang recyclable at mga non na basura.

Umakyat ako sa hagdanan para ishoot ang plastic sa drum ng non-recyclable, inihiwalay ko na ang mga plastic bottles kanina kaya pagkatapos don ay hinagis ko narin ang plastic ng mga bote sa drum ng mga recyclables. Nang matapos lumundag na ako pababa kaysa humakbang sa hagdan.Nagwisik muna ako ng alcohol habang lumalakad. Balak ko sanang magjog habang naglalakad sa pathway papuntang widespace nung biglang may humablot sa akin at ipinasok ako sa isang classroom. Sa bilis ng pangyayari hindi na ako nakapalag pa.

Halos hindi naman ako makahinga ng idilat ko ang mga mata ko at makita ang lapastangang nanghila sa akin.

'Pakiramdam ko masusuka ako dahil sa pagalog ng katawan ko kaninang lumundag ako, hays'

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Anong gusto mo?" Ano pabang gusto nito? Hays. Aatakihin talaga ako sa training camp na ito, Oo.

Napatingin naman ako ulit sa kaniya ng bigla itong tumawa ng sarkastiko. Aba.

"Karasuno huh? Nasa probinsya ka pala." Bakas ang pait nito habang sinasabi ang mga salitang 'yon. "It's really nice to see you... Our runaway friend"

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi nito.

Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya ng walang emosyon, wala naman akong dapat sabihin sa kaniya dahil wala naman siyang alam.

"Ano? Wala kang sasabihin. Damn, it's been 2 years tapos bigla kang magpapakita-"

"Hindi ako nagpakita sayo" putol ko sa kaniya at napahalakhak naman ito habang nakahawak sa ulo. Parang ano!

Totoo naman eh, malay ko bang nasa Nekoma na siya at fated pang maglaban ang Karasuno at ang Team nila. Tsk.

"Kung wala kang matinong sasabihin, alis na 'ko" Iyan, that's good. Act calm | Act calm.

Rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito at saka muling nagsalita. "Do you even know what happened after you left? Walang pasabi umalis ka noong tournament tapos kinabukasan malalaman ko nagdrop kana at hindi kana namin mahalagilap."

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon