<27> After He Told the Plan

52 6 0
                                    

Authors note: 

So etong chapter pong ito ay yung pagkatapos sabihin ni Kevin kay Jace ang plano niya. Napag-isip isip ko po kase na parang may kulang hehe, kaya ginawa ko po itong chapter na ito. At dito naden po kung paano nagpaalam si Kevin sa nanay ni Maira. Kung pano siya nakipagsabwatan kay na Scian at Jade para makapag-usap sila ni Maira. At yung pagtatampo mode ni Maira sa kanyang mga kaibigan after niyang malaman na nakipagsabwatan sila rito. So just continue reading <3.

***********************************************************************************************


Kevin's POV 

It's recess time already at kinakailangan kong pumunta sa canteen upang bumili ng recess syempre pero i have another agenda. 

To look at Jace, titinggnan ko kung gagawin niya nga ang plano na napagkasunduan namin kanina. Mahirap na baka hindi niya gawin, kailangan ko lang makasiguro. 

So here I am at the corner table of the school canteen, dapat hindi niya ako makita na naririto ako. Hindi ko narin sinama sina Ash at CJ, baka kasi makahalata ang ibang estudyante, kasi naman agaw pansin na nga ang katalinuhan ni Ash agaw pansin pa ang kagwapuhan ko, oh edi ba? baka kapag nagkasama kasi ay dumugin kami ng kababaehan. Si CJ naman, agaw pansin palagi ang kaingayan at kakulitan. Kaya napagpasyahan ko na hindi na lang sila isama, nandoon na sila sa tambayan namin at hinihintay nila ako. 

Habang ngumunguya ako ng piattos ay biglang pumasok sila Scian, damn she's so beautiful, wag kang mag-alala makukuha din kita pagkatapos ng paghihiganti ko. 

Nang makaupo na sila ay biglang tumayo si Jade papunta sa pila upang bumili ng pagkain, si Scian naman ay tumayo rin at pumunta sa comfort room, pero laking gulat ko ng tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti. Damn those smiles make me lost. Pagkatapos noon ay dumiretso na siya sa pupuntahan niya. 

Pero paano niya nalaman na naririto ako? Stalker ko ba siya? Damn iba na talaga ang tama ko sa kanya, kung ano-ano na ang naiimagine ko. 

Makalipas ang ilang segundo ay pumasok na si Jace, oh sayang hindi ako nakabili ng popcorn at masyadong mahaba ang pila upang bumili pa, the show is now going on. 

Kitang kita ko mula rito ang ginagawa nila, hindi ko nga lang napapakinggan ang pinag-uusapan nila. Hanggang sa ngumiti si Maira at ganoon din naman si Jace, mukhang nagawa na nga niya ang pinagkasunduan namin, maya maya ay umalis na din si Jace at halos magsunod na bumalik sa table nila ang dalwang kaibigan ni Maira. Okay I should get out now, the show here is done. 

****

Kakarating ko lang sa tambayan namin dito wearing my big smile. 

"Mukhang sumasang-ayon ang panahon sa plano mo ah" puna ni CJ ng makaupo ako na nakangiti parin. 

"So we better move on the second step" seryosong wika ni Ash. 

"Yeah, we better act fast, nasasayang ang oras" pagsang-ayon ko. 

"Kelan ba pwedeng kausapin yung dalawa?" sabat ni CJ at mukhang nag-iisip ng malalim. 

Kelan nga ba pwedeng kausapin sina Jade at Scian?

Habang nag-iisip kami ay biglang tumunog ang school bell, hudyat na tapos na ang lunch time at kailangan na naming bumalik sa klase. 

"Bahala na, basta hahanap na lang ako ng tyempo mamaya para makausap ko yung dalawa" wika ko. Wala ng makakapigil pa sa planong eto. 

Nagkibit balikat na lamang sila at sabay sabay na kaming pumunta sa classroom namin. 

****

Huling subject na ngayon at noong mapadako ang tinggin ko kay Maira ay parang napakalim ng iniisip niya, ansaya niyang tinggnan.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon