NICU'S POV
“Nicu…Gusto…rin…k....”
Bigla akong nagulat ng bigla syang mahimatay habang yakap2 ko sya. At dun ko lang na realize na nilalagnat na pala sya.
Kanina pa ba sya ganito? Bakit hindi nya man lang sinabi sa akin?
Dali-dali ko siyang inihiga sa kama ko tapos kumuha ako ng isang bowl ng tubig. Alam nya naman na basang-basa sya ni hindi man lang siya nagpalit. Ano kaya ang gagawin ko sa babaeng to? Kaya ko bang hubaran sya? At palitan yung damit nya? Arrgh! Kasi naman e! Bakit nya pa ba ako hinanap? Kaya ko naman ang sarili ko ah? Yan tuloy na basa sya at nagkalagnat ng dahil lang sa akin.
Haixt. Wala na akong choice kundi palitan yung damit nya. Hindi ko kayang makita siyang giniginaw ng dahil lang hindi ko napalitan yung damit nya. Ayokong lumala ang lagnat ng babaeng to. Haixt gagawin ko na.
Unbotton na pala yung blouse nya. Ngayon ko lang napansin. Ang laki kong gago! Balak ko pa sya sanang pagsamantalahan. Hindi ko naman sinasadya e. Nadala lang ako sa emosyon ko.
Nakita ko yung kunting paglabas ng cleavage ng bigla syang gumalaw. Hindi ko sinasadyang tignan yun. Siya naman kasi e. Bigla siyang gumalaw.
Aaaaahh! Kainis! Papalitan ko pa ba sya ng damit? Parang hindi ko kaya. Hindi naman siguro tama kunng ako yung magpapalit sa kanya ng damit. Siyempre? Bilang isang lalaki dapat nirerespeto yung babae. Hindi tamang makita ko yung mga bagay na pinakaiingatan nya. Wala akong karapatan dun.
Hindi ko talaga kayang palitan siya ng damit. Siguro? Kailangan ko ng humingi ng tulong. Pero pano? At kanino? Wala naman akong ibang kaclose na babae. Except kay mama at kay Claire. Pero malabong humingi ako ng tulong sa dalawang yun. Si mama nasa ibang bansa nagbabakasyon sila nina papa. Tapos si Claire. Hindi na kami tulad ng dati. May Jason na sya ngayon at ikakasal na sya. Wala naman akong balak na sirain yung kasal nila. Hindi naman ako ganun kasama. Kung masaya si Claire kay Jason. Siguro panahon na para hayaan ko nalang silang dalawa. Wala akong laban sa dalawang taong nagmamahalan. Kung dun si Claire masaya edi dun ako.
Teka? Teka? Bakit napunta kay Claire yung usapan? Kainis naman. Kalimutan ko na nga lang yung Claire na yun. Simula ngayon kakalimutan ko nang may nakilala akong Claire na kagaya nya. Kakalimutan ko na ang tungkol sa aming dalawa. Sa ngayon, ibibigay ko muna yung atensyon ko sa isang taong walang ginawa kundi kulitin at bwisitin ako. Oo, nasabi ko kanina na gusto ko siya. Hindi ako nagsisinungaling kanina. Totoo ang sinabi ko. Gusto ko siya. Simula ng maghiwalay kami ni Claire hindi na ako muling tumawa. Pero ng dumating siya. Muli akong nabuhayan ng pag asa. Siya ang dahilan kung bakit nakatawa akong muli. Ngayon bubuksan ko ang puso ko para sa kanya.
"Ang.,. Ang lamig..." Narinig kong giniginaw nyang sabi.
Haixt kainis. Hanggang ngayon hindi ko pa sya napapalitan ng damit. Haixt, kailangan kong magisip kung pano ko siya mapapalitan.
*THINK**THINK**THINK*
*TOINK!*
Alam ko na! Hindi kaya? Si Benji nalang yung papuntahin ko dito? Tapos utusan ko siyang palitan ng damit si Rishiel? Total? Bakla naman sya e. Alam kong wala syang planong pagnasaan si Rishiel. Dahil alam kong sukang-suka siya pagnakakita sya ng babaeng nakahubad.
Uhm? Tawagan ko muna kaya yung manager nina Benji? Wala kasi akong # ng baklang yun e. Mabuti na nga lang iniwan sa akin ni mama yung contact # ng trabahante nya.
Dinial ko na yung # ng isa sa mga trabahante ni mama. Tapos hiningi ko na dun yung # ni Benji. Binigay naman nung trabahante.
Nang makuha ko na yung # ni Benji ay dinial ko na ito kaagad. Tapos pinapunta ko na siya kaagad dito.After 30 mins dumating na sya.
“DING! DONG! DING! DONG!”
Binuksan ko na yung pinto at sinalubong sya sa labas.
“Sir? May kailangan po ba kayo?” Agad nyang tanong ng papasokin ko sya sa loob.
“May ipapagawa ako sayo. Halika sundan mo ako.”
Naglakad na ako patungo sa kwarto ko. Kung saan nadnun si Rishiel. Tumigil na ako sa harap ng kwarto ko.
“Sir? Kaninong kwarto po to?” Tanong nya ng tumigil na ako sa harap ng pintuan ng kwarto ko.
“Akin. Bakit?” Sagot ko sa kanya.
“Uhm. Sir? Ano pong gagawin natin dito?” Ano bang iniisip ng baklang to?
“Ano pa? Siyempre papasok tayo sa kwarto ko.” Bakit ang hilih nitong magtanong?
“Sir? Hindi pa po ako handa.
“Ha? Bakit? Sige na pumasok kana sa kwarto ko. Bilisan mo na.” Sabi ko sabay tulak sa kanya papasok sa kwarto ko.
Hindi naman po ako ganyang klasing bakla na papupuntahin nyu ditio at gagamitin.” Bigla akong napatigil sa katutlak sa kanya ng sabihin nya iyun.
Anong pinagsasabi nito? Ako? Gagamitin siya? EEEEWWW! Hindi ako pumapatol sa bakla. Kadiri sya.
“Pinagsasabi mo? Ako? Ano ka? Sinuswerte? Pumasok ka na nga? Dami pang arte e.” Tinulak ko siya nang malakas para pumasok na siya ng tuluyan sa kwarto ko.
“Sir? Sino po yung nakahiga sa kama ?” Takang tanong nya sa akin.
“Lapitan mo sya. Para makilala mo kung sino yung nasa kama.”
Sinunod nya yung sinabi ko. Nilapitan nya na si Rishiel.
“Sir? Diba? Sya po yung babaeng kasama nyung pumunta sa Salon?” Tanong nya sa akin ng makilala nya na si Rishiel yung nakahiga sa kama ko.
“Oo. May sakit sya ngayon at basang-basa siya. Pinatawag kita dito dahil gusto kong palitan mo sya ng damit. Yun lang yun. At ito pala yung ipapalit mong damit sa kanya. At pagkatapos mo siyang palitan ay pwede ka nang umalis.” Iniabot ko na sa kanya yung damit ni Rishiel tapos lumabas na ako ng kwarto
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
RomanceSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...