Chapter 1

1 0 0
                                    

Time flies
Memories fades
But heart never forget
                      - unknown

Nakatanaw ako ngayon sa labas ng bintana ng sinasakyan naming van, alas nuebe na ng gabi pero bumabyahe parin  kami. Pauwi kami ngayon sa probinsya para magbakasyon at para rin bisitahin ang lola ko. Ilan buwan na rin ang nakalipas simula ng matapos ang pandemya, naging mabisa ang bakunang nagawa ng mga doktor at nabakunahan lahat ng tao sa mundo. Marami na ring gumaling at pinayagan na ulit bumyahe ng hindi mo na kailngang mag quarantine. Sa isang  taon na maraming umiral na batas para hindi kumalat ang sakit sa wakas ay nagbago na ang lahat.

3 buwan na rin ang nakalipas simula nung makalimutan ko sya, pero hindi parin maiwasang sumagi sya sa isip ko. Nandon parin ang maraming tanong, tanong na ni minsan hindi nagawang sagutin. Pinilit kong wag siyang isipin pero bumabalik at bumabalik parin lahat, kung sino siya sa buhay ko. Nagbago na nga ang mundo naging normal na ang lahat pero bakit hanggang ngayon nandito parin ako sa stage na curious parin ako kung sino siya.

"Sana hindi nalang kita nakilala para hindi ako naguguluhan ng ganito", bulong ko sa sarili.

Nirentahan namin ang van ni tito para makauwi kami sa probinsya at para rin hindi hassle mag commute kase ang daming dala para kay lola, ang hirap kaya magbitbit ako pa naman lagi nagdadala nung mga bagahe namin. Umalis kami ng alas 3 ng hapon sa bahay at ngayon on the way na kami papuntang Bicol. Kadalasan 12 hours ang byahe pag sa bus, pero mas mabilis ata kaming makakarating dahil naka van kami, kase minsan lang huminto si tito kapag iihi lang o kaya bibili ng pagkain pagtapos nun babyahe na ulit kami. Baka mga 2 or 3 am ng umaga nasa probinsya na kami.

Almost 8 years narin akong hindi nakakauwi simula nung tumira ako kila mama, sa probinsya kase talaga ako nakatira noon iniwan ako ni mama at papa  sa lolo't lola ko kaya maraming bagay at tao akong naiwan sa probinsya namin. Yung huling uwi ko rito nung namatay si lolo, 6 years ng patay si lolo simula nung kinuha ako ni mama at tumira kasama sila dun nagsimulang mas lumala ang sakit nya. Sabi ng doctor tuberculosis daw kase mahilig manigarilyo at uminom ng alak si Lolo. Simula ng ilibing siya hindi na ako muling bumalik sa lugar na iyon.

Alas dyes na pero gising parin ako tulog na si mama at papa pati yung dalawa kong kapatid. Pero ako ito mulat na mulat parin, nakatanggap rin ako ng voice message galing kay Jez sinermonan ako ng gaga kase balit hindi daw ako nagsabi sa kanila na uuwi pala kami edi sana daw nakapagbonding muna kami bago ako umalis. May mga saltik din yung mga kaybigan ko e, isang buwan lang naman ako mawawala hindi naman ako mag aabroad akala mo hindi na nila ako makikita kung makareact naman apaka oa.

"Majika",tawag  ni tito habang nakatingin sakin sa rear mirror.

"Bakit to?", tanong ko naman.

"Hindi ka ba matutulog, mamaya pa tayo makakarating dun matulog ka na muna", sabi ni tito na ngayo'y nakatingin na sa daan.

"Maya maya na to di pa kase ako inaantok e", saka tumingin ako ulit sa labas ng bintana.

"Alam mo Maj wag mo isipin yan, mahal ka niyan", pangaasar naman ni tito. Wala naman akong iniisip ah. Si tito talaga kahit kelan.

"Wala naman akong iniisip to, at kung meron man siguradong hindi nya ako mahal", sagot ko saka nagsuot ng earphone.

Pagtapos akong asarin ni tito narinig ko pa siyang nagsabi na"Kabataan talaga ngayon, sobra kung magmahal kaya sobra din masaktan"with matching tsk tsk pa ang iling iling ang ulo kalbo naman. Tumingin nalang ulit ako sa labas ng bintana ang liwanag ng gabi ngayon bilog na bilog ang buwan, buti pa yung buwan hindi nagiiwan kahit anong mangyari kahit na minsan hindi siya perpekto lagi parin siyang nandiyan para maging liwanag sa gabi mo. Bakit yung tao minahal mo naman siya ng sobra sobra pero nagagawa parin nilang iwan ka.

"I want to be your moon, even your not my star. I want to light your night, even you don't want me by your side"
                                                                        - unknown

Thats the last words I see before my eyes get blurred and began to dark until I fall asleep.

---

"Ate gising ka na daw, ate. Oy ate gising naa. ATEEEEEE", sa tenga ko pa talaga sumigaw si Red.

"Ano ba yan hindi mo kaylangan sumigaw, sa tenga ko pa talaga", inis ko namang sagot sa kanya. Gising na silang lahat pero medyo madilim parin sa labas, tinignan ko kung anong oras  na sa cellphone ko 3:00 am palang ang aga aga pa ginising agad ako wala pa naman kami kila lola eh. Tumingin ulit ako sa labas ng bintana madilim pa pero maliwanag ang buwan kaya makikita mo parin ang paligid. Puro palayan ang nakikita ko ibig sabihin nandito na kami, malapit na kami makarating.

Nakikita ko na rin ang mga bahay na nagsisimula ng magbukas ng ilaw, ganitong ganito kami dati maaga pa lang gising na si lolo ganitong oras din naliligo na si lola kase ayaw nya naliligo pag tanghali na kaya ang aga nya maligo kahit malamig. Paggising namin nun ng pinsan ko kakain na lang kami o kaya naman kapag walamg almusal kape nalang saka papasok na sa school tapos pag tanghali uuwi kami para kumain ng tanghalian, pagkatapos kumain babalik ulit kami sa school. Bumalik na nga ako sa lugar na minsa'y nagpaligaya sakin, saksi ang lugar na to kung paano ako tumawa kapag naglalaro kami, umiiyak kapag iniiwan ako ni lola sa school. Iyon yung araw na di ko makakalimutan, nakakatawa man balikan pero napapangiti ako tuwing naalala ko ang mga bagay na yun.

Nadaanan ng mata ko ang school ko nung elementary, ganon parin ang itsura nya pero mas dumami ang mga room at mas gumanda ito kaysa dati na puro damo ang gilid ng school.Napangiti akong muli ng masilayan ko ang eskwelahan na naging dahilan para mabuo ang pangarap ko.

"Ma si ate nababaliw", napatingin naman ako kay Red. "Ngumingiti si ate magisa", pahabol naman nya. Grabe ngumiti lang baliw agad di pa pwedeng happy lang.

"Tangek, nalala ko kase yung mga kalokohan ko dati dun sa school na nadaanan natin. Dun ako nagaral ng elementary, naglalaro pa kami nun ng chinese garter sa may mermuda", kwento ko naman sa kanya saka tumingin ulit sa labas ng bintana.

Malapit na kami sa bahay ni lola, mag aalas kwatro na rin marami ng tao ang nasa labas yung iba nagiigib, naglalaba at nagwawalis. May mga bukas na ring tindahan na dati'y binibilhan ko ng plastic balloon, goma at teks. Lumiko na si tito papasok sa sitio namin nandon pa rin ang sign na purok 3, nandito parin yung court na pinaparadahan ng sasakyan ng anak ni aling Malou. Nadaan rin namin yung dating bahay namin dito sa bungad pero nabili na yun ng uncle ko kaya lumipat kami non nila lolo sa lupang pinapaalagaan sa kanya, nagtayo kami dun ng maliit na bahay pero sementado na. Marami ng nagbago sa lugatlr na to yung gripo dati kung saan ako naliligo at naglalaro ng tubig ngayon may bubong na, yung mga bahay ng mga kapit bahay namin na dati anahaw lang ang bubong at plywood lang ang ding ding ngayon semntado na at yero na ang bubong. Marami na ring tindahan dati kila Ding lang at Cans na mga kababata ko ang tindahan na nakatayo dito ngayon may bakery na  pag mamayari ng uncle ko.

Natanaw ko rin ang daanan papunta sa bahay namin medyo gubat yun kaysa sa isang daan pero mas mabilis kang makakarating sa kabila kaysa sa isang daan na iikot ka pa bago makarating. Nakita ko na rin ang tindahan ng ninang ko na lagi kong inuutangan kapag wala kaming pera, buti nalang hindi ako sinisingil. Malapit na kami sobrang lapit na makikita ko na ulit si lola, biglang huminto ang van at sa wakas nandito na kami nakita ko si lola na nagwawalis sa labas ng bahay sa may puno ng niyog.

Lumabas na si papa ng van pati narin si tito lumabas na, kinuha na rin nila ung mga dala namin. Si mama naman bamaba narin kasama si May at Red, kinuha ko narin ang bag ko at bumababa narin sa van. Naginat inat muna ako nangalay masyado yung pwet ko kakaupo, huminga ako ng malalim parang bumalik lahat ng memories ko dito noon, naalala ko rin si lolo. Kung pwede lang ibalik ang oras, sana hindi na ako umalis para hanggang ngayon magkakasama parin tayo Lo.

------------------------------------------------------------iloveyoutoo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon