Chapter 10: Friends

29 21 2
                                    

( Friends )

Tatlong araw na ang lumipas simula ng mapanaginipan ko ang tungkol Kay Itay. Hanggang ngayon ay naniniwala ako na Hindi ko magagawa ang mga bagay na aking nakita sa panaginip na iyon.

Nandito ako ngayon sa library ng aming paaralan. Vacant namin at kailangan naming magpunta Dito para mag aral. Kasama ko si Gelo ngayon dito. Kanina kopa napapansin ang pagiging tahimik ni Gelo. Hindi ko Alam Kung anong problema at minabuti Kong Hindi muna siya tanungin dahil Alam Kong kailangan naming mag concentrate dahil malapit na ang exam namin.

"Shane matulog ka ng maaga mamaya dahil wala tayong gagawin sa trabaho dahil kinausap ko ang amo natin na malapit na ang ating exam at kailangan natin ng sapat na hininga" sabi ni Gelo. Seryoso ang mukha niya habang sinasabi niya iyon.

"Oh, sige sige salamat" Sabi ko. Hindi na ako muling umimik dahil Alam Kong baka pagod siya or stress ayaw ko nang dagdagan pa.

Habang nagbabasa ng Libro Hindi ko maiwasang lumingon lingon Sa likuran at nagbabaka sakali na baka Makita ko Muli ang nasa panaginip ko, Si Vivian.

Isang kalabog ang narinig ko Sa likuran Kaya agad akong napalingon dito.

Mag jowa lang pala na naghaharutan. Dito pa talaga Sa library walang mga konsiderasyon. Hindi ba Nila Alam na ang sakit sakit Nila sa mata.

Paglingon ko sa Harapan ay laking gulat ko nang makita ko ang babaeng nakita ko Sa may tapat ng Bahay namin dati. Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Naka hoodie nanaman ito at ganun pa rin para siyang bisexual kung manamit.

Tinitigan ko siya at naghihintay ng kaniyang paliwanag Kung bakit siya nandito sa table ko.

Bigla siyang tumawa, hindi ko maintindihan kung anong nakakatawa ngayon dito. Liningon ko si Gelo, nakatingin siya sa babaeng nasa Harapan namin.

"Uy Shane, wag mong sabihin na Hindi mo na ako matandaan ha" sabi nito. Eh Hindi ko naman talaga siya matandaan talaga.

Paglingon ko Kay Gelo ay nakatingin Ito Sa akin na para bang nagtatanong Kung sino Ito at Kung ano ko Ito at Kung anong ginagawa nito dito.

"Ahm sorry miss............" inaalala ko talaga Kung anong pangalan niya Pero diko talaga maalala. Hindi ko pa na dudugtungan ang sasabihin ko ng biglang may magsalita sa Harapan namin.

"Uy Rihanna! Andito ka pala kanina pa Kita hinahanap" Sabi ng kaklase namin. Kilala ko ito. "Uy Shane magka kilala kayo ni Rihanna? wow HAHAHAHAHA" Sabi ng babae. Ah oo siya Si Sabrina ang babaeng nakikipag kaibigan Sa akin. Magka kilala pala sila.

Hindi ko Alam ang sasabihin Kaya minabuti Kong Hindi na lamang magsalita. Hindi ko rin naman gusto ang kanilang mga sinasabi dahil wala naman akong pakialam Doon.

Tiningnan ko Si Gelo. Nagtatanong pa rin ang mga mata niya na para bang di Niya maintindihan kung talaga bang kilala ko ang dalawa na nasa Harapan namin.

"Shane sino kasama mo?" tanong ni Sabrina. Sinagot Ko na lamang ang tanong niya.

"Siya Si Gelo. Kaibigan ko. Gelo, siya Si Sabrina kaklase ko at Yung Isa naman Si Rihanna kapitbahay natin" sagot ko.

"Oo kilala ko si Rihanna. Anak siya ng amo natin" sagot ni Gelo. Nagulat ako Sa sinabi niya. Pano naging Anak eh Hindi ko siya nakikita na nasa bahay. Doon kami ni Gelo nag tra trabaho at tumitira Sa amo namin.

Tumingin ako Kay Gelo na para bang nagtataka. Naghihintay ako Sa kaniyang susunod na sasabihin. Hindi na siya nagsalita at bagkus ay itinuon ang pansin sa pag re review. Siguro ay ayaw niyang manghimasok Sa Kung bakit Hindi Doon nakatira Si Rihanna.

"Ahh Shane, I'm leaving alone. Biro kolang noon yung bigay ng magulang ko na pagkain. That's actually mine. Birthday ko noon at marami pang Handa Kaya naisipan Kong bigyan kayo at Alam ko namang baguhan kayo gusto ko na ring makipag close Kung pwede" aniya ni Rihanna.

Gusto kopa sanang itanong Kung bakit mag isa lamang siyang tumitira Pero parang private na Kaya minabuti Kong manahimik nalang muna.

"Ah ganon ba. Nagtra trabaho pala ako sa mga magulang mo" Sabi ko Sa seryosong mukha. Hindi siya umimik at Sa tingin ko ay Alam na naman niya.

Biglang tumahimik ang paligid. Hindi ko Alam Kung bakit napaka tahimik ni Gelo ngayon samantalang noon ay ang ingay at kulit niya.

"Oh my God!" biglang sigaw ni Sabrina. Hindi ko Alam Kung bakit siya sumigaw. Agad Kong nilingon ang parte Kung saan siya nakatingin. Wala naman akong nakikita. Hindi ko Alam Kung prank ba ito Pero parang gulat na gulat siya.

Tiningnan ko Si Gelo nakatingin siya Kay Sabrina at para bang sinusuri niya ito.

Agad namang tinakpan ni Rihanna ang Mata ni Sabrina gamit ang mga palad niya.

"Keep your voice down students!" sigaw ng librarian namin.

Agad akong tumayo para tingnan Kung okay Lang ba Si Sabrina Pero hinawakan ni Gelo ang braso ko at hinigit papalapit sa kaniya.

"Aalis na kami" Sabi ni Rihanna. Seryoso ang mukha niya. Nakatingin pa rin siya Sa likuran ng book shelves Kong saan nakatingin kanina Si Sabrina.

Umalis na silang dalawa at naiwan akong tulala. Hindi ko Alam Kung anong nangyari. May nakita ba siya na labis na ikinatakot niya?

"Weird" tanging Sabi ni Gelo at binitawan niya ang braso ko.

"Wag kang sasama Sa kanila kapag di ako kasama Shane, may napapansin akong kakaiba Sa kanila" Sabi ni Gelo.

Hindi ko Alam Pero parang tumayo ang mga balahibo ko Sa sinabi ni Gelo.

Hindi ako umimik at bagkus ay itinuon ko ang aking pansin sa pag re review.

"Nakakita nanaman yata ng ghost Si Sabrina Kaya sumigaw. Totoo bang nakaka Kita siya ng mga multo or something paranormal?" rinig Kong tanong ng isang babae. Mga kaklase namin ang nag uusap. Hindi ko sila kilala at wala akong balak kilalanin sila.
"Oh come on, matanda na Tayo para maniwala Sa mga ganiyan besides Alam niyo namang magaling umarte yang babae na iyan" Sabi ng isa pang babae. Mukhang mataray Ito.

"What are you looking at bitch? Alam mo para kang tanga, look at yourself you look like an antique person" Sabi ng babaeng mataray Sa akin. Walang hiyang to. Tumawa ang mga kasama niya.

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya at agad na itinuon ang pansin sa pagbabasa.

Totoo bang nakaka Kita ng mga kaluluwa Si Sabrina. Ibig sabihin may nakita siyang kakaiba sa likuran ng mga bookshelves. Sigurado akong Alam ni Rihanna ang tungkol dito.

Agad akong bumuntong hininga at ipinokus nalang ang sarili sa pagbabasa ng libro.

Habang nagbabasa ay parang may lumitaw na salita Sa Libro.

"M364N" Yung ang nakasulat Sa Libro. Agad Kong ipinikit ang mga mata ko. Pagdilat ko ay wala na ang sulat. Pero natatandaan kopa Kung ano ang nakasulat Doon.

"M364N" ano ito?

+edina🖤

Cursed RoshanneWhere stories live. Discover now