"Nice game!!!!" Bati ko sa kanila nang maipanalo nila ang dalawang game ngayong araw. Grabe 2 meter tall vs Hinata no?. Nakakatakot na siya next year niyan! Inabutan ko sila ng sports drink isa-isa bago sila manood ng game ng iba. Pasok na sila para sa quarterfinals na gaganapin sa Sendai Gymnasium next week.
Nag-ikot ikot muna ako sa buong gym habang nanonood sila ng match ng huling team na naglalaro pa. Ako naman naghahanap ng nagtitinda ng keychains pero sa first floor pa iyon kaya bumaba na muna ako para tumingin tingin. Nakakita naman ako ng isang stall kaagad, may isang key chain ang umagaw sa attention ko. Natyempuhan kopang iisa nalang ang stock, phew. Lucky!
"Isa nga po nung keychain na'yun!!"
"Isa nga po nung keychain" Napalingon ako sa katabi ko nang sabay naming ituro ang keychain na bibilhin ko."Pretty boy?" Bulalas ko! "Ako nauna, isang stock nalang raw pili ka nalang ng iba" Bastos na'to, makikipag agawan pa!
"Hindi ako si pretty boy! At teka nga, nauna ako. Ate please sa akin nyo ibigay"
Ha! Ang duga. Tinignan ko lang siya ng walang gana saka hinayaang siya na ang makakuha, wala ako sa mood makipagbalagtasan sa'yo pretty boy. Pumili nalang ako ng ibang design, sayang 'yun ang ganda pa naman.
Iilang mga babae ang lumalapit sa kaniya para makapagpapicture, hindi naman nito malaman ang gagawin dahil mas dumami ang mag lumapit sa kaniya. Famous naman pala.
'Buti nga'
Nagtingin tingin na lang ako sa mga design ng keychains na naroroon. Magaganda naman ang iba kaya pumili ako ng dalawa na may design na volleyball, tig-isa kami ni Shimizu.
Nagulat naman ako ng bigla akong hilahin ni Oikawa palapit sa kaniya at saka ako akbayan. "Girls, kalma. Magagalit ang girlfriend ko" Nanginginig niyang sabi, parang siya pa ang kinabahan sa ginawa niyang paghila sa akin. Pinisil niya ang pisngi ko kaya naramdaman ko ang nginig sa kamay nito. Sinabayan ko nalang ang arte nito, humingi naman ng paumanhin ang mga babaeng nagpupumilit kanina na makahingi ng picture sa kaniya. Bumitaw na ito sa'kin pagkatapos makalayo nung fansclub niya.
"Gustong gusto mo naman na tinawag kitang girlfriend ko" Natawa ako ng sarcastico sa sinabi nito. Kapal kapal ng apog tae.
"Oo e' sino ba namang hindi magiging masaya" Walang gana kong sabi sa kaniya atsaka siya tinapik sa balikat at iniwang nakatulala duon. Sabi sayong wala akong gana makipagbalagtasan sa'yo babanat kapa ng ganon.
Umakayat na ako ulit sa 2nd floor para puntahan ang team. Dama ko ang tingin ng ilang mga babae sa akin. Ang bilis naman ng chikahan dito naipaalam agad. iba talaga ang balita, may wings.
Rinig ko pa ang chikahan ng ibang babae sa hallway. "Girl, inamin ni Oikawa na siya ang girlfriend niya"
"Oo, 'yan daw!"
"Maganda naman siya e"
"Ang tangkad! Mukhang volleyball player din! Goals omg"
"Iba talaga mga tipuhan ni Oikawa love ~"Sumasakit ang ulo ko sa ginawang kalokohan ni Oikawa. Nakita ko naman ang team kaya lumapit ako sakanila saka inabutan ng keychain si Shimizu. Nagtaka naman ako sa mukha nilang lahat dahil para silang gulat na gulat.
"Girlfriend ka ni Oikawa?!" Pa chorus nilang sabi.
Napahilot naman ako sa sentido ko dahil pati sila naabutan ng balita. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang nangyari sa tindahan ng keychain kanina.
"Kaya ayun, ako ang nadampot niyang pampaalis ng fangirls" Walang gana kong sabi, sino ba naman ang gaganahan duon.
"Ack, akala ko may reyna na si great king" sambit ni Hinata. Nalihis naman na ang kwentuhan nila kaya nakahinga na ako ng malalim. Medyo antok na antok na ako, mabuti nalang at nagsiyayaan na magsiuwian. May ilang araw pa para makapag ready sila sa quarterfinals kaya ang ilang araw na'yun traning days dahil ang una nilang makakalaban sa quarter finals ay ang nakasama sa semi's noong interhigh. Ang Jozenji.
BINABASA MO ANG
One Special Meeting
Teen Fiction'Am I in his dream?' It's such a heavy question for Hatake Mikazuki, a second-year student in Karasuno High school. After falling in love with Oikawa Tooru - Captain ball of the volleyball team Aoba Josai, Mikazuki started to think if she is part of...