CHAPTER 10: DALAWANG-ISIP

56 6 8
                                    

Matapos maihayag ng mag-ama ang kaniya-kaniya nilang dahilan at mga saloobin, anu na kaya ang kanilang pasya sa plano nilang magbakasyon? Sa ngayon, hindi pa rin lubusan maisip ni Archie kung anu ang kanyang pasya sa pagbabakasyon nito kasama ang kanyang tatay. Ngunit, ang tatay ni Archie ay nagbago ng pasya.

Arman: "Alam mo, anak? Naisip ko, magbabakasyon na lang ako ng mag-isa sa sinasabi kong isla. Total, gusto mo dito sa siyudad at mukhang masaya ka naman dito."

Hindi lubos maisip ni Archie kung anu ang kanyang nararamadaman kung siya ba ay matutuwa o malulungkot sa desisyon ng kanyang tatay. Kung kaya't tumahimik na lamang sya sa kanyang narinig.

Arman: "Kaya mag-iiwan na lang ako ng perang panggastos mo para sa mga pangangailang mo dito."

Archie: "Opo. Tay."

Sumagot na lamang si Archie na naayon na lamang sa gusto nyang mangyari na manatili sa siyudad.

Ngunit nalulungkot din sya sa kinahinatnan ng kanyang tatay sa kanyang trabaho at naguguluhan din sya kung dapat ba syang sumama upang matuwa naman ang kanyang tatay sa gusto nitong mangyari.

Kaya upang makapag-isip ng mabuti ay naisip na lang nyang umalis ng bahay muna at pumunta sa mall.

Archie: "Tay, labas na muna po ako."

Arman: "Sige, anak. Mag-ingat ka sa daan mo pagpunta mo ng mall. At aayusin ko na rin muna etong pinto na sinira ko."

Sa unang pagkakataon, ngayun lang narinig na pumayag ang kanyang tatay na lumabas at pumunta sa mall.

Madalas kasi kapag lumalabas si Archie ay lagi siyang tinatanong ng kanyang tatay kung saan siya pupunta kapag wala itong pasok sa trabaho at alam ni Archie na ayaw ng kanyang tatay na pumupunta ito sa mall para maglaro ng video games.

Kung kaya't nagsisinungaling sya na pupunta sya sa kanyang kaklase para mag-aral na sya namang palusot nya sa kanyang tatay.

Dahil na rin sa alam na nila ang pinagdadaanan sa isa't isa, marahil ay tinanggap na din ng kanyang tatay ang gusto nyang bakasyon kung kaya't pumayag ito.

Archie: "Uwi din ako ng 6 o'clock po Tay."

Arman: "Sige."

Habang naglalakad si Archie papunta sa mall, nagdadalawang-isip sya kung anu talaga ang dapat nyang gawin dahil na rin sa nakikita nyang nalulungkot ang kanyang tatay. Ngunit, napapaisip din sya kung anu naman kaya ang gagawin nya oras na sumama sya sa isla.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin sya sa mall at pumasok papunta sa arcade area ng mall. Doon ay nakita nya ang manong na nagbabantay ng arcade at kinamusta siya nito.

Manong: "Oh, Archie kumusta na? Balita ko, wala nang balita sa'yo, ah? sabi ng mga sira ulo mong mga kaibigan."

Archie: "Manong naman!! Hindi ko po sila kaibigan! Alam nyo naman pong sila ang mga nang aaway sa akin."

Manong: "Kaya nga wala na silang balita sa'yo, di ba? O, siya. Maglalaro ka ba ngayun? May bagong nilagay ang mall laro dun sa dulo. Baka interisado kang laruin yun."

Pagkatapos tanungin ng Manong si Archie ay napansin niya itong parang tahimik at walang ganang maglaro ng video games. Kung kaya't tinanong nya ito.

Manong: "Archie, hindi naman sa nakikialam ako, pero, napansin ko na matamlay ka ata. May problema ka ba?"


Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon