Message

227 22 7
                                    

I started this story right after I watched Miss Granny in 2018. Naging inspiration ko ang Isa Pang Araw na themesong ng pelikula. Isang beses, napakinggan kong muli ang Hiling na kanta ni Mark Carpio. Sabi ko, tugma ang mga mensahe nila. Konektado. At dito ko nabuo ang kwento ni Andres.

Naisip ko, paano ako gagawa ng isang kwento tungkol sa paghiling ng isa pang araw kasama ang mahal niya at pagtatanong sa tadhana. Hanggang sa napanood ko ang Got To Believe na pinagbidahan nina Claudine Barretto at Rico Yan. Doon, may curse ang mga babae sa pamilya nila na nagiging single na habambuhay sa pagtapak ng 25 o 35 yata. Pero ginawan ko ng twist.

At ito na nga yon.

Dalawang taon ang na ang dumaan at dumating na din sa dulo. Nakakalungkot dahil tapos na pero at the same time, masaya dahil nakatapos ulit ako ng nobela. May sampung libong mahigit na katao ang nakapagbasa na at tiyak ko naman ay nakarelate sa kwento nina Andres at Jay.

Nagpapasalamat ako sa inyong lahat na tumutok. Ang dami niyo din na nag-aabang pero sa palagay ko mag marami akong silent readers. Salamat ng marami sa inyo dahil na-appreciate niyo itong isinulat ko. Sana makapag-usap usap tayo na bukod na lamang dito sa comment section. Makilala ko sana kayo pa ng lubusan at makapagkwentuhan at malay nyo, buhay niyo naman ang gawin kong inspirasyon.

Sana ay patuloy nyo pa rin suportahan ang mga gawa at mga gagawin ko pa kahit pa natapos na ang kwento ng mga mahal nating sina Jay at Andres.

Muli, salamat sa pagbabasa niyo sa One Great Love. ♥


Much love,

Goddesssxlove


One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon