XXI - I won't give up.

512 5 2
                                    

Merry Christmas! Hohohoho! :) Hahahaha. kamusta pasko niyo?? Ako kasi, masaya! :D One of the best Christmas eveeeer! 

Uyy. Alam niyo ba may narealize ako?? :P

Mas masaya pala maging masaya para sa iba :)

Dedicated to missy24_kate! :) Thank you!

XXI - I won't give up.

Title: Unopened Letter

Author: ****

Date Published: January 2003

Published by: ***** Company

"Binasa mo ba?" sabi ng babaeng kausap niya matapos niyang ibalik dito ang libro.

"Hindi. Bakit naman ako magbabasa ng ganyang klaseng libro?" prangkang sagot naman niya.

"Dahil sinabi ko." 

Ang kapal din pala ng mukha nito, wika niya sa isip. Ni hindi naman sila magkakilala talaga. It's just that nung isang araw ay nagkita sila nito sa isang birthday party ng nagkataong parehong kaibigan nila. Dala-dala nito ang librong iyon, nakita siya nito, bigla na lang pinabasa sa kanya ang libro. 

"Sorry, oo isa akong nerd. Mahilig ako magbasa ng mga libro. Pero, namimili rin ako ng mga gustong basahin at nagkataong ayaw kong basahin iyan."

Kumuha ng yosi ang babae at sinindihan ito. "Gusto mo?" pag-aalok nito sa kanya.

"Hindi ako naninigarilyo." - sagot niya.

"Ang duwag mo, ever." Biglang nag-init ang ulo niya. Ano'ng karapatan ng babaeng ito na pagsabihan siya ng ganun? Mali talaga ang desisyon niyang makipagkita pa muli dito. Sana, hindi na lang niya naisipang ibalik dito ang libro.

"Ano? Alam ko, sinasabi mo sa isip mo na ang kapal ng mukha ko para pagsabihan ka ng ganito at sana hindi mo na naisipang ibalik sa akin ang libro." sabi nito, sabay hithit ng yosi.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya.

"Simple lang. Gusto ko basahin mo iyan at makikita mo ang matagal mo nang hinahanap na kasagutan." 

"Kasagutan? Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"Alam kong may mahal ka pero malayo siya sayo."

Tama siya. Pero paano niya nalaman? Teka, No way. Hindi siya maniniwala rito. May kausap lang yata siyang baliw.

"Ang masaklap, wala kang magawa para puntahan siya dun. Wala kang magawa dahil wala ka ng ginawa kundi ang sumunod sa mga magulang mo. Puro pag-aaral ang inaatupag mo. Never kang naging masaya dito."

Bawat salita, tama. Ganun nga siya. 

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang mga bagay na iyan. Pero... ano bang dapat kong gawin?"

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon