"Uuwi na raw sila Sol sa Monday. Aalis ka next week 'di ba?"
Tumango ako. Sabay kaming nag-breakfast ni Jing ngayon dahil hindi siya busy. Wala naman akong pasok every weekends. Ilang araw na rin ang nakalipas. Umalis si Soleil ngayon dahil sinusulit na nila ni Charles ang stay dito. Uuwi na nga kasi sila sa Monday.
"Iiwan niyo ako, ah." Napansin kong lumungkot ang awra ng mukha ni Jing.
"Nandito pa naman si Nads," pampalubag-loob kong sabi.
Tumango na lang siya. Hindi pa sila close ni Nads dahil nai-intimidate siya kay Jing. Pero once na gumaan ang loob niya, magiging close din sila agad. Sa daldal ba naman ni Nadine. Isa pa, dalawa na lang sila dito sa bahay kaya kailangan nilang makisama sa isa't isa.
Sa Friday pa ang flight ko kaya may ilang araw pa akong mags-stay dito.
Umakyat muna ako sa kuwarto dahil wala akong magawa sa baba. Binuksan ko lang ang laptop ko at kung ano-ano ang ginawa.
Hindi na ako nagulat nang biglang pumasok si Jing na dala ang laptop niya. Kausap niya sila Mama. Umupo siya sa tabi ko at iniharap sa 'kin ang camera. Ngumiti lang ako at kumaway.
[Jessa! Tignan mo 'tong anak mo, isnabera.] Rinig kong sabi ni Papa mula sa kabilang linya. Anong isnabera? Kumaway ako, ah!
[Luh. Hoy, Caless, wala bang 'I miss you' diyan? Grabe, oh. Parang 'di ka namin pinalaki, ah. Parang dati lang blah blah blah flashback kemerut.]
Napairap ako. "I miss you," sabi ko kaya tumigil na si Mama sa kaka-flashback niya ng ka-korni-han ko no'ng bata pa ako.
[Kamusta kayo d'yan?] Naging seryoso na si Papa.
"Ayos lang," sagot ni Jing. "May dalawa nang nakatira dito sa bahay. Kaso aalis na 'yong isa sa Monday."
"Uuwi na ako sa Pilipinas! Malapit na! Gala tayo?" Bigla akong ginanahan.
"Weh, nang-iinggit." Umirap si Jing. Hindi nga pala kasi siya uuwi sa Pilipinas.
[Sa susunod ka na Jing! Mag-outing tayo 'pag umuwi ka na.] sabi ni Mama na nakangiti. [Kailan pala ang flight mo, Caless? Para sana masundo ka namin.]
Umiling ako. "Surprise." Tinaas-baba ko pa ang kilay ko.
Hindi ko kasi masabi na ayo'kong sinusundo nila ako sa airport dahil nahihirapan sila kay Papa. Baldado na kasi siya kaya naka-wheel chair na siya lagi. Noong una hindi sila makapag-commute kaya binilhan ko na lang sila ng sariling kotse. Pero syempre, mahihirapan pa rin sila. Kaya mas mabuting 'wag na lang.
[Sus, surprise surprise. Bakit? Special ka ba?] Pang-aasar ni Mama.
"E 'di hindi na lang ako uuwi," kunwaring malungkot na sabi ko.
['Di bagay. Masyadong maarte.]
Umirap na lang ako saka natawa. Nag-usap din sila tungkol sa ibang bagay. Mayroong hindi ako nasali sa usapan nila kaya nag-laptop na lang ako. Umalis din agad si Jing sa kuwarto ko no'ng pinatay ni Mama ang tawag.
Mabilis na ring lumipas ang mga oras pagkatapos no'n. Nakatulog ako kaya hindi na ako nakakain ng tanghalian. Hapon na ako kumain dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nanood muna ako ng movies hanggang sa nakatulog ulit ako. Umaga na nang magising ako.
"Aalis ka na?" mahinang sabi ni Nads.
Kumunot ang noo ko at tinignan ang oras. Ala-una na?! Ang haba naman ata ng tulog ko.
Mabilis akong bumangon at nag-ayos ng pagmumukha bago lumabas. Nandoon pa si Sol sa living room at mukhang hinihintay si Charles na sunduin siya.
Tumayo siya agad dahil may nag-doorbell. Si Charles na 'yon. Sinundan ko siya hanggang sa labas dahil gusto kong magpaalam sa kaniya. Gusto kong sabihin na mag-ingat siya. Gano'n. Kaso ayaw sabihin ng bibig ko.
"Tara?" patanong na sabi ni Charles kay Sol.
"Ingat kayo. Sana hindi mag-crash 'yong eroplano niyo." Umalis ako agad pagkatapos kong sabihin 'yon. Ayo'kong makita ang reaksyon nila.
Sinalubong naman ako ni Nads na nakakunot ang noo. "Seriously?" tanong niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Grabe. Sinabi mo talaga 'yon?" tanong niya na naman.
"Dapat ba ni-record ko para paulit-ulit mong mapakinggan?" Napairap ako.
Umakyat na lang ako ulit. Binuksan ko na ang cellphone ko dahil siguradong nag-chat si Yoshi. Hindi ko inaasahang hapon na pala ako magigising. Hindi tuloy ako naka-pasok.
yoshi.fujimoto: already sent ur works. habulin mo yan lahat. i need it tom.
Napailing ako bago kinuha ko ang laptop ko at 'yon naman ang binuksan. Nagpahatid muna ako ng pagkain sa kuwarto ko bago sinimulan ang trabaho ko. Buti pa si Nads, walang pasok ngayong araw.
Tinawagan ako ni Yoshi bandang alas-tres. Business management talk. Nag-update na rin siya tungkol sa kaso. Si Rei na raw do'n.
Nag-inat muna ako at tinignan ang orasan ko. Seven na ng gabi. Bumaba muna ako at naghanap ng pagkain. Saktong nando'n si Nads at naghahain.
"Ay gagi, sobra pala." Kinuha nito ulit ang plato na inilapag niya sa mesa. "'Kala ko nandito pa si Sol. Nasanay ako."
Isang linggo lang naman nandito si Soleil pero parang sanay na sanay na siya sa presensya no'ng isa.
Umupo na lang siya sa tabi ko nang makabalik. Wala pa rin kasi si Jing kaya dalawa lang kaming kakain.
"Na-miss ko agad si Sol! Ikaw, 'di mo siya miss?" Bumaling ito sa 'kin. Nananahimik na nga, nadamay pa. Pero ang sagot...
Miss. Sobrang miss.
Imagine, sobrang lapit lang namin sa isa't isa. Nakatira kami sa iisang bahay. Pero parang ang layo namin. Hindi nga kami nag-uusap kung hindi kailangan.
Umiling ako. "Kumain ka na lang."
Nagkibit-balikat ito at kumain na lang.
Kinabukasan, nakapasok na ulit ako. Sabay kami ni Nads pumasok dahil nauna na si Yoshi. Sa sumunod na araw naman, sabay ulit kami ni Nadine. Hindi namin inabutan si Yosh sa bahay nila. Ewan ko kung tulog pa o nauna na. No'ng dumating naman kami sa opisina, sabi umalis daw si Yosh.
Wala akong pasok sa sunod na araw. Flight ko na bukas kaya hinanda ko na ang mga gamit ko. Nag-impake na ako. Hindi naman gano'n karami ang dadalhin ko sa Pilipinas pero syempre, may mga pasalubong pa. Tinulungan na rin ako ni Jing na mag-ayos ng mga gamit ko dahil hindi siya busy. Ihahatid niya pa nga raw ako bukas sa airport.
"Sana all uuwi," sabi ni Jing habang inaayos ang mga damit ko.
"Sunod ka na lang." Nginitian ko siya kaya ganoon din ang ginawa niya.
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi dahil sa sobrang aga ng flight. Kung hindi dahil hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kung excited lang ba talaga ako o kinakabahan pa rin ko sa eroplano.
Kumain na lang ako. Naligo na ako at nagbihis. Nakasuot ako ng turtle-neck top at pinatungan na lang ng coat. Tatanggalin ko rin naman 'yong coat mamaya dahil mainit na kapag dumating ako sa Pinas. Naglagay lang ako ng kaunting make-up. Kung anong make-up ko sa opisina, 'yon lang din ang make-up ko ngayon. 'Yon lang naman kasi ang kaya kong gawin. Hindi ko na inaral ang ibang way ng paggamit ng make-up dahil hindi naman importante.
"Yaya, patulong nga." Lumapit ako sa isa sa mga maid para magpatulong na ilagay sa compartment ng kotse ni Jing ang maleta ko. Medyo mabigat kasi. "Thank you."
Isinara ko na ang likod ng kotse bago pumunta sa harap at umupo sa shotgun seat.
"Seatbelt," paalala ni Jing.
Sinuot ko na lang iyon at hinintay siyang mag-drive.
Mabilis lang kaming nakarating sa airport kaya nag-asikaso na ako. Nagpaalam na rin si Jing na aalis dahil may gagawin pa raw siya. Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago umalis.
Hinintay ko lang ang turn ko na makasakay ng eroplano at natigilan. Parang gusto kong itulak 'tong f.a. sa harap ko.
"Welcome on board, Ma'am."
ISSEE_DARLING :)
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...