Prologue

49 0 0
                                    

Walang forever! Yan ang motto ko sa buhay. Bitter na kung bitter! Kung kayo ba naman ang nasa lagay ko di ba kayo magiging ganito? Halos lagpas na sa mga daliri ng aking mga kamay at paa ang numero ng mga relasyon-- o kung matatawag man na relasyon 'yun-- ang dumaan sa aking mga palad.

Palad? Di ba pwedeng buhay? Hahahahaha!

Ako nga pala si Eduard Palapar o mas kilala sa pangalang Ed Dadidoo sa nangunguna at trending na radio station, ang...

Well, lahat naman sila kini-claim na sila ang number one at trending...

Anyway, tinapik kasi ako ng aking malapit na kaibigan na ishare ko raw sa inyo ang napakaremarkable love story ko bilang isang bading at hindi lalake. Nung una ako'y nag-alinlangan subalit nung nabasa ko ang pangalawa niyang nobela na ang title ang Panamilit, naudyok niya rin ako sapagkat namention ang pangalan ko ag ng isa pa naming kaibigan dun sa kwento. Sabi pa ng kaibigan kong manunulat, "Bitin naman kung hindi nila alam ang kinalaman mo sa story ni Marc, di ba?"

Well, point taken. Pero bago ko raw muna iconnect ang story ko sa dalawng estoryang nailathala niya na dito sa Wattpad ay magshare daw muna ako ng aking love story na pwedeng kapupulutan ng aral ng lahat ng mga mambabasa!

Music maestro! Charot! Ano 'to, MMK? Hahahaha!

Bago ako magsimula, gusto kong maging totoo sa inyong lahat. Una, di ako marunong magsulat ng kwento, marunong lang akong magkwento ng mga buhay-buhay tulad ng ginagawa ko sa radyo. Pangalawa, ang mga mababasa niyo sa mga susunod na mga kabanata ay gawa ng aking kaibigan mula sa live interview naming dalawa. Pangatlo, sisiguraduhin kong comedy ang genre nito di tulad ng unang dalawang nobela na nailathala na super heavy drama to the max as in!

Redundant? Super na, heavy pa, may to d' max pa... Hahahahaha!

Huli, itong kwento ko ay hindi para sa mga hopeless romantic na naghahangad makapulot ng pag-asa mula sa pagbabasa ng mga nobelang hango sa kathang isip lamang. Pwes, ibahin niyo ang mga nobela ng aking kaibigan. Bukod sa may laman at kapupulutang aral, hango ito sa totoong buhay at mga pangyayari. Reyalidad ika nga. Kaso, ang mga pangalang sangkot sa kwento ay iniba para sa privacy ng mga tao.

Binild up ko talaga ang gawa ng aking kaibigan ano? Well, yan ang totoong kaibigan; handang tumulong kailanman.

Bago ko ipapaubaya sa kaibigan ko ang mga susunod na mga kabanata, share ko lang sa inyo ang tampok kong kwento. Ito ay tungkol sa destiny na nauwi sa tragedy. Well, wag mag-expect kaagad ng sad ending kasi yan ang pramis ko sa inyo, masaya ang magiging ending ng estorya ko. Pero sa nobelang nilalathala ng aking kaibigan, di ko pa yan alam. Hahahaha!

Oh siya, nawa'y kapupulutan niyo ng aral ang aking kwento at maging inspirasyon ako sa mga buhay niyo.

Ciao!

KapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon