"Patawad mahal" sambit nito at nakangiting hinawakan ang aking kamay. Lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking ulo, hindi ko alam kung bakit nagsimulang tumulo ang aking mga luha, hindi ko alam kung bakit pinaghalong saya at sakit ang aking nararamdaman, sino ba itong misteryosong lalaki na ito? Paano niya nagagawang iparamdam ito sa akin.
Iniangat ko ang tingin ko para pilitin ang sariling makita siya pero hindi ko magawa. Sinubukan kong hawakan ang kanyang pisngi ngunit nabigo ako sapagkat siya ay nagsimula nang maglaho.
Habol ang hininga kong napatayo sa kama at sapo ang dibdib matapos ko na namang mapanaginipan ang senaryong iyon, kaagad na hinanap ng mata ang orasan at nakitang alas-tres y media na ng hapon. Kahit mabigat ang aking puso ay pinilit ko parin ang gumalaw at mag-ayos.
Umalis na ako sa bahay at nagtungo kay Amihra, andito na akong ngayon sa kanyang bakuran, nakaupo at minamasdan ang mga mga makukulay na bulaklak habang inaantay siya.
Hanggat ngayon hindi parin mawala sa aking isip ang panaginip na iyon, naguguluhan na ako, pinipilit kong sinasabi sa aking isipan na hindi ito totoo, ngunit tila hindi ito isang panaginip lamang sapagkat ramdam na ramdam ko ang lalaki na iyon, sa paghalik sa aking ulo at paghawak ng aking kamay, ramdam ko.
"Tulala ka, Avi?" bumalik ako sa katinuan ng marinig ang boses ni Ahmira. Nilingon ko ang nasa likuran ko at mabilis akong tumayo sa pagkaupo saka niyakap ng mahigpit ang kaibigan.
"Okay ka lang ba Avina? Mukhang malalim ang iniisip mo kanina" sambit ni Ahmira. Bumuntong hinga ako at ngumiti "okay lang ako Mira" sagot ko
"Ano pala ang sinasabi mo na ibibigay mo sa akin Mira? maagang pamasko ba yan?" ngising sambit ko, napatawa si Mira at tinarayan ako. Napatawa ako, "Hay nako, bagong taon na hindi parin nagbabago, mataray parin kaya hindi ito nagkakajowa eh."
"Wag mo nga ako tinatawanan Avi, ipakain kita maya sa aso ko eh" pikon na sambit nito, mas lalo akong napahalakhak, bumusangot ang mukha ni Ahmira.
"Argh nakakagigil ka Avi, di lang talaga kita kaibigan yari ka sa akin!" tumigil na ako sa kakatawa at nakangising nakatingin kay Ahmira
"Oh ito" nilahad niya sa akin ang isang lumang kahon na may nakakaibang disenyo sa paligid nito tila ba isang kahon na galling sa isang maharlika. Napakunot noo akong tumingin kay Ahmira.
"Ano ito?" nagtatakang sambit ko. "Kahon malamang" aba pilosopo, sumeryoso ang aking mukha at itinaas ang isa kong kilay.
"Hehe, di ka naman mabiro Avi" nakangiti ngunit halatang kinakabahan na sambit niya.
"Galing yan sa isang lalaki, ibinigay niya sa akin noon pero sabi niya saka ko lang maaaring ibigay sayo yan sa tamang panahon" nakangiting sambit niya.
"Sinong lalaki?" tanong ko "Hindi ko alam ang pangalan Avi pero isa lang ang natatandaan ko, mayroon siyang kulay asul na mata na mahihitulad mo sa tubig ng karagatan" seryosong sambit nito.
Nakabalik na ako sa bahay at kaagad akong pumunta sa silid-aklatan dala dala ang kahon, umupo ako sa upuan at binuksan nang dahan-dahan ang kahon, bumungad sa akin ang isang larawan. Kinuha ko ang larawan at hinarap sa akin. Napaawang aking bibig ng makita ang nasa larawan, isang lalaking mayroong tsokolateng buhok at ang nakakabighaning asul na mata.
"Napakaganda," dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi nito, at hindi alam ang dahilan kung bakit tumulo muli ang aking mga luha.
Napahawak ako sa aking ulo gamit ang isang kamay ng maramdaman ang matinding pagkirot, para itong pinipiga at biglang may nagpakita na mga imahe sa aking ulo.
Dalawang tao, masayang masaya sila, ang babae ay nakaharap sa lalaki at ipinipinta ang lalaking nakasuot ng prinsipeng damit. Seryoso ang mukha ngunit ang mga mata nito ay nagpapakita ng kasiyahan.
Dalawang tao ang magkahawak ng kamay, nakangiting naglalakad habang nakatanaw sa papalubog na araw.
"Mahal na mahal kita prinsipe Zaven" puno ng pagmamahal na sambit ng babae, laking gulat ko nang makita ang sarili sa babae, parehong pareho ang aming mukha.
"Mas mahal kita aking prinsesa Avina Echizen" sambit ng lalaki, ito ang misteryosong lalaki sa aking panaginip, kung dati ay malabo lamang ang aking nakikita ngunit ngayon ay kitang-kita ko na, mayroon itong asul na mata at napagtanto ko ang taong nasa larawan at ang nasa aking panaginip ay nag-iisa.
Umiba ang pangyayari, ako ay nakaluhod sa damo, ang suot na maharlikang damit na puti ay mayroong bakas ng dugo, ang korona ay nahulog na at ang kamay ay may dugo na galing kay Zaven. Pinatong ng prinsipe ang kanyang ulo sa aking balikat habang hawak hawak ang dumudugong puso.
Gamit ang isang kamay, hinawakan niya ang aking pisngi at marahan na ipinagdikit ang dulo ng aming ilong. Kitang kita ko ang pagluha ko habang ginagawa namin iyon, tumulo na rin ang mga luha ni Zaven.
"Patawarin mo ko mahal, hindi ko mapapangakong magtatagal pa ako... p-patawarin mo ko" basag na boses na sambit ni Zaven, hinalikan ko ang nuo niya at umiling ako.
"Wala kang kasalanan mahal" sambit ko at ngumiti kahit masakit.
"Antayin mo ko habang aantayin ko rin ang araw na magkasama tayo muli" dagdag ko.
"Mahal kita" nakangiti pero nanghihinang sambit niya. "Mahal rin kita Zaven" saad ko sa huling sandali habang unti unting nawawala ang pigura sa aking harap, sinubukan kong abutin ngunit nawala na.
Napahikbi ako nang maalala ko na ang lahat, itong larawan na ito ay ang aking ipininta na si Prinsipe Zaven Gregomory, ang prinsipe na aking minamahal, ang aking unang pag-ibig...
Niyakap ko ang larawan ni Zaven at ipinikit ang aking mata, naramdaman ko ang biglang pagdampi ng malamig na hangin sa akin, tila ba niyayakap ako, ngumiti ako.
"Kung di man natuloy ang ating pag-iibigan, pinapangako na sa kabilang buhay tayo ay magkakasama".
BINABASA MO ANG
Alaala
RomanceAlaalang kay tagal nang itinago, alaalang nangyari sa nakaraan... Anong nangyari sa alaalang ito at mabubuwag na pagkalipas ng ilang taon. "Anong meron sa alaala ni Avina?"