Sorry po talaga kung napaka tagal ko mag update...medyo busy kasi eh...
TRIVIA: Nakuha ang idea na to from tha japanese drama na ATASINCHI NO DANSHI kaya mapapansin niyo ng may pagkakahawig ang kwentong 'to sa drama...
Kahit na wala na kaming pasok ay pumupunta parin kami sa public library... Dito kasi ang favorite place namin, ay mali...kay Pamela lang pala... Tuwang tuwa ang loka tuwing pumupunta kami dito...
"Anong plano mo??? Isang linggo nalang ang taning para sa 100,000,000 M"nag-aalalang tanong ni Pamela
Npabuntong-hininga nalang ako "Halos maubos ang ipon ko sa pagpapalibing kay Papa... Marami rin namang tumulong sakin diba...pero hindi parin sumapat yun.."
" Anong mangyayari sayo niyan..??"
"Hindi ko alam.."habang nakatingin ako sa labas ng library
"Alam mo kasi Mika, gamit ang calling card na binigay sayo eh nalaman kong kasapi ang mga lalaking yun sa sindikato ng droga...."
"Sa mga adik pala nangutang si Mama para makapagsugal...."
"Nanganganib ang buhay mo... Kahit na bata ka pa, hindi biro ang 100,000,000 M kaya sigurado akong huhuntingin ka ng mga yun.."
"Ang inaalala ko ay kayo, kasi baka pati kayo madamay, baka pati kayo mapahamak..."
"May binabalak ka???"
After 1 week... 7:00 AM... Nasa bahay ako at nag-iimpake ng mgagamit... Kailangan kong umalis para hindi mapahamak ang mga mahal ko sa buhay... Pero bigla ko lang naiisip na kung may utak talaga ako eh...bakit sa araw mismo ng taning ako aalis..
"Mikaella, hindi naman kita pinapaalis ha..." habang pinapanood akong mag-ayos ng gamit.
"Kailangan ko p itong gawin, Nay"
"Dahil sa pinagkaka-utangan mo..??"
"Paano niyo po nalaman...?"
"Sinabi sakin ni Jonathan ang lahat..."
Napatigil ako sa pag-aayos...
"Hindi mo naman kailangang gawin 'to eh...kaya naman nating pagtulung-tulongan 'to" dugtong niya
"Nay, ok lang po... Problema ko poto tsaka kaya ko naman po ang sarili ko eh..."
"Saan ka pupunta..??? Wala kang kamag-anak at tsaka kami nalang ang tangi mong kaibigan..."
"Kahit saan po mapdpad, tutal may natira pa naman sa ipon ko eh..."
Biglang may kumalampag sa gate ng pagkalakas-lakas... Nang silipin namin ni Nanay Berta, dalawang lalaking nakaitim ang nasa labas... Ito ang mga lalaking humarang samin sa labas ng school...
"Nay, sabihin niyo pong wala na ako"
"Yan ba sila..???" tanong ni Nanay Berta.
"Opo..."
"Sige...! Huwag kang lalabas dito.."
Bumaba si Nanay Berta at nakita niyang palabas ng pinto si Jonathan para buksan ang pinto, pinigilan niya ang anak...
"Jonathan, pumasok ka na sa loob.. Ako na ang magbubukas niyan..."
"Sige po, Nay"
Nagmadaling naglakad si Nanay Berta at binuksan ang gate...
"Anong kailangan niyo..???" mataray na tanong ni Nanay Berta
"Nandiyan ba si Mikaella Peralta...?"
"Wala na siya dito..."
"Anong ibig mong sabihin na wala na siya dito...??"
"Pinalayas ko na... Paano ba naman eh ilang buwan ng hindi nagbabayad ng renta...hindi naman pwedeng tumira siya dito ng libre..."
"Matanda, sigurado ka ba??? Baka naman tinatago mo lang siya diyan sa loob"
"Bakit hindi nyo halughugin ang bahay ko pero kapag hindi niyo siya nakita sa loob, kayo ang magbabayad ng renta niya.."
" Sige, hindi na namin papasukin ang bahay mo pero kapag napadaan siya dito... Tawagan mo kami sa calling card na 'to"
"Sige..."
Kinuha ni Nanay Berta ang calling card na iniabot sa kanya... Nang makaalis na ang dalawa ay sumilip muna si Nanay Berta para masigurong nakalayo na sila...
Samantala, bumaba na ako siya namang pabalik ni Nanay Berta sa loob..
"Wala na po ba sila...??"
"Wala na... Pumasok na sila sa kotse pero marami silang kasama..."
"Ganun po ba...??? Sige po aalis na ako"
"Mag-iingat ka.."
"Opo..."
Mas maganda na ang ganito kesa sina Nanay Berta ang mapahamak... Sumilip muna ako sa labas ng gate at ng masigur kong wala na sila ay kumaripas na ako ng takbo...
"Nasan na po si Mikaella, Nay...??"
"Umalis na..."
"Umalis na...??"
"Oo.*napansin ang supot* teka ano ba yang laman ng supot na bitbit mo...?"
"Wala po 'to Nay, mga naiwan na damit lang ni Mikaella.."
"Wala..?! Tapos mga naiwan na damitt...naku!! hwag kang mag-alala dadalawin din tayo ng batang yun..."
Sa totoo niyan, lunchbox talaga ang laman ng supot na bitbit ni Jonathan...
BINABASA MO ANG
Editing: Dont Read...
RomancePROPERTY OF:YAMADA_CHAN... Under construction.. BAWAL BASAHIN