ETHAN'S POV
Tinitigan ko si Ashley dahil sa sinabi nya.
Sa sandaling ito ay nagsimula na akong kabugan ng malakas sa dibdib ko. Kung ano-ano narin ang pumapasok sa isipan ko.
Kasi anong ibig sabihin ni Ashley na natatakot syang malaman ko ang bagay na yon?
"What do you mean Ash?" I asked her.
Ngumiti si Ashley pero nanatili syang nakatitig sa kamay nyang nasa hita nya. "Sinubukan kong labanan ang nararamdaman ko sayo kasi maling mahalin kita, mali na maramdaman ko ang ganitong bagay sayo dahil kapag nalaman to ni kuya alam kong masasaktan sya."
O. O
Anong pinagsasasabi mo Ashley? Ito ba ang way mo para pahulugin si Khael, parte pa din ba to ng plano?
Pero bakit parang totoo?
"Ash you know it is just a plan right?" I said.
But Ashley shook her head and that made me stop. Tinitigan ko lang syang muling ibuka ang mga labi at nagsalita, "I know it is. Pero totoong nahuhulog na ako sayo at hindi ko na alam kung paano pa pipigilan ang sarili ko."
Damn.
Ang salita ni Ashley ay parang sibat na tumarak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko matatagalan ang sakit, na sana panaginip lang to.
Sana hindi to totoo kasi putang-ina ang sakit!
Panong nauwi sa ganito ang lahat? Nagtiwala ako kay Ashley, alam nya na plano lang ang lahat ng to pero puta bakit nya tinotoo.
Hindi ko mapagana ang isipan ko kasi napaka imposible na mahulog si Ashley sa iba. Ang tagal naming nagsama at alam kong hindi nya magagawa sa akin ang bagay na yon.
Kampante ako na ako lang ang lalakeng mahal ni Ashley at hindi nya ko lolokohin sa kahit kaninong lalake, pero ano to?
Ibig sabihin ba noon, nung mga panahon na magkasama sila ni Khael at nag papanggap na mahal nila ang isa't isa, totoo na ba yon?
Nung oras na inamin ni Ashley na mahal nya si Khael putang ina wag nyo sabihin sa akin na hindi pag papanggap yon!
Fuck.
Hindi ko alam kung anong i-re-response ko. Ang tanging nagawa ko lang ay titigan lang si Ashley.
Hanggang sa dahan-dahan syang humarap sa akin at tinagpo ang mga mata ko.
"Sir. Khael, mahal kita..." she said weakly and kissed me on my lips.
Kasabay ng mga katagang yon ay ang kusang pagpatak ng mga luha ko. Ang mundo ko ay tumigil sa pag-ikot na parang isang sirang orasan.
Nasa braso kita Ashley pero ibang lalake ang iniisip mo.
Anong dahilan para traydurin mo ko ng ganito?
Minahal kita at hindi ako nagkulang sa pagpaparamdam non sayo. Tang ina gusto kong magwala kasi ang sakit ng tama nito sa akin.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (SEASON 3)
RomantizmAshley got all she wanted. She was happy with Ethan Rei, together with their son Clint Rei. It was a mad, crazy love full of kisses and happiness, but a horrible incident separated them and left Ashley heartbroken. Ethan survived but the accident ma...