CHAPTER I
It’s another day for Danna. Maaga ang pasok niya ngayon kaya kailangan na niyang bumangon at magprepare. She was singing all the way to the bathroom, walking while her eyes were closed.
“Aray ko po nanay ko!!!” She was completely out of balance nang mabangga niya ang upuang nakaharang sa may pinto patungong banyo. “What the hell is it doing here?” She asked herself with a sigh when she finally remembered why the chair was there. Nakalimutan niyang ibalik ito sa kanyang kwarto pagkatapos niyang maisabit ang kurtina sa may pinto.
“Whatever.” Kailangan na niyang magmadali or else, she’s going to be late. Kailangan pa naman niyang pumunta sa library for some research work para mamaya sa debate nila. Speaking of debate, makikita nanaman niya ang kanyang secret special someone. It’s a secret kasi siya lang po ang nakakaalam. She doesn’t have close friends or best friend whom she can share her secrets with. She doesn’t need one anyways. She’s more comfortable of being alone. Walang ibang inaalala kundi ang kanyang sarili, studies at ang kanyang trabaho na secret din. Danna Secret.
Hell it fits!
With regard to her job, she’s doing a field work for Carlos Morin, a 63 year-old digital journalist na best friend ng kanyang amang matagal ng namayapa pagkatapos barilin sa ulo ng mga di kilalang lalaki. But it was believed everything was politics related. Isa ring mamahayag ang kanyang ama noon at kilalang aktibista. Bago pa man ito yumao ay palagi na itong nakakatanggap ng death threats ngunit hindi ito nagging hadlang upang ituloy ang trabaho nitong isigaw ang katotohanan. Sa kagustuhan niyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama, she asked Carlos to write for him, to write for The Hawk’s Eye—isang online publication na dating pinangunahan ng kanyang ama, which was then succeeded by Carlos. And she got the job gustuhin man ni Carlos o hindi. Kahit anung tanggi niya sa hinhinging pabor ni Danna, he finally gave in at the end of the day. Nakita din naman ng matanda ang potential ni Danna when it comes to Investigative Journalism.
Magaling ito, matalino, maobserba, higit sa lahat, pasensyuso. But she’s still too young at natatakot siyang mapahamak ang dalaga dahil sa kanyang trabaho. Alam niyang magaling ito sa martial arts ngunit hindi iyon sapat para hindi siya mag-alala. Para na ring tunay na anak ang turing niya dito. Dahil nga sa pagpupumulit na makapagsulat, napagkasunduan nilang gamitin ang kanyang pangalan at si Danna nga ang katulong niya for doing the leg work. She was okay about it. That’s how she got the job—a job that only Carlos and the members of The Hawk’s Eye knew. Kahit ang kanyang ina ay hindi alam ang sekretong ito. Alam niyang hindi siya nito papayagan dahil nga sa nangyari sa kanyang ama. But she badly wants to continue what her father has started and she’s considering it as her source of
income too.
Kahit papanu ay libri na din ang allowance niya everyday papuntang school. Hello!? She’s already 19 years old at nakakahiya na sa kanyang ina na humingi pa siya ng pambaon dito. Ito na nga lang ang bumubuhay sa kanilang dalawa at sumusupurta sa kanyang mga gastuhin sa paaralan. Kahit naman papaanu ay makatulong siya sa kanyang ina. Pangako naman niya sa sarili pagnakatapos siya ng pag-aaral ay hindi na niya ito pagtatrabahuin. Hindi na ito maglalabada at magluluto ng kakanin. Sa bahay nalang ito, magre-relax o kaya naman ay kung gusto nitong magnegosyo ay bibigyan niya ng perang pampuhunan.